CHAPTER 3: Her New Friend!

3.8K 92 1
                                    

KANDYCE

CRIIIIIIING!!!

CRIIIIIIING!!!

Tapos na ang last subject ko ngayong umaga. Inayos ko na rin yung mga gamit ko at naglakad na palabas ng klase. Nagtaka na lang ako nang mapansin kong pinagtitinginan ako ng ibang mga estudyante at saka sila magbubulungan. Anong tinitingin-tingin ng mga 'to? Tusukin ko mga mata nila eh. Binalewala ko na lang sila at nagpatuloy sa paglalakad.

"Eeew! What's with that look? Ganun na ba siya kahirap para pumasok na ganyan ang itsura niya?"

"What happened to her shoes? That's so baduy!"

"Anong klaseng fashion 'yan? Trending ba 'yan? I'm sooo not going to be into that."

Huminto ako sa tapat ng pintuan kung saan naroroon yung mga babaeng nagbubulungan na rinig na rinig ko naman. I turned to them then smiled at them. "Thanks sa compliment ha? Very flattered ako."

Tuluyan na akong lumabas mula sa classroom. What's the big deal with just one lost shoe? Wala naman akong ginagawang masama sa kanila para umarte sila ng ganyan. Argh! People, wala na talagang magandang magawa sa buhay. Hindi naman sila ang nawawalan ng isang pares ng sapatos kaya hindi dapat sila ang nagrereklamo sa itsura ko.

"Oi, monkey Cinderella. You're blocking my way."

Nakilala ko agad kung kanino ang nakakairita pero baritonong boses na galing sa likuran ko. Kahit kailan itong kumag na 'to epal! Sinong Monkey Cinderella ang tinutukoy niya?! Naghahanap yata siya ng suntukan!

Asar akong lumingon sa kanya. "Ano bang problema mo?! Wala ba sa vocabulary mo ang salitang excuse me?!"

"Hn," usal niya habang nakatingin lang sa akin. As usual, yung itsura niya mukha na namang galit. Ano ba namang nilalang 'to? Ang laki ng problema sa mundo. At saka ano raw?! Anong hn? Ano yun? Salita ba yun? Saang planeta nanggaling yung alien word na yun?

"KYAAA! SI PRINCE CLIVE!"

"WAAAAAH! OO NGA! ANG GWAPO, GWAPO NIYA!"

"PRINCE CLIVE, WILL YOU MARRY ME?!"

"AKO ANG PAKAKASALAN NIYA!"

"HUWAG NGA KAYONG EPAL! MGA MUKHA KAYONG PAA! MAS BAGAY KAMING DALAWA!"

(=_=)

(○_○)

(O_O)

Nagulat na lang ako nang bigla na lang magkumpulan ang mga babae sa corridor palapit kay Clive. Tili sila ng tili kaya halos masira na eardrums ko. Pakshet! Akala mo naman kung sino siyang pang-international model na pinagkakaguluhan. Ang O-OA pa nila. At saka, yuck at ew! Halos masuka ako sa mga pinagsasasabi nila.

Naramdaman ko na lang na may tumulak sa akin dahilan para mabuwal ako sa tabi. Tumama yung likuran ko sa dingding. Para yatang nabali yung spinal cord ko. Hindi tuloy ako nakatayo agad. Hinihimas-himas ko yung likod ko dahil sa sakit habang nakaupo sa sahig. Patuloy lang ako sa ginagawa ko nang bigla na lamang tumahimik. Nawala na yung tilian. Mga murmurs na lang ang naririnig. Isang lalaki ang nakatayo sa harapan ko. Akala ko tutulungan niya akong tumayo pero pinanood lang niya ako. Tiningala ko kung sino yung balasubas na yun. Clive was smirking while towering over me. Ano ba ang tinitingnan ng kumag na 'to at parang nag-eenjoy pa siya sa nakikita niya?

"Masyado ka kasing malapad kaya tuloy sumikip ang daanan... teddy bear."

Teddy bear?

(○_○)

...teddy bear.

(0_0)

...teddy bear.

Royalties and Nobilities --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon