CHAPTER 47: Her Greatest Strength!

2.1K 42 1
                                    

TIBERIUS

Mababakas sa mukha ni Bethany ang matinding pagkalito. Tumingin siya sa akin na tila ba humihingi siya ng kasagutan sa lahat ng mga nangyayari.

Kalmado lang akong nagsalita. "Matagal ka na niyang hinahanap. Siya si haring Balderick Lockhart. He is your grandfather. The only family you have left." Napansin ko ang tuloy-tuloy na pagpatak ng mga luha niya habang palipat-lipat ang tingin niya sa amin ng hari. "Bigyan mo siya ng pagkakataong magpaliwanag sa'yo at nang maunawaan mo ang lahat."

"P-pasensiya na," saad niya sa garalgal na tinig pagkahila niya sa kanyang mga kamay na hawak ng hari pagkatapos ay tumakbo na siya paalis.

Sigurado akong hindi na niya ako mapapatawad matapos ang lahat ng ginawa kong 'to. Sinadya ko talaga na ayain siyang makipag-date sa akin. Subalit ang totoo ay inaya ko lang siya upang pagtagpuin ko sila ng hari. Hindi ko sinabi sa kanya ang totoo at wala akong ipinaliwanang sa kanya tungkol sa pinagmulan niya. Sa madaling salita, niloko ko siya. Oo, una pa lang pinaikot ko na talaga siya. At para mas mapaniwala ko pa talaga siya na makikipag-date nga talaga ako ngayon sa kanya, tinawag ko pa talaga siya sa mismong harapan ng mga kaibigan niya. Gayon pa man, wala akong pakialam kung hindi man niya ako mapatawad. Ang mahalaga lang sa akin ay tapos na ang misyon ko. Aalamin ko na lang kung ano talaga ang nangyari sa pamilya nila. Aalamin ko na lang kung ano ang mangyayari sa oras na malaman niya na ang hari o ang lolo niya mismo ang siyang puno't dulo ng lahat ng paghihirap niya at ng nanay niya.

Inalalayan ko ang hari sa pagtayo saka ako humila ng upuan upang dito siya paupuin. Sa itsura niya ngayon ay hindi siya nagmumukhang hari. Mukha lang siyang isang ordinaryong matanda na may malaking problema. "Maraming salamat sa tulong mo, Tiberius. Hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang kabutihang ginawa mo. Subalit kung maaari sana ay iwanan mo na lang muna ako rito. Gusto ko na lang munang mapag-isa," pakiusap nito sa mahina at tila pagod na tinig.

"Nauunawaan ko po," magalang na tugon ko at umalis na sa balkon. Lumabas din muna ako sa restaurant upang magpahangin saglit. Subalit hindi ko na lamang inaasahan ang nakita ko. A girl, wearing a brilliant orange satin sheath dress that set off her brown skin, was standing in front of me. Her artfully designed hair was a wild halo of brown curls around her face. Namumugto ang mga mata niya at pulang-pula ang ilong maging ang mga pisngi niya. Bahagya siyang hinihingal nang magtagpo ang aming mga mata. Napansin ko na pati yung maskara sa mga mata niya ay bahagya na ring kumalat.

"Gusto ko siyang makausap." Her face held that fierce determination I had never seen from her before. "Gusto kong makinig sa lahat ng sasabihin niya. Gusto kong malaman ang lahat-lahat tungkol sa akin... tungkol sa pinagmulan ko."

I gave her a crooked smile. Inaamin kong nabigla ako sa pagbalik niya. Gayon pa man, hindi na ako makapaghintay na marinig ang lahat ng gusto kong malaman. "Sumunod ka sa akin."

*****

BETHANY

"Isang ordinaryong mamamayan ng Kaharian ng Ravaryn ang iyong ina. Samantalang isa namang prinsipe ang iyong ama. Malaki man ang agwat nila sa estado ng buhay ay hindi ito naging hadlang para sa pagmamahalan nilang dalawa," simula ni haring Balderick. "Subalit bilang isang hari ay hindi ko ito mapapahintulutan. Isang dugong bughaw ang anak ko at isang dugong bughaw rin ang dapat niyang pakasalan. Alam kong lihim silang nagkikita noon kaya kinakailangan kong gumawa ng paraan para paghiwalayin sila. Pinaalis ko sa aming kaharian ang iyong ina at hindi ito ipinaalam sa iyong ama."

Naikuyom ko ang aking mga kamay. Paano niya nagawa ang bagay na ito sa kanila? "Sa mga panahong iyon, alam niyo na po bang---"

"Hindi. Hindi," umiiling-iling at naiiyak na tugon niya. "Kung alam ko lang na nagdadalang-tao na noon si Adela ay hindi ko gagawin iyon. Ni hindi ko rin alam na lihim na silang nagpakasal ni Carlton sa mga panahong iyon. Nanaig sa akin ang pagiging hari ko kesa sa pagiging ama sa kanya. Hindi ko alam ang magiging epekto ng ginawa ko sa anak ko. Nang mapag-alaman niya ang tungkol sa ginawa ko ay matinding galit at pagkamuhi ang nakita ko sa mga mata niya. Alam kong hinding-hindi na niya ako mapapatawad kailanman. Kung saan-saan niya hinanap ang iyong ina. Hindi siya sumuko hanggang sa napag-alaman niyang isinilang na ang kanilang anak. Dahil dito ay mas umigting ang pagsisikap niyang hanapin kayo. Subalit dahil na rin sa sobrang kalungkutan sa kabiguan sa paghahanap niya sa inyo ay nagkaroon siya ng isang malubhang sakit. At hanggang sa huling hininga niya ay kayo pa rin ang hinahanap niya."

Royalties and Nobilities --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon