CHAPTER 24: Her Stubbornness!

2.4K 63 0
                                    

KANDYCE

"Teka! Sandali lang! Sandali sabi eh!" pigil ko sa itim na sasakyan na akmang papalabas na sa main gate ng Royal University.

"Miss, wait lang po," pigil sa akin ng isang butler na nasa malapit sa gate. Hindi ko ito pinansin at hinabol pa rin ang itim na sasakyan sa abot ng makakaya ko. Hindi pa naman ganun kabilis ang pagpapaandar rito kaya madali ko pa itong nahabol. Pagkabukas ko sa isa sa mga pintuan nito sa bandang likuran ay agad akong pumasok sa loob at muli itong isinara.

"Kandyce?"

Hingal na hingal at pinagpapawisan akong bumaling sa binatang katabi ko na ngayon ko lang napansin. He was wearing a brown jacket and underneath it was a light blue shirt which was the same color as his eyes. Pilit ko siyang nginitian sa kabila ng pagod na nararamdaman ko. "Oh, Enver. Ikaw pala. Anong ginagawa mo rito?"

Noong una ay napatitig lang siya sa akin. But a moment later, he started to flash his cute boyish smile like he was amused by something I didn't know. Magtatanong na sana ako kung may problema nang may kumatok sa bintana malapit sa akin. I pushed the button beside the door to lower the tinted glass window. Mula rito ay sumilip ang butler na pumipigil sa akin kanina.

"Miss Kandyce, pasensiya na po," he said apologetically. "Maari po bang doon na lang po kayo sa susunod na sasakyan sumakay? Ito po kasi ang sasakyang gagamitin ni lord Enver para sa pupuntahan niya."

(○_○)

(>_<)

(○_○)

(>_<)

!(⊙_⊙)!

Napatutop na lang ako sa bibig ko at gulat na napatingin kay Enver. Kulang na lang yata ay malaglag ang mga mata ko. "Oh, my God!"

Enver smiled kindly. "Sa town din ba ang punta mo?"

Ngumiwi ako at dahan-dahang tumango. WAAAAH! (Y^Y) Bakit ba puro na lang kahihiyan ang nagagawa ko ngayong araw na 'to?

Bumaling si Enver sa butler. "Ayos lang. Sa akin na siya sasabay."

"Sige po, lord Enver," tango ng butler at sinenyasan na ang kasamahan niyang paraanin ang aming sinasakyan palabas ng gate.

"Enver, sorry. I'm really sorry," I sincerely apologized. Kasalukuyan nang magkadaop ang dalawang palad ko habang nakaharap sa kanya. Kasi naman, sa dinami-rami ng mga kapalpakang gagawin ko, hindi ko inaasahan na maisasama pa pala ang panghihimasok ko ng sinasakyan ng iba tapos sila pa ang tatanungin ko kung ano ang ginagawa nila sa loob nito. Ano daw yun? Bo-blocks lang, hindi ba? Naku, sa mga oras na 'to kapag sinabihan ako ni Clive ng stupid, idiot, o moron hindi na ako magrereklamo sa kanya.

"Ayos lang, Kandyce. Mukha rin namang nagmamadali ka."

"Pero hindi naman excuse yun para bigla na lang ako sumakay sa sinasakyan ng iba. Kaya sorry talaga," depensa ko. At saka hindi naman ako nagmamadaling umalis dahil sa isang mahalagang rason.

"Para sa drama club ba 'yang mga bibilhin mo?" tukoy niya sa hawak ko. Napasulyap ako sa mga kamay ko at natagpuan ang hawak kong pambayad at isang listahan. Mabuti na lang at naitapon ko na sa kung saang lupalop ng mundo yung lintik na water bottle na yun.

"Heto? Oo, pambayad at listahan ito ng iba't ibang kulay ng mga pintura na kailangan kong bilhin."

"Mag-isa mong bibilhin ang mga 'yan?" tanong niya sa bahagyang nasorpresang anyo na ipinagtaka ko.

"Oo, bakit?"

Saglit pa niyang pinagmasdan yung listahang hawak ko. "Wala lang."

"Ikaw, anong gagawin mo sa town?"

Royalties and Nobilities --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon