KANDYCE
Pagkarating namin ni Beth sa backstage kung saan nagkakagulo ang lahat ay natagpuan ko si Jade na nakaupo lang sa isang tabi habang hawak sa kanyang noo ang isang ice pack. Ayon sa mga kasamahan nila ay kahapon pa raw hindi maganda ang pakiramdam ni Jade subalit pinilit lang daw niya ang sarili niyang pumunta sa play ngayon. Sayang naman daw kasi yung mga napraktis na nila at yung mga pinaghirapan nilang gawin kung hindi rin lang daw matutuloy yung play. Kanina pa nila pinapapunta si Jade sa clinic subalit nagmatigas siyang sasalang pa rin sa pag-akting hangga't wala pang nahahanap na kapalit niya. Wala silang nagawa kundi gawan ng paraan ang problema.
Kulang-kulang na isang oras na lamang ang nalalabi bago magsimula ang play at hanggang ngayon ay wala pa rin silang nahahanap na kapalit para sa role ni Cinderella. Kung sakaling makahanap man daw kasi sila ng papalit kay Jade ay baka mahirapan naman itong umakting lalo na at wala itong sapat na oras upang mag-rehearse man lang o kabisaduhin ang mga linya nito. Nang sumilip ako mula sa backstage ay napanganga na lang ako nang matagpuan kong punong-puno na ang drama theater. Lahat sila ay naghihintay na lamang na magsimula yung play.
"Whoa! Siya yung sinasabi nilang prinsipe ng Kaharian ng Etherion, hindi ba?"
"Oo nga. Si Clive Goldsmith. Siya yung kilalang magaling na estudyante pero nakakatakot kung magalit."
"Shhh! Huwag kayong tumawa. Siguradong patay tayo sa kanya."
"Mga tanga! Hinaan niyo nga 'yang boses niyo at baka marinig niya kayo!"
"Oi, teddy bear. Ikaw ang papalit na Cinderella."
Napalingon na lang ako sa huling taong nagsalita. Nangibabaw kasi sa lahat ng tinig sa paligid yung nakakainis na bansag sa akin ng kumag. Magrereklamo na sana ako nang agad kong napansin yung kasuotan niya. His costume consisted of a red tailored suit that perfectly fit his well-toned physique. Prinsipeng-prinsipe ang dating niya. Well, hindi na 'to nakakagulat dahil prinsipe naman talaga siya. Subalit napatakip na lamang ako nang aking bibig dahil sa suot niyang maskara. Kalahati lamang ng mukha niya ang natatakpan ng maskara. His mouth was still exposed but he looked so horrible that it made me laugh so hard I even stomped my foot on the ground while clutching my stomach.
"HAHAHAHAHAHA!!! YUNG ITSURA NIYA OH! PASADONG-PASADO KA NA PARA SA HALLOWEEN!!! HAHAHAHAHA!!! BILIB AKO SA MAKE-UP ARTIST MO! HALIMAW NA HALIMAW NGA 'YANG PAGMUMUKHA MO!!! HAHAHAHAHA!!!"
Clive stared at me. Nang maasar siya ay bigla na lamang niya akong kinaladkad papunta kila Beth at Jade. "She'll gonna be the monkey Cinderella," saad niya habang pinupunasan ko yung luha sa mga mata ko dahil sa sobrang pagtawa kanina.
Tumahimik bigla ang buong paligid. Pinagtitinginan na lamang kami ng mga taong naririto sa backstage kasama namin. Halos maubusan na lamang ako ng dugo nang mag-register sa isipan ko yung sinabi ni Clive.
What the heck?!
Agad akong nataranta. "Uy! Anong pinagsasasabi mo?!"
"Didn't you watch the entire practice and played some roles? Wala na tayong oras para magtalo para rito," saad niya sa seryoso at naiiritang tono. Nararamdaman kong nababalutan na naman siya ng itim na aura. Bumaling siya sa mga miyembro ng drama club. "Gawin niyo ang dapat niyong gawin. The show must go on. You'll certainly not gonna make me wear this costume for no reason."
Nagkaroon ng tensyon sa paligid dahil sa sinabi ni Clive. Higit pa rin niya ako sa braso ko. Walang tumutol sa desisyon niya. "Then, it's decided."
Wait! What?! No way!
"Teka lang! Hindi ko kayang gampanan yung papel ni Cindere---" reklamo ko pagkabitiw sa akin ni Clive. Subalit nang biglang tawagin ni Jade ang pangalan ko sa garalgal na tinig ay agad na nawala yung mga sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
Royalties and Nobilities --- COMPLETED
RomanceHave you ever dreamed of what it would be like to be a princess? To be swept off your feet and wear a crown? Well, I did back then when I was still a young, daydreaming little girl and had a simple life. Pero sabi nga nila: "Be careful for what you...