Tuesday, before the exam...
BETHANY
Dahil tapos na ang school festival ngayong September, bumalik na ulit sa dati ang mga class schedule namin. Naghahabol na rin kami sa ibang lessons namin dahil next week na ang preliminary exam. Karamihan sa mga estudyante ay nagsimula nang mag-review kaya yung library na halos pinupuntahan lang dati kapag may kailangan ay madalas nang puno ng mga nag-aaral na mga estudyante. Sa halip na sa library tuloy ako na nagre-review tulad ng parati kong ginagawa ay pumupunta na lang ako sa likod ng college building.
Nang matapos ang panghuling klase ko ay dumeretso ako sa canteen upang kumain ng tanghalian. Martes kasi ngayon kaya mamayang ala-una ay simula na naman ng duty ko sa Maid Café. Pagkatapos nito ay napagpasyahan kong umiba muna ng ruta ng daan. Nag-longcut ako para makapaglakad-lakad muna saglit habang may oras pa. Papaliko na sana ako papunta sa likod ng isang gusali nang may mamataan akong tatlong tao na nag-uusap. Agad kong namukhaan kung sino sila. Mukhang seryoso rin ang pinag-uusapan nila kaya hindi na ako tumuloy. I was just about to turn back on my tracks when I heard what they were talking about. Napahinto ako at muling lumingon.
"Angelique, bumalik ka na sa kaharian natin. Hindi mo pwedeng isuko ang korona mo ng ganun-ganun na lang," ani ng isang babae, ang ina ni Angelique. Walang iba kundi si reyna Evangeline ng Ellesmere Kingdom.
"I'm sorry, mother. But I already made up my mind and that's final," matigas na tugon ni Angelique. May bakas ng paninindigan sa tinig niya. Napalunok ako at lumapit pa ng kaunti sa kinaroroonan nila nang hindi ako napapansin.
"How about you, Vance?" baling ni reyna Evangeline. "Alam mo namang isa ka sa mga tauhang pinaka pinagkakatiwalaan ng hari. Malaki kang kawalan kapag hindi ka na babalik pa muli sa palasyo."
Vance apologetically smiled, "nauunawaan ko po ang ibig niyong sabihin, Mahal na Reyna. Sa inyo at sa Mahal na Hari ko lamang po inaalay ang katapatan at serbisyo ko habang-buhay." Sumulyap siya kay Angelique, "ngunit hindi ko po magagawang iwan na lang ng basta-basta ang anak niyo ng mag-isa. Mahal ko po ang anak niyo kaya kung kinakailangan ko pong isakripisyo ang tungkulin ko, gagawin ko."
Napabuntong hininga si reyna Evangeline. Tumingin siya sa kawalan at tila nag-isip ng malalim. "Kakaiba na talaga ang nagagawa ng pag-ibig lalo na sa inyong mga kabataan ngayon. Hanga ako sa paninindigang ipinapakita niyo pero tandaan niyong hindi dahil nagmamahalan kayo ay kinakailangan niyo nang isakripisyo ang iba pang mga bagay na mahalaga sa inyo." Bumaling siya kay Angelique. Seryoso ang ekspresyon niya. "Angelique, do you know that giving up your crown may also mean giving up your family... us?"
Ang malamig na ekspresyon ni Angelique ay unti-unting napalitan ng pagkabigla. "Mother, that's not what I---"
"I know," putol ng reyna at bahagyang ngumiti, "nauunawaan ko rin kung ano ang nararamdaman mo dahil katulad mo ay umibig din ako at patuloy pa rin akong umiibig sa ama mo. But like what I have said, loving someone does not mean sacrificing something that is also important to you. Kung talagang mahal mo ang isang tao, gagawa at gagawa ka ng paraan para mapanatili ang pagmamahalan niyo nang hindi kinakailangang magsakripisyo ng mahalagang bagay. Mahirap na desisyon pero ito ang tunay na pagmamahal. Hindi lang ang pagmamahalan niyo ang dapat niyong isipin, kailangan niyo ring pagtuunan ng pansin ang inyong kinabukasan o ang mga mangyayari sa inyong hinarap."
"Mahal na Reyna," saad ni Vance. "Ipagpaumanhin niyo po pero ano po ang ibig niyong sabihin?"
Ngumiti ang reyna ng matamis. "Oo at isa nga akong reyna, pero huwag niyo pa ring kalilimutan na isa pa rin akong ina. Bilang isang ina, hindi ko hahayaang pabayaan ng mga anak ko ang kanilang kinabukasan at kasama ka na rin dito, Vance, lalo na at para na rin kitang tunay na anak." Sa pahayag na ito ng reyna ay nagtinginan sila Vance at Angelique, nagngitian, saka naghawakan ng kamay. Nagpatuloy ang reyna. "Kinausap ko na rin ang hari tungkol sa usapin na ito. May pagkakataon lang talaga na parang wala siyang pakialam sa nararamdaman mo, Angelique. Pero sana ay maunawaan mo na ama mo pa rin siya at alam din niya kung gaano kahirap ang ipinapagawa niya sa'yo. Maybe he was just too fixed with our family's tradition. Royalty marrying another royalty. But we are already in the modern world so maybe it's already time for a change."
BINABASA MO ANG
Royalties and Nobilities --- COMPLETED
RomansaHave you ever dreamed of what it would be like to be a princess? To be swept off your feet and wear a crown? Well, I did back then when I was still a young, daydreaming little girl and had a simple life. Pero sabi nga nila: "Be careful for what you...