KANDYCE
FRIDAY...
It's Friday, Friday... Lalala... It's Friday, Friday. Mukhang maganda araw ko ngayon noh? Pakanta-kanta na lang. Wala lang. Maganda kasi sikat ng araw. Hindi masyadong mainit tapos presko yung hangin. Ang cool tuloy sa feeling.
Naglalakad na ako sa hallway ng school. May narinig akong boses ng mga lalaki na nag-uusap. Nakita kong papunta sila sa direksyon kung nasaan ako. Bigla akong nagtago sa likod ng isang poste. Ninja moves lang. May lahi kasi akong ninja. Joke lang. May tinataguan lang ako. Hinintay ko munang makalagpas yung dalawang lalaki bago ulit ako lumabas mula sa pinagtataguan ko.
Oo, napaparanoid nga ako. Kahapon kasi pagkatapos ng trabaho ko sa Maid Café ay may bakulaw na sumulpot sa harapan ko. Kapatid nga ni Shrek. Oo, siya si Shrek the Second slash Stelian. Parang may sasabihin siya pero as soon as nakita ko yung pagmumukha niya, kumaripas agad ako ng takbo. Baka kung anong kababalaghan na naman ang gawin nun sa akin. Manyakis pa man din. Mukhang nangangain ng tao. Kinagat nga niya tenga ko eh. Cannibal yun kaya delikadong lapitan. Malakas kamandag nun. Nakadrugs eh. (=_=)
Papunta na ako sa second class ko. Hindi ko kasama si Beth kasi sabi niya may meeting daw yung mga year level representatives para sa 'whatchamacallit' festival. Si Beth kasi yung representative para sa second year level sa college, kaya nga siya ang sumundo sa akin sa guest room dati.
"Good morning, Kandyce."
Agad akong napalingon sa bumati sa akin. And what I saw made my day. Lalo na at natunghayan kong muli ang shy smile niya na mas lalo pang nagpacute sa kanya. Napangiti ako ng malapad. "Good morning din, Enver!" (^_^)
As usual, medyo nag-blush na naman siya. Pero kung may nagbago man sa paraan ng pakikitungo namin, yun ay mas komportable na kami ngayon sa isa't isa. "May problema ba?"
"Problema saan?"
"Para kasing hindi ka mapakali kanina. Ayos ka lang ba?" pag-aalala niya.
"O-oo naman," I stuttered. Ang hirap namang magsinungaling kapag ganyan ka-sincere yung mga mata ng kausap mo. Hindi ko rin naman kasi masabi sa kanya na may bakulaw na nagbabalak ng kung ano sa akin kaya ko tinataguan na parang ninja. Iniba ko na lang ang usapan. "Ikaw, may klase ka ngayon?"
"Meron. Pero maya-maya pa magsisimula," kaswal na sabi niya. "Ang totoo kasi niyan, ikaw talaga ang hinahanap ko."
"Bakit naman?" tanong ko na may kasamang tuwa.
"Pinapatawag ka ni chairman Snow sa Chairman's Office. Hindi niya sinabi kung bakit pero very urgent daw."
"Ah, ganun ba?" usal ko. Hindi ko alam pero medyo disappointed ako. "Sige, pupunta na ako. Thank you sa pagsasabi sa akin."
Tatalikod na sana ako nang tawagin na naman niya ako. "Kandyce, teka lang."
"Bakit?"
Napansin ko na namumula na naman siya at napakamot pa sa batok niya. Pero sa pagkakataong ito, nakatitig na siya sa mga mata ko. "K-kung may oras ka, pwede ba kitang ayain para mamasyal?"
YES! OF COURSE, YES! MAGPAPAKIPOT PA BA AKO? YES NA YES AKO, SIYEMPRE! Sinabi ko lang 'yan sa isipan ko dahil sa outward appearance ko, ngumiti lang ako ng matamis sabay sabing, "sure!"
Nag-relax yung features ni Enver. Napaka gentle ng ekspresyon niya nang ngumiti siya sa akin. "See you later, Kandyce."
"See you later, Enver."
---***---***---***---
CHAIRMAN'S OFFICE...
Hindi pa rin maalis yung ngiti ko kahit na nasa tapat na ako ng pintuan ng Chairman's Office. Tuwang-tuwa pa rin kasi talaga ako! Hindi ko mapigilan! (>>///<<)
BINABASA MO ANG
Royalties and Nobilities --- COMPLETED
RomanceHave you ever dreamed of what it would be like to be a princess? To be swept off your feet and wear a crown? Well, I did back then when I was still a young, daydreaming little girl and had a simple life. Pero sabi nga nila: "Be careful for what you...