CHAPTER 8: His Rebelliousness!

2.9K 77 1
                                    

KANDYCE

Lakad, lakad. Hanap. Liko roon, liko rito. Silip sa tabi. Linga-linga. Silip sa mga room. Punta sa library. Saan na ba yung Clive na yun? Malapit nang magsimula yung next class pero nawawala pa rin. Pasaway na bata oh! (=_=)

Chineck ko na lahat pati mga basurahan at inidoro pero walang kumag doon. Argh! Saan ba nagsususuot yun? Absent na nga kami sa second class namin kanina dahil pumunta kami sa Chairman's Office tapos absent na naman sa next class? Ahy, hindi yun pwede! Mabait akong estudyante kaya kung kinakailangan ay hindi ako aabsent sa kahit na anong klase maliban na lang kanina dahil may valid reason naman. Kung pwede lang kasing hayaan na yung Clive na yun, ginawa ko na sana. Kaso nga lang... effective today... baby sitter na niya ako. Ah este, personal maid na niya ako. Psh! Pareho na rin lang yun. Personal maid nga lang talaga dapat ako pero ang sabi sa akin ni chairman Snow tulungan ko raw na maging good student si Clive. Para namang may ititino pa yung balasubas na yun!

Nasaan na ba kasi yung Clive na yun?! Kanina pa ako paikot-ikot sa college division ah! Tatadtarin ko na yung kumag na yun sa oras na mahanap ko yun! Ten minutes na lang magsisimula na yung klase namin. Actually, last subject na namin yun sa umaga. Tapos lunch break na. Tapos dalawang subject pa ulit sa hapon at uwian na. Hayaan ko na lang kaya yung retarded na yun? Pati ako madadamay dahil sa mga kalokohan nun eh. Oo nga. Hayaan ko na lang siya. Bahala siya sa buhay niya.

Tumalikod na ako para bumalik sa college building pero bigla kong namataan si Stelian slash Shrek the Second na papalabas roon. Sa pagkakataong ito, mag-isa lang niya at parang may hinahanap siya. Tumalikod ako agad bago pa niya ako makita. Kinikilabutan talaga ako sa Stelian na yun kahit anino pa lang niya ang makita ko. Naglakad na ako sa opposite direction. Nagtago ako sa likod ng isang puno na hindi naman kalayuan sa building. Hihintayin ko na lang munang umalis yung Stelian na yun bago ako pumasok sa building.

"Why are you here?"

"Ay bakulaw!"

Halos mapalundag ako sa gulat. Nakakainis naman itong kumag na 'to! Kung kailan hindi hinahanap, saka na lang susulpot na parang kabute. Hinagod ko siya ng tingin. Nakasandal siya sa isang puno habang nakaunan yung likod ng ulo niya sa mga kamay niya. Naka-bend yung isang tuhod niya habang nakatingin sa akin. Tusukin ko mga mata nito eh. Kung makatingin akala mo naman teritoryo niya ang lugar na ito.

"I figured that it would be more efficient keeping an eye on you rather than strolling around since you really are a pain in the ass!" Wahaha! English yun! Akala niya siya lang ang marunong mag-english? Ako rin!!! >:b

"Get lost," he said coldly, then ignored me.

"Clive, bumalik na tayo sa klase natin. Baka ma-late tayo," sinubukan ko pa ring magpakabait sa kanya kahit papaano. Pasalamat siya at sa kanya nakasalalay ang pananatili ko rito sa university.

"Bumalik kang mag-isa mo. Go away!"

"Hmp! Suplado. Para sa kaalaman mo, ako na ang babysi---este personal maid mo. Kasama na roon ang tungkulin kong bantayan ka at gawin kang matinong kuma---ah estudyante! Kaya bumalik na tayo sa klase natin!"

"I said, go away. Didn't you understand what I said? Or didn't you hear me? Are you deaf?!" he snarled.

"I'm not!" mariing sagot ko. Kung narinig niya ito ay hindi ko alam. Because the next thing I knew, he was already striding away from me. What a jerk?!

*****

CLIVE

"I figured that it would be more efficient keeping an eye on you rather than strolling around since you really are a pain in the ass!" she said smugly, although I didn't know what's there to be smug about.

Royalties and Nobilities --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon