CHAPTER 35: Their Couple Necklace!

2.2K 61 7
                                    

KANDYCE

Akala ko hindi na ako apektado ng mga cheesy lines ni Stelian. Dahil una, nakokornihan ako at pangalawa, sanay na dapat ako. Ganun pa man, naramdaman ko pa rin na bumilis ang pagtibok ng puso ko. Nag-init rin ang mga pisngi ko.

Kakanta raw siya para sa akin?

"May kailangan ka ba? Gitara? Keyboard? Tubig? Ako? Sabihin mo lang at lahat ibibigay ko," mapang-akit na wika ng game host saka parang biglang natakot na bumaling sa akin. "Biro lang po yung last statement, miss Kandyce. Baka mamaya ambush-in mo ako diyan."

"Hindi naman po," natatawang tugon ko.

"Gitara na lang," sagot naman ni Stelian. Hindi nga nagtagal ay may nag-abot sa kanya ng instant gitara, upuan at stand ng microphone. Hanep! Libreng performance. Pagkaupo ni Stelian ay saglit niyang tinimpla yung gitara samantalang gumilid naman kami sa entablado.

"Heto na po ang performance ng gwapong-gwapo na si papa Stelian. Pakinggan na po natin."

"This is my own composition entitled 'Crazy'. And I dedicate this to the special girl who is the reason behind this song." Nagulat na lang ako nang tingnan ako ni Stelian at saka ako kinindatan. What the heck?! Para saan yun? (=__=)

As Stelian started strumming the guitar, I just stood watching him from a corner. Napansin ko agad ang talent niya sa paggigitara. Ngunit napatulala na lang ako nang magsimula siyang kumanta. Whoa! Ang ganda pala ng boses niya! Sobrang nakakamangha! (*O*)

(*A/N: The song entitled 'Crazy' is actually by Andrew Garcia.)

Crazy 'coz I'm falling in love

Falling deeply in love with you

Yeah, it's all damn true

Friends say I'm out of my mind

That I shouldn't be with you

But they don't understand

The way I feel for you

Is unlike any other thing I've ever felt before

But they don't understand...

Nang dumating siya sa chorus ng kinakanta niya ay napatulala ako. Masyado akong nagagwapuhan sa kanya sa mga oras na 'to. Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng matinding kilig. WAAA! Bakit ganito? (>>///<<)

That I'm not crazy

I'm just a man

Searching for reasons to find you

Over and over again

I'm not crazy

I'm just a man

I'm doing everything that I can

And... I died. Joke lang. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na hangaan siya. Inaamin ko noong una na hindi ako ganun kaapektado ng charisma niya kahit na kilig na kilig na yung mga babaeng nakapalibot sa kanya. Pero ngayon...WAAA! Grabe! Siguro kasi nahaluan ng talent niya sa paggigitara at galing niya sa pagkanta ang kagwapuhan niya kaya siguro ganito. I found him totally irresistible. Heck! And the lyrics of his song... ang sweet pakinggan!

Crazy 'coz I'm telling the truth

There's nowhere to run

They're telling me that I should find another one

Royalties and Nobilities --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon