CHAPTER 50: Their New Year's Eve!

3.4K 67 3
                                    

CHARLIZE

Sabay kaming pumasok ni ate Kandyce sa hall ng main building ng university. Halatang napatulala siya pagbungad namin dito. Hindi ko masisisi si ate Kandyce dahil talagang sadyang napakaganda ng reception namin ngayon para sa New Year's Eve Ball. Everything was golden. Ornaments sa mga dingding, nagsisikislapang mga dyamante sa mga chandelier, mga baso, mga pinggan, maging ang pagkain---ang lahat ng mga ito ay may kulay ginto. Napakalawak din ng hall. It was enough to fit all the students, professors and staffs of the whole university. Pero siyempre hindi pa rin kami nagsisiksikan. Kung tutuusin ay pwede pa akong tumakbo-takbo sa paligid kung gugustuhin ko. Napangiti ako at napahawak sa dala kong bagong camera bag na niregalo sa akin ni ate Kandyce nitong nagdaang pasko. Napakaraming magagandang spots para makakuha ako ng mga pictures.

Dinig sa buong paligid ang pinapatugtog na mga sikat na kanta mula sa sound system. Ngunit sa isang sulok ay narito rin ang isang band upang tumugtog ng mga kanta para sa tradisyunal na mga sayaw. Cameras---both for photography and video---dotted the place. Maya-maya ay magiging isa na ako sa mga ito. Magaganda at makukulay ang costume ng lahat. Ate Bethany was dressed as an angel and was dancing with kuya Tiberius. She had wings that looked like they'd been made out of iridescent paper floating behind her. Kuya Tiberius matched her costume by wearing a pure black suit, a devil horn and black wings that was made out from the same material as ate Bethany. Isa siyang fallen angel. Napangiti ako. Like kuya Clive and ate Kandyce, they were a perfect fit.

Ate Angelique's silken dress, on the other hand, was an exaggeration of a demure one. The draping sleeves were incredibly dramatic, and I was in awe of her ability to walk gracefully and elegantly with the ornate headdress she was wearing. Napakaganda at napakaregal niyang tingnan tulad ng dati. Tila magkapares naman ang ayos nila ate Vivienne at ate Zadie na nakilala ko lang nang dahil sa pagbisita ko sa Maid Café ng college division para puntahan si ate Kandyce. Ate Zadie's dress had flowers blossoming on the bodice, and her full skirt was fluttery green tulle. Ate Vivienne's dress was as golden as the room and covered with cascading leaves. Hula ko ay sila ang spring at fall. Ang cute ng idea nila. Parang na-inspire tuloy akong mag-design uli ng bagong damit. Namataan ko rin si ate Willow. Hindi ko siya makalimutan dahil isa siya sa mga tumulong sa akin dati para makatulog ako sa kwarto nila ate Kandyce at ate Bethany sa unang pagkakataon. Ate Willow's dress was short and made of feathers, with a large plume behind her head announcing she was a peacock.

Sa buong silid, lahat ng mga high school students at elementary pupils tulad ko ay nakasuot din ng costume. The men and boys were equally dashing. May nakita pa akong baseball player, isang cowboy, at isang lalaki na naglakas loob na magsuot ng isang bestida. Ang ilang mga babaeng nakapalibot sa kanya ay tinatawanan siya. Nakakatawa naman talaga kasi lalo na at hindi pa nag-shave yung lalaki ng mga binti niya. Sa palagay ko ay isang nobility yung lalaki kaya hindi ko siya kilala. Mga pangalan lang kasi ng royalties ang talagang tinatandaan ko dahil kasama yun sa lessons ko.

Bumalik ang sulyap ko kay ate Kandyce. I made her into a butterfly. Her dress was tapered from front to back in a fluttering material edged in deep red that floated around her. Isang maliit na mascara na parang mga pakpak ng paro-paro ang nakatakip sa mga mata niya. It made her look mysterious. Pulang-pula ang kasuotan niya na lalo pang nagpalitaw sa kaputian niya. Saktong-sakto rin yung suot niyang bracelet dahil kakulay ito ng suot niya. Namumukhaan ko yung bracelet, siyempre. Isa kasi itong heirloom ng pamilya namin. It was a tradition that the would-be-wife of the next king of our country would have that bracelet. I wonder if ate Kandyce was aware that she was already technically engaged to be married with my brother. Lihim akong kinilig. Kahit si ate Mackie na ex-girlfriend ni kuya ay hindi nakatanggap ng ganyang klase ng heirloom mula kay kuya. Mukhang sobrang napaka espesyal talaga ni ate Kandyce para sa kuya ko. Sana lang ay bilisan ni kuya sa hinahanda niya ngayon lalo na at marami-rami na ang napapatitig at napapalingon kay ate Kandyce.

Royalties and Nobilities --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon