CHAPTER 39: His Invitation!

2.3K 51 0
                                    

KANDYCE

Bakit ba kasi hindi ko pa inamin sa kanya ang tunay kong nararamdaman noong sinabi niyang nagseselos siya? Bakit ba kasi hindi ko pa sinabi na wala siyang dapat pagselosan dahil wala naman talaga? Bakit ba kasi hindi ko pa inamin na kaya ayaw kong iwanan na lang siya ng basta-basta ay dahil tuluyan na akong nahulog sa kanya?

Ang sagot: natakot akong magtapat sa kanya. Natakot akong i-reject niya ako dahil may mahal siyang iba. Pero kung talagang mahal ko siya, kailangan kong tanggapin kung ano man ang magiging kasagutan niya, hindi ba? Kailangan kong tanggapin ang bagay na mas magpapasaya sa kanya kahit na magiging masakit pa ito para sa akin. Pero ngayon, huli na. Kahit na na-realize ko na ang mga bagay na ito, ano pang halaga nito kung huli naman na? Nagpadala ako sa takot. Pero mas may nakakatakot pa pala kesa sa bagay na kinakatakutan ko. Ito ay ang malaman mong tuluyang nang mawawala ang taong mahalaga sa'yo nang hindi mo man lang naipagtatapat ang tunay mong nararamdaman. Wala na. Pinalampas ko kasi yung pagkakataon. Ang tanga lang.

"Kandyce... Kandyce..."

"Kandyce, buksan mo yung mga mata mo!"

Ang ingay sa paligid. Ganito ba talaga kaingay sa langit?

"Ayos lang po ba siya?"

"Tsk! Shut up!" someone hissed.

Gusto kong matawa. Bakit pamilyar yung boses na yun? Don't tell me sinundan niya ako hanggang dito?

"YOU IDIOT! I SAID OPEN YOUR EYES! YOU'RE STILL ALIVE, STUPID!"

Huh?

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Noong una ay malabo yung mukhang nauulinagan ko. Ramdam ko rin na nakasandal ako sa dibdib ng taong ito habang nakaupo sa malamig na semento. One arm was supporting my back while the other was trying to wake me up. As my vision adjusted, I instantly met his sharp brown eyes. I noticed the instant relief that crossed his handsome face. Pero hindi rin ito nagtagal dahil agad itong napalitan ng galit. Ganun pa man, ito yung uri ng galit na kahit papaano ay nagpangiti sa akin. Galit siya dahil natakot siya. Galit siya dahil nag-alala siya. That alone made me feel extremely happy.

"Are you really an idiot?! Ano bang sinusubukan mong gawin kanina?!"

"Clive, do you love me?" tanong ko na lamang sa kanya sa garalgal na tinig. Natigilan siya sa tanong ko. I smiled at him lovingly, "I love you."

He stared at me. "Nauntog ka ba?"

Ay, hinayupak!

"Clive, seryoso ako," I sighed. "I love you. I really do. Hindi ko alam kung paano at kung kailan nagsimula pero basta na-realize ko na lang. Inaamin ko na asar na asar talaga ako sa'yo noong una pero habang tumatagal, napapalapit na ang loob ko sa'yo hanggang sa... hanggang sa na-realize ko na lang na mahal pala kita." Pulang-pula na ang buong mukha ko sa mga pagkakataong ito. Heck! I never thought confessing your feelings like this could be so overwhelming. Magkahalong matinding hiya at kaba ang nararamdaman ko. "Oo na, ang corny ko. Nakakahiya. Sige na, tawagin mo na akong 'stupid', 'idiot', o 'moron' pero hindi ko pa rin babawiin ang mga sinabi ko."

Those brown eyes that I'd probably never forget widened a little as he took my words in. Hindi ko alam kung ano ang magiging kasagutan niya pero masaya pa rin ako at nasabi ko na ang tunay kong nararamdaman. It's only up to him if he would accept it or if he would reject my feelings. Kahit ano man ang maging kasagutan niya ay maluwag ko itong tatanggapin sa kalooban ko.

"You're so stupid," he said as his face darkened. Para akong binagsakan ng isang malaking bato. Did those words mean that he was rejecting me? "You're very stubborn. You're bullheadedness annoys me. The way you follow me around also annoys me. You're very persistent. You always bother me. Hindi lang sa isipan ko pero pati sa panaginip ko naroon ka rin para guluhin ako." He cupped my cheek as he looked into my eyes. His expression was so warm and so gentle. It already conveyed a lot to me even without his words. "But I love all of those qualities because it's you. Those qualities represent who you are, rather, it's who you are. I meant it when I told you to stay by my side. So, stay with me no matter what."

Royalties and Nobilities --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon