♡AUTHOR'S NOTE♡

2.8K 56 5
                                    

Hi, guys!

So, obviously, natagalan akong gawin ang book 2 kahit na i-eedit ko na lang siya kaya nagpapaumanhin ako sa lahat ng mga nag-abang at naghintay. Medyo marami pa rin kasi akong babaguhin at noong babaguhin ko na, doon naman ako nawalan ng inspirasyon. Yung feeling na magsusulat ako pero hindi ko talaga feel yung sinusulat ko. Kumbaga, walang buhay yung kwento para sa akin kaya hindi ko na muna ginawa ang book 2.

But!

But, worry no more! Dahil walang gaanong ginagawa ngayong quarantine, naisipan ko nang gawin yung book 2 sa wakas kaya binasa ko na rin ang mga naging komento ninyo. At infairness, pinatawa at pinakilig niyo ang author niyo. Haha. Kaya naman, sasagutin ko na rin ang ilan sa mga naging reaksyon at katanungan ng iba sa inyo.

1. "Akala ko fantasy."
-> Nope. This is not a fantasy story. Mahilig magpantasya si Candice pero hindi ito fantasy story. At nabanggit na rin lang ang fantasy, may fantasy story ako na ongoing (MAJESTA: The World of Magic and Mages) pero matagal na ring walang update kaya binabalak ko na ring tuluyan. Haha.

2. "Halatang green ang favorite color ni writer. Haha. 'Di ko kasi ma-imagine ang kulay green na shirt. Stay away from such colors such as yellow as well. Hehe. Parang badoy kasi pakinggan, mahirap ma-imagine. Si Kris Aquino agad pumapasok sa isip ko 'pag yellow."
-> Nooo! Hindi green ang favorite color ko. Malayong-malayo sa green. Haha. May crush kasi ako noong hayskul. Green collared shirt ang suot niya one time at bagay na bagay naman yun sa kanya ayon sa paningin ko. Siguro dahil na rin sa maputi siya. Baduy ba? Pero nagwapuhan talaga ako sa kanya nun eh. I guess, depende rin yan sa tao kung paano siya magdala ng damit. Kasi pwedeng baduy sa iba ang isang damit, pero bagay na bagay naman para sa iba kahit na anong kulay at style pa 'yan. Hehe. Still, I respect your opinion and thank you for your comment.

3. "Ano po ba yung 'Hn' na laging sinasabi ni Clyde?"
-> 'Yan yung sinasabi niya kapag tinatamad siyang magsalita. Haha. Kapag tinatamad din tayong magsalita, sa halip na ibuka ang bibig at sumagot, 'hm' o 'hn' na lang ang sasabihin. Ewan kung ginagawa niyo, pero ginagawa ko minsan. Haha. Chos.

4. "Has this been derived from Cinderella 2?"
-> Yes, the part where they had conducted a school play had been derived from the story of Cinderella, though I could not remember which part. Yung part 1 lang kasi ang mas naaalala ko. Pero kung mas swak siya sa part 2, malamang sa part 2 nga. Haha.

5. Sa mga nagtatanong kung ano ang sikreto ni Candice, sa mga disappointed na hindi si Adrian ang nakatuluyan ni Candice, sa mga nagsasabi na sana ay huwag nang bumalik si Michelle, at sa mga nag-akala noong una na si Candice ang nawawalang prinsesa:
-> Kung nais niyong maliwanagan sa mga bagay na ito, abangan ang book 2 (Dreams and Promises). Magsisimula na akong mag-update this year 2020. Hindi ko nga lang alam kung kelan ang eksaktong date. ✌ Pero as soon as makondisyon ko yung utak ko para sa kanya-kanyang POV ng bawat karakter, sisimulan ko na agad ang book 2.

Hayan na lang muna sa ngayon. Sana patuloy niyong suportahan at subaybayan ang kwento nila Kandyce hanggang sa katapusan. At hindi man ako yung uri ng author na madaldal at mahilig mag-iwan ng komento sa bawat kabanatang isinusulat ko, nais kong ipaalam sa inyo na binabasa ko lahat ng mga komento ninyo at na mas higit niyo akong napapasaya kapag napapasaya ko rin kayo. Sana ay patuloy lang kayong magbigay ng inyong reaksyon, opinyon o kahit pa constructive criticism tungkol sa kwento. Maluwag sa loob kong tatanggapin ang mga ito at malamang ay sasagutin kung ako ay sisipagin. Haha. Sorry na po, tamad lang talaga akong sumagot sa mga komento. Pero maraming-maraming salamat pa rin sa inyong lahat. I highly appreciate you, readers as well as supporters, very, very much! :)

P.S.
Abangan ang Book 2: "Dreams and Promises" ngayong year 2020!

Royalties and Nobilities --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon