BETHANY
"GOOD MORNING PEOPLE OF THE WORLD!!!" \(*O*)/
Nagising na lang ako sa masiglang bati ni Kandyce sa may bintana ng kwarto namin. Mukhang maaga na naman siyang nagising kahit na magdamag kaming nagkwentuhan kagabi tungkol sa kanilang dalawa ni Clive. Napanood ko kasi sa tv ang pagsalubong ng mga mamamayan ng Etherion Kingdom sa pag-uwi ng kanilang prinsipe. First time itong nangyari. Kadalasan kasi pasekreto lang kung umuwi si Clive sa kaharian nila kaya marami ang nagulat nang ipalabas sa telebisyon kung paano siya nakihalubilo sa mga tao. Ang mas nakakagulat pa ay kasama niya si Kandyce.
"Good morning, Beth!" bati sa akin ni Kandyce nang mapansin niya ang pagbangon ko at ang pagkakamot ko ng ulo.
"Good morning," balik ko saka humikab. Inaantok pa ako.
---TOK! TOK! TOK!---
Sabay na lamang kaming napasulyap ni Kandyce sa pintuan saka kami nagkatinginan. Halatang pareho lang kami ng tanong na nasa aming isipan: sino naman ang kakatok sa kwarto namin ng ganito kaaga? Four thirty pa lang kaya medyo madilim pa sa labas. Bigla na lang akong kinabahan at ipinangtakip yung kumot ko sa sarili ko na para bang kaya ako nitong protektahan. Paano kung multo yun? Mabuti na lang at si Kandyce ang pumunta sa pintuan at nagbukas nito. Hindi ko makita kung sino ang kausap niya pero kahit papaano, nasiguro kong hindi ito multo. Mukhang may inabot ito sa kanya. Dahil hindi ko rin lang gaanong marinig ang pinag-uusapan nila, bumangon na ako mula sa kama ko at inayos ito.
"Ano raw yun?" tanong ko kay Kandyce pagkasara niya sa pintuan. Kasalukuyan niyang sinisilip yung laman ng paper bag.
"Yung butler. Binigay lang niya yung package na pinadala ng Etherion Kingdom."
"Anong package?"
"Ah, ito?" tukoy ni Kandyce sa bitbit niya ng may ngiti sa mga labi. "Yung uniform ko na naiwan sa kwarto ni Clive."
Natigilan na lang ako sa sinabi niya. Wala pa siyang nasasabi sa akin tungkol dito. "N-natulog ka sa kwarto ni Clive?!"
"Yep," sagot niya pagkalapag niya nung paper bag sa upuan.
"I-ibig sabihin, m-magkatabi kayong natulog?" Nararamdaman kong umiinit na ang buong mukha ko.
"Oo, bakit?"
Napasinghap ako. Nasa ganoong stage na sila agad? Halos wala pang tatlong araw simula nang maging sila. Ang bilis naman. Ganoon na ba talaga kapag may boyfriend?
Mukhang nahulaan ni Kandyce ang ano mang tumatakbo sa isipan ko at sa hindi malamang dahilan ay binigyan na lamang niya ako ng isang nakakalokong ngisi. "Gusto mong malaman yung bawat detalye kung paano namin ginawa?"
Hindi ko na kinaya pa yung mga sinabi niya dahil may kung anong imahinasyon na ang pumasok sa isipan ko. Kaya naman agad akong humablot ng isang unan para ipantakip sa mukha ko saka sumigaw dito. Natigil lamang ako sa ginagawa ko nang marinig ko siyang tumatawa. Dahan-dahan kong tinanggal yung unan mula sa mukha ko. Kandyce laughed in a delightful and carefree way, while clutching her stomach. I tried to memorize the way her head sloped gracefully to one side. Maging ang paraan kung paano kuminang ang mga mata niya. Everything about Kandyce was so effortlessly glamorous, and I adored her with a love close to a sister.
"Joke lang!"
"H-huh?"
Tumigil siya sa pagtawa. "Ang sabi ko joke lang. Walang nangyari sa amin ni Clive. Magkatabi lang kaming natulog. Yun lang. Well, may kaunting kissing moments at magkayakap din kaming natulog pero hanggang doon lang yun. We know our limits so we will not go that far. At saka, hindi tulad ni Angelique, hindi pa ako handang gawin ang mga ganung bagay. Sabi nga nila, mas magandang ibigay mo ang sarili mo sa isang lalaki kapag kasal na kayo."
BINABASA MO ANG
Royalties and Nobilities --- COMPLETED
RomanceHave you ever dreamed of what it would be like to be a princess? To be swept off your feet and wear a crown? Well, I did back then when I was still a young, daydreaming little girl and had a simple life. Pero sabi nga nila: "Be careful for what you...