KANDYCE
Habang naglalakad-lakad ako sa buong college division ay sumisilip na rin ako sa bawat booth o club na madadaanan ko. Kung interesado ako ay susubukan ko kung ano ang pakulo nila. Mabuti na lang at may nailaan akong budget na pwede kong gastusin para sa school festival. Tig-isang beses lang din naman kasing magtatanghal yung drama club sa theater sa dalawang araw ng school festival. Ibig sabihin marami akong oras para maglibot-libot ng mag-isa. May pagmimitingan pa raw din kasi sila Beth kasama yung mga year level representative kaya hindi ko siya maaya o si Angelique. Habang nagtitingin-tingin sa paligid ay may nahagip na lamang yung mga mata ko na isang makulay na plaka kung saan may nakalagay na: PARADISE CAFE
Uy! Oo nga pala. Sinabi ko dati kay Enver na bibisita ako sa club nila.
Dumeretso ako sa silid na ito at sinilip kung anong meron dito. Namangha na lang ako nang tila mapunta ako sa isang kakaibang lugar. May mga display na mga puno sa paligid, iba't ibang uri ng makukulay na mga bulaklak, tila tunay na mga makukulay na paro-paro, mga bubbles na lumulutang sa ere, at amoy na tila nasa isa kang tunay na paraiso. Para kang napunta sa ibang mundo. Komportableng-komportable ang mga estudyanteng nagkekwentuhan habang nakaupo at kumakain sa mesa. Maganda yung ambiance ng paligid. Nakakarelax at nakakatempt pumasok. Nakadamit yung mga waiter at mga waitress na tulad ng sa fairy clothings.
Ang ganda naman dito! (*O*)
"Welcome to Paradise Café, ma'am!" saad ng isang lalaki sa masiglang tinig. Nakatayo siya sa gilid ng pintuan habang hawak ang isang menu.
"Enver?" wika ko nang makilala ko siya.
Tila nabigla rin siya nang makilala niya kung sino ako. Bahagya siyang namula. "K-kandyce? Anong ginagawa mo dito?"
"Huh?" pagtataka ko. Normal lang naman na mamasyal ako sa booth nila, hindi ba? "Sinabi ko naman dati na papasyal ako sa café niyo, hindi ba? So, I'm just checking out your café. Ang ganda!" (^_^)
Dito ko pinagtuunan ng pansin ang kasuotan niya. His attire consisted of a white long-sleeved polo shirt with a green ribbon knotted around its collar, a green apron tied around his waist and black pants. He also had that cute leaf tattoo on his left cheek. I even noticed his fake ears that were stuck up a bit and made him look like a real fairy... a very attractive fairy. Bumagay ang overall attire niya sa light blond hair niya at sa light blue eyes niya. Lalo na yung apron. He really looked good in that apron.
I smiled playfully, "Ang---"
"Enver, may problema tayo!" sabi na lamang ng isang natatarantang babae na lumapit sa amin. Nakasuot ito ng blue na dress at blue na heels. May glitters at leaf tattoo din ang mukha nito. Her ears, too, were stuck up a bit like Enver. Ang cute! (>__<)
Pamilyar sa akin yung babae. She had a beautiful dark skin and dark glossy hair. If I was not mistaken, siya yung babaeng nakita ko sa unang araw ng work ko sa Maid Café na may kasama pang isang babae. Ulrika ang pangalan niya, at sa pagkakaalala ko ay isa siyang baroness.
"Ano yun?" Enver asked calmly. Whoa! That was unusual. He was so composed when talking to her. Ang refreshing ng dating. Even Ulrika relaxed a little because of his soothing voice.
"Uhm... nagkakagulo na kasi sila doon sa kusina. Kulang na tayo sa mga tauhan na magseserve. Marami kasing---" putol niya nang mabaling ang atensyon niya sa akin. Nakatitig lang siya saka niya ako kinilatis from head-to-foot. Pagkatapos ay kumislap na lang bigla ang mga mata niya. Sinabi naman ng instincts ko na kailangan ko nang umalis dito sa lalong madaling panahon. "Ikaw si Kandyce, hindi ba? And you work at the Maid Café, right?"
"O-oo?" I hollered hesitantly. Bigla niyang hinawakan yung mga kamay ko at tiningnan ako na halos tumagos na sa kaluluwa ko. She looked desperate and at the same time, hopeful.
BINABASA MO ANG
Royalties and Nobilities --- COMPLETED
RomanceHave you ever dreamed of what it would be like to be a princess? To be swept off your feet and wear a crown? Well, I did back then when I was still a young, daydreaming little girl and had a simple life. Pero sabi nga nila: "Be careful for what you...