KANDYCE
WOOOOOH!!! Nakahinga rin ako ng maluwag. Wala na yung kumag na may sapi na inaalagaan ko. Nandito na kasi ako sa trabaho ko. Of course, sa Maid Café. Wala namang gaanong problema sa trabaho ko ngayon. Dating gawi pa rin. Ang kakaiba lang siguro ay kararating lang ni Beth. She's actually thirty minutes late. Bago yun ha. Responsible yan eh kaya bihira lang siyang ma-late. Anyways, nag-explain lang naman siya kay maid Vivienne sandali pagkatapos ay nagsimula na rin siyang magtrabaho. May napansin naman akong notebook na nakapatong sa isang mesa. Ito yata yung dala ni Beth kanina. Na-curious ako kaya pasekreto ko itong binuklat. Walang maingay. >:D
Yung laman? Isang kwento lang naman na pinamagatang: CINDERELLA AND THE BEAST. Bago 'to ah. Medyo kakaiba. Nang basahin ko ito ay napansin kong nagkaroon ng twist yung story in a very interesting way. Babasahin ko pa sana kung hindi lang ako napalundag dahil sa tinig na nagsalita mula sa likuran ko.
"Kandyce?" Beth said in her usual soft and gentle voice. Isinara ko bigla yung notebook saka ko siya hinarap.
"Yes?" kunwaring tanong ko at ipinakita yung notebook na hawak ko. "Ah, sa'yo ba 'to? Nakita kong nakapatong dito sa table."
She immediately turned into a tomato. What could I say? Namula siya bigla. Buong mukha pa. Hinablot niya mula sa kamay ko yung notebook na para bang dito nakasalalay ang karangalan at dignidad niya.
"A-akin nga. Ito yung hinahanap ko s-salamat," tumalikod na siya sa akin habang yakap ng mahigpit yung notebook niya.
"Para sa drama club niyo ba 'yan? Pasensiya na binuklat ko kanina. Na-curious kasi ako, lalo na nung nabasa ko yung title. Ang astig nga eh. Kakaiba yung kwento kaya nakaka-curious malaman." :"3
Bigla siyang humarap sa akin. "T-talaga?"
May pakiramdam ako na ayon sa nagniningning niyang mga mata ay nakasalalay ang kapalaran ng daigdig sa isasagot ko. "Babasahin ko ba 'yan kung hindi ko gusto? Siyempre, oo, maganda yung kwento. Astig kasi nagsama ang mundo nila Cinderella at nung Beast. It's very interesting na malaman kung ano talaga ang mangyayari sa pinagsamang kwento at mundo nila. So, I guarantee it, maganda 'yan."
"Sigurado ka? Hindi ba ito... hindi ba ito pangit or... l-lame?"
"Huh? Lame?" I snorted. "Sinong siraulong abnormal na nilalang ang nagsabi? Yung mga wala lang taste sa magagandang literature ang magsasabi ng ganun diyan." :)
Ngumiti siya. Yung matamis na ngiti. Kapag lalaki ang makakakita sa ngiti niya, sigurado akong magagandahan ito kay Beth o baka ma-in love pa ang lalaking ito sa kanya. May pagkamahiyain kasi siya. Kaya bihira mo lang makita yung natural na ngiti niya. Yung as in ngiti talaga niya na walang halong hiya. :"3
"Salamat, Kandyce. Salamat talaga." (^_^)
"Your welcome," kahit na hindi ko alam kung ano ang dahilan para isipin mong pangit ang gawa mo gayong maganda naman talaga, tuloy ko sa isipan ko.
"Maid Kandyce, table number five please!" tawag sa akin ni maid Zadie kaya agad kong inasikaso ang customer na nakaupo sa table number five. Hindi ko siya agad nakilala kasi natatakpan ng menu yung mukha niya. Hindi na ako magtataka kung magkakapalit sila ng mukha nung menu.
Hinanda ko yung pen at mini-notebook ko. "May I take your order, sir?"
"Isa ngang... matamis na oo."
Tin-ake down notes ko naman yung sinabi niya. Isa raw matamis na... WHAT?! Tiningnan ko kung sino ang siraulong iyon. (=_=)
"Ikaw?!"
"Miss me?" tanong ni Stelian na may nakalolokong ngiti.
"In your dreams. Sabihin mo na kung ano ang order mo. Huwag mong sayangin ang oras ko."
BINABASA MO ANG
Royalties and Nobilities --- COMPLETED
RomanceHave you ever dreamed of what it would be like to be a princess? To be swept off your feet and wear a crown? Well, I did back then when I was still a young, daydreaming little girl and had a simple life. Pero sabi nga nila: "Be careful for what you...