CHAPTER 46: His Revelation!

2.2K 43 1
                                    

BETHANY

Charry finger combed my hair and secured it with hair pins. She simply inserted the pins around my ponytail, then she worked the bun by rolling a quarter of my hair and securing it with pins. She did the same with the remaining quarters of my hair. Lastly, she carefully placed the headband.

"Done!" nakangiting wika ni Charry. Tinitigan ko naman ang sarili ko sa salamin. Charry's a professional. Ang bata pa niya pero magaling na siyang mag-ayos. Magaling din siya pagdating sa fashion. Nabibilib ako sa kanya.

"Hulaan ko," saad ni Kandye kay Charry habang inaayos ang hair dryer na ginamit nila sa akin kanina, "may balak kang maging beautician noh?"

Napahawak sa baba niya si Charry at bahagyang tumingala. Wari ay sinusubukan niyang ikonsidera ang sinabi ni Kandyce. "Hmm... pwede rin. Pero mas gusto kong maging fashion designer sa Paris!"

"Maganda 'yan. I'm sure magiging successful ka. You certainly have the talent."

"Talaga, ate Kandyce?" nagniningning ang mga matang tanong ni Charry.

Tumango si Kandyce. "Yup. No doubt."

Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at humarap sa kanila. "Kandyce, Charry," usal ko. Bumaling sila sa akin. "Maraming salamat sa tulong niyo."

"Wala yun," sabi ni Charry. "Basta pagdating sa pag-aayos o pagpapaganda, tawagin niyo lang ako."

Bumuntong-hininga naman si Kandyce at lumapit sa akin. "Aaminin kong medyo mabigat sa kalooban ko ito pero..." banayad siyang ngumiti, "...sana maging masaya ka sa date mo kay Tiberius. Gusto din kitang purihin dahil mas lalo kang gumanda ngayon sa ayos mo."

"S-salamat," namumulang tugon ko. Muling bumalik sa alaala ko ang araw kung kailan ako inaya ni Tiberius na makipag-date sa kanya.

*FLASHBACK*

Naglilibot ako sa grocery store habang hinahanap ang mga kailangan kong bilhin na pagkain. Nang mahanap ko ang kailangan ko ay huminto ako upang abutin ito. Tumingkayad ako dahil sa taas ng kinalalagyan ng inaabot ko. Ganun pa man, kulang pa rin ang pagsisikap ko. Mas lalo pa akong tumingkayad nang isang lalaki ang bigla na lamang tumabi sa akin at inabot ang latang pilit kong kinukuha. Ibinigay niya sa akin ito. Pinagmasdan ko ang lalaki na si Tiberius pala. Nakaramdam ako ng pagkabigla at bahagyang pamumula sa aking mga pisngi.

"Sa susunod, dapat humingi ka ng tulong sa iba," preskong sabi niya.

"S-salamat," saad ko pagkakuha sa lata.

"May mga bibilhin ka pa ba? Tulungan na kitang maghanap."

Saglit akong natigilan sa sinasabi niya. "U-um..."

"Akina." Inilahad niya ang isang kamay niya. "Ibigay mo na lang sa akin yung listahan ng mga bibilhin mo. Alam kong may dala kang listahan diyan."

Wala akong nagawa kundi ang hayaan na lang siyang samahan ako sa pagbili. Magkasama nga naming hinanap ang mga nakalista sa listahang dala ko. Paano kaya niya nalaman na may dala akong listahan?

Nang makabayad na kami sa cashier ay siya na rin ang nagboluntaryong magbuhat sa mga pinabili ko. Nahihiya man ay pinagbigyan ko na lang ulit siya. Parang kakaiba yata siya ngayon. He's being extra kind. Nakakapanibago.

"May pupuntahan ka ba ngayong Linggo?" usisa niya habang naglalakad na kami papunta sa dorm. Isa pa itong nakakapanibago. Pagkarating namin sa school ay nagboluntaryo siyang ihatid ako papunta sa dorm habang bitbit pa rin sa magkabilang-kamay ang mga pinamili namin.

"Wala naman," sagot ko. "Bakit mo naitanong?"

"Aayain sana kitang makipag-date," paliwanang niya habang patuloy pa rin sa paglalakad. Napahinto ako. Tama ba ang narinig ko?

Royalties and Nobilities --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon