CHAPTER 17: Her Hunt!

2.6K 73 1
                                    

KANDYCE

Bago ako tuluyang makalabas sa pagamutan ay nakita ko pa si Enver na bumibili ng pineapple juice sa vending machine. Napangiwi na lang ako. I felt bad for asking him to do that while I was trying to escape from the clinic slash mini hospital. Ang laki at ang lawak kasi eh. Clinic ang tawag pero mukha namang mini hospital. Kung tutuusin pwede naman akong magpaalam kay Enver o sa nurse kung saan ako pupunta. Yun nga lang, alam ko na hindi nila ako papayagan. Isa pa, nahihiya na rin ako kay Enver. Siya na ang nagdala sa akin sa clinic, siya na ang nagbantay sa akin, binilhan na din niya ako ng mga pagkain tapos ang bait-bait pa niya sa akin. Goshness! Para ko na talaga siyang kuya na todo alaga sa akin. Hindi ko nga akalain na may ganyan pa palang kabait na tulad niya dito sa mundong ibabaw. Akala ko naubos na lahi nila.

Nang muling bumalik si Enver sa second floor ay sinamantala ko na ang pagkakataon upang makatakas. Hindi naman talaga takas. Nagpaalam naman ako sa iniwan kong note. Hihingi na lang ulit ako ng maraming paumanhin kay Enver sa susunod na magkita kami. But for now, I would hunt someone. Siraulong kumag kasi yun! Ang sarap saksakin! Siya yung may kasalanan sa nangyari sa akin tapos si Enver pa yung hinayaan niyang umasikaso at mag-alaga sa akin?! Hay naku! Ang sarap gilitan sa leeg!

Habang pabalik ako sa dorm upang palitan ang duguan kong uniporme ay nakaramdam ako ng sakit ng ulo at pagkahilo. Lumabo at bahagyang dumilim ang paningin ko. Napasandal na lang ako sa pader ng gusali ng dorm bago pa ako tuluyang matumba. Nanatili ako sa ganitong posisyon ng mga isang minuto at hinintay na bumalik sa normal ang paningin ko upang maipagpatuloy ang dapat kong gawin. Pumasok na ako sa dormitory at dumeretso sa silid namin ni Beth. Mabuti na lang at wala pa siya rito kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon at pinalitan ang suot kong uniform ng extra standard uniform. Bawal kasi ang magpakalat-kalat dito sa university nang hindi naka uniform maliban na lang kung may espesyal na okasyon at imbitado ang lahat ng estudyante. Bitbit muli ang medical box na dinekwat ko mula sa clinic kanina ay umalis na ako sa dorm at ipinagpatuloy ang paghahanap sa kumag. No matter what, the hunt was on!

Bumalik ako sa likod ng gusali kung saan nangyari yung basag-ulo kanina. Subalit wala na akong nadatnan dito. Tanging ang mga tumilamsik na dugo na lang sa tabi-tabi ang nakita ko bilang tanda na may nangyaring away kanina sa lugar na kinaroroonan ko. Nagmasid ako sa paligid at nag-isip kung saan siya maaaring pumunta. Baluktot ang pag-iisip ng kumag na yun kaya imposibleng dumeretso yun sa clinic para magpagamot. O baka naman nasa morgue na yun at naninigas na sa lamig yung bangkay niya. Either way, naglakad-lakad na lang muna ako saglit sa paligid. 'Di nagtagal ay namataan ko nga yung kawawang kumag. Hindi niya agad napansin ang presensiya ko dahil nasa bandang likuran niya ako.

Puno ng galos at sugat yung buong katawan niya. Pati uniporme niya ay hindi na rin matinong tingnan. Nakaupo lang siya habang nakasandal sa malaking puno. Pansin ko na sa bawat paghinga niya ay iniinda niya ang pagkirot ng mga natamo niyang galos at sugat sa katawan. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Napalingon naman siya sa akin at tila hindi makapaniwalang may tao pa palang natitira sa mundo.

I smiled. "Hello... bastard."

He automatically flashed me an angry look. But I think it wasn't because I called him a bastard. "What are you doing here?! You're supposed to be in the clinic!"

"Hinay-hinay lang, ang puso," paalala ko sa kanya. Baka mamaya ma-stroke 'yan kasalanan ko pa. "Eh bakit ikaw, hindi ka rin naman dumeretso sa clinic para magpagamot ah."

"Tsk. It's none of your business. Just go back to the clinic and leave me alone."

Psh. Kung makapag utos naman 'to akala mo kung sino. Pero kung sabagay, prinsipe nga naman kasi siya.

"For your information Clive Oberon Goldsmith, you are my business. At hindi ko na kailangang bumalik sa clinic dahil ayos na ako kompara naman sa'yo, halos humandusay ka na diyan sa tabi." Masyado lang talaga akong dedicated sa job ko to the point na sa halip na nagpapahinga ako eh siya pa ang pinuntahan ko. At hindi ako nagsisisi sa ginawa ko dahil sa lagay niya ngayon ay baka hindi na siya sikatan pa ng araw bukas.

Royalties and Nobilities --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon