BETHANY
Pumasok ako sa Plaza Restaurant kung saan namin napag-usapan ni Tiberius na magkita ngayong Sunday. Suot ko ang isang light blue dress na pinatungan ko ng kulay puting cardigan. Nagsuot din ako ng light blue na wedge sandals na tinatali sa binti. Wala akong gaanong ginawa sa hanggang balikat kong buhok maliban sa nagsuot lang ako ng white headband na may balahibo. Isang handbag naman na katerno ng suot ko ang dinala ko kung saan ko inilagay ang pera ko at iba pang importanteng mga bagay. Tumingin ako sa wallclock na nasa dingding ng restaurant pagkapasok ko. Nine o-clock na ayon dito. Sakto lang ang dating ko sa napag-usapan naming oras. Luminga-linga ako sa paligid subalit hindi ko nakita ang hinahanap ko kaya naupo na lang ako sa isa sa mga bakanteng mesa at naghintay. Siguro nahuli lang si Tiberius ng ilang minuto.
AFTER 1 HOUR AND 30 MINUTES...
"Pasensiya na kung pinaghintay kita," saad ni Tiberius pagkarating niya at naupo sa bandang harapan ko na parang wala lang nangyari. Nakasuot siya ng gray shirt na pinatungan niya ng maong jacket.
Bahagyang nalukot ang mukha ko. Ang alam ko, hindi dapat pinaghihintay ng lalaki ang isang babae ng ganito katagal. Bakit parang sobrang late naman yata siya?
"Oh, bakit ganyan ang itsura mo? Nandito na ang pinakamamahal mo," nakangising pansin niya.
Ngumiti ako ng pilit. Kahit na anong mangyari, kailangang maging successful ang date naming ito. "Good morning! Gusto mo bang magsimula tayo sa panonood ng movie?"
"Parang wala akong gana para diyan ngayon," preskong tanggi niya.
"Sa aquarium na malapit dito, gusto mo bang pumasyal tayo roon?"
"Pupunta ako kung mas maganda ang aquarium na pupuntahan natin kesa sa aquarium na napuntahan ko sa ibang bansa. Iyon nga lang, nagkataon naman na yung pinuntahan kong aquarium na iyon ay ang kinikilalang pinakamagandang aquarium sa buong mundo."
"Kung ganun, paano kung sa amusement park?"
Sa pagkakataong ito ay tila nawalan na siya ng interes sa mga suhestiyon ko, "wala akong gana."
Naramdaman ko ang unti-unting pagkawala ng mga ngiti ko sa aking mga labi. Kung ganun, saan niya gustong pumunta? Lahat naman ng suhestiyon ko ayaw niya. Lahat naman yata ayaw niyang puntahan. Ang hirap namang makipag-date kung ganito. Hindi kaya inaasar lang niya ako para pasukuin ako?
"Eh? What's wrong?" pansin niya bigla sa akin. Hindi nakatakas sa paningin ko ang bahagyang pagngisi niya. "Siguro uuwi na lang ako."
Eh?! Uuwi?! Hindi pa siya pwedeng umuwi!
Dahil sa wala na kaming iba pang pwedeng gawin ay naglakad-lakad na lang kami sa siyudad kesa naman sa iwan niya ako at umuwi na lang. Ito ang first time kong makipagdate kaya hindi ko alam ang gagawin. Iniayon ko lang ang mga kaalaman ko sa mga nababasa ko at sa mga napapanood ko sa pelikula. Pero ang lahat naman ng mga inihanda kong ito ay palpak na bago pa man kami magsimula. Habang sumusunod ako kay Tiberius ay sinubukan kong mag-isip ng iba pang pwedeng gawin. Hindi eepekto sa kanya ang ginagawa ng iba pang mga magkasintahan na sinusubukan kong gawin dahil lahat naman ng pasyalan na pwedeng puntahan ay ayaw niya. Kailangan kong mag-isip ng kakaiba.
"Ano na ang gagawin natin? You won't get off easily if you waste my precious time," he threatened suddenly as he glanced back at me.
Bahagya akong nataranta at nagpalinga-linga sa paligid. Talaga bang nabobored na siya? Ano ba ang magandang gawin na pwedeng magpasaya sa kanya?
Sa 'di kalayuan ay napansin ko ang lalaking namamalimos ng barya na may edad na. Nakaupo lang siya sa gilid ng daan habang naggigitara at kumakanta. May ilang mga tao naman ang nakikinig sa kanya at namimigay ng pera. Napangiti ako at hinutok ang kamay ni Tiberius papunta roon.
BINABASA MO ANG
Royalties and Nobilities --- COMPLETED
RomanceHave you ever dreamed of what it would be like to be a princess? To be swept off your feet and wear a crown? Well, I did back then when I was still a young, daydreaming little girl and had a simple life. Pero sabi nga nila: "Be careful for what you...