CHAPTER 6: His Retaliation!

3.1K 87 2
                                    

STELIAN

Kanina pa ako naghahanap ng pwedeng makain dito sa hawak kong menu. Hindi ako makapili kung ano ba dapat ang oorder-in ko. Halos lahat kasi ng nasa menu natikman ko na. Gusto ko iba naman ngayon.

"Can I take your order?"

"Baked apples filled with cranberries and sultanas, please!"

Putik! Ang bilis namang makapili nitong dalawang ulol na kasama ko. Sabay pang nagsalita ang mga ugok. Makapili na nga lang din ng pwedeng lantakan. Habang naghahanap sa menu ay narinig kong nakipagkwentuhan pa yung dalawang ugok na kasama ko sa maid. Hindi ko na gaanong pinagtuunan pa ng pansin yung pinag-uusapan nila at nagpatuloy na lang sa paghahanap.

"One honey-glazed buttermilk cake, please," ginutom na ako bigla. Masyado akong tumitig ng matagal sa menu. Baka mamaya yung menu na ang malantakan ko. Maibaba na nga lang.

Nang ibaba ko yung hawak kong menu ay bumungad sa harap ko ang babaeng parang pamilyar na pamilyar sa akin. Hindi siya katangkaran pero hindi rin siya ganun kaliit. Unat na unat at itim na itim ang hanggang bewang niyang buhok. Pilit niyang ikinukubli ang pagmumukha niya sa amin. Halos maduling-duling pa siya sa pagsusulat niya dahil sa pagtatakip niya sa mukha niya gamit ang notebook niya. Mukha bang halimaw ang babaeng ito para takpan niya ang mukha niya ng ganyan? Wala bang mata? Baligtad ang mukha? Walang ilong? Isa lang ang mata? Ano ba?

"One honey-glazed buttermilk cake for Shre--- I mean prince Stelian coming!"

"Teka!"

Halatang nagmamadali siyang umalis. Kaya bago pa siya tuluyang makalayo ay bigla kong hinablot yung notebook niya. Perpektong hugis puso ang mukha niya. Kulay pink ang mga labi niya at kulay itim naman ang mga mata niya na may mahahaba at makakapal na mga pilik-mata. Agad ko siyang nakilala.

Napangisi ako. "Sinasabi ko na nga ba at ikaw 'yan eh!"

Ito yung babaeng nanuntok sa akin sa tapat ng isang restaurant. Kandyce yata ang pangalan. At pagkatapos niya akong pagbintangan na magnanakaw ay ibinato pa niya sa akin yung sapatos niya. Para linawin ko, wala akong kinalaman sa pagkawala ng wallet niya. Aanhin ko naman yun eh may sarili naman akong wallet. Sa buong buhay ko, wala pang babaeng nakakagawa sa akin ng ganun. Kadalasan kasi, yung mga babae lang ang naghahabol sa akin dahil sa kagwapuhan ko. Pero itong babaeng ito sinuntok lang ako at binato pa ako ng sapatos niya.

"Akala ko ba may bulutong ka? Wala naman ah. Ang kinis-kinis nga ng kutis mo eh!"

Umiral na naman ang kamanyakan ng Coby na 'to. Jacob talaga ang pangalan niya. Coby lang tawag namin sa kanya kasi kapag tinawag niyo 'yan ng Jake o Jacob lang, aalulong 'yan na parang aso. 'Yan ang epekto ng kapapanood niya sa Twilight. Special child 'yang si Coby eh. Hindi malaman kung kailan susumpungin.

---!!!WAPAK!!!---

"Siraulo! Wala talagang bulutong 'yan! 'Yan yung babaeng nambato ng sapatos kay Stelian! Linoloko ka lang niya. Utak mo talaga bulok," 'yan ang sabi ni Tiberius o Tib kay Coby pagkatapos niya itong batukan na halos ikabali pa ng leeg ni Coby. Ano na naman kayang bulutong ang pinag-uusapan ng mga ugok na ito? 'Yan ba yung pinag-uusapan nila kanina?

"Malay ko ba! Mas lalong gumaganda eh. Mas nagmukha siyang manika sa suot niya."

May punto si Coby. Mukha nga siyang manika. Teka! 'Wag kayong mag-iisip ng kahit na ano. Maganda nga 'yang baliw na babaeng 'yan pero hindi ko 'yan gusto. Baka nga 'yan pa ang may crush sa akin. Hehe. Ano ba kasi ang ginagawa ng Sisa na 'yan dito?

"Anong ginagawa mo rito?!" tanong ko sa kanya.

Sinubukan niyang kunin ang notebook niya mula sa akin. May design pang teddy bear pattern yung notebook niya. Isip bata talaga. Inilayo ko agad yung notebook niya para hindi niya makuha. Hehe. Nakaka-enjoy itong ginagawa ko.

Royalties and Nobilities --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon