CHAPTER 5: Her First Day of Work!

3.5K 100 0
                                    

KANDYCE

"...if he or she is a prince or a princess address him or her with 'prince (name)' or 'princess (name)'. If a duchess or a duke, address him or her with 'His Grace, lord (name)' or 'Her Grace, lady (name)'. If a marquess or a marchioness, an earl or a countess, a viscount or a viscountess, a baron or a baroness, address him or her with 'lord (name)' or 'lady (name)'. And lastly, if he or she is a knight, a baronet or a lady, address him or her with 'sir (name)' or 'lady (name)'."

Pagkatapos ng 263, 000, 303, 000 years na briefing na kulang na lang ay ma-flat pwet ko sa tagal ng pagkakaupo at ma-drain brain cells ko ay iniabot nila sa akin ang isang makapal na libro.

"Kailangan mong basahin 'yan as soon as possible. Nandiyan ang lahat ng mga impormasyon tungkol sa mga nag-aaral na royalties at nobilities dito sa college division ng Royal University. Kailangan kasing accurate ang tawag mo sa kanila kaya kailangan mong tandaan ang mga pangalan nila at royal o noble titles nila," paliwanag ni Vivienne.

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ako nakaimik. Ang kapal-kapal ng libro na ito tapos ipapabasa nila sa akin? ASAP pa raw ha. Gusto kong magreklamo na ewan. Pero may choice pa ba ako eh trabaho ko 'to. (T^T)

"Heto na pala uniform mo at sapatos mo," iniabot sa akin ni Willow ang isang maid uniform at isang black shoes na may heels. Kinuha ko 'tong mga 'to.

"Ngayong first day mo pa lang," si Zadie naman ang sunod na nag-explain sa akin, "mag-observe ka na lang muna kung ano ang ginagawa namin para magkaroon ka na ng ideya kung ano ang gagawin mo sa second day ng work mo. Parang watch and learn lang. At habang nag-oobserve ka, basahin mo na rin 'yang libro. Kailangan mong mamemorize ang nilalaman niyan."

Napalunok na lang ako sa sinabi niya. Pwede bang kainin ko na lang itong libro? Para yatang mas madali pang gawin yun.

"O-okay sige."

"Si Bethany na lang ang maghahatid sa'yo papunta sa staff room para makapagbihis ka na at maisukat mo na 'yang uniform mo habang inaasikaso namin ang customers," sabi ni Vivienne.

Ngumiti sa akin si Beth, "tara."

I also smiled. "Okay."

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at sumunod kay Beth. Lima kaming nagtatrabaho rito sa Maid Café. Ang una ay si Vivienne. Siya ang nagmamanage nitong Café. Siya lang ang third year college sa amin pero hindi halata sa height niya. Para lang kasi siyang elementary. Pangalawa naman si Willow. Second year college rin. Simple lang siya pero mabait at responsable. Pangatlo naman si Zadie, ang curly dark haired na babae. Mas matangkad lang siya ng kaunti kay Vivienne pero maliit pa rin siyang tingnan. Ang susunod naman ay ang kaibigan at roommate kong si Beth. Maganda siya at mahinhin. At siyempre, ako yung panglima. (*u*)

"Sumunod ka na lang sa labas kung tapos ka nang magbihis," saad sa akin ni Beth pagkapasok namin sa locker room o staff room, "tutulungan ko lang sila."

"Sige, no problem." (^_^)

Pumasok na ako sa locker room at nagbihis. Pink at white yung kulay ng maid uniform. Pink yung kulay ng short sleeve na dress at two inches above the knee ito. White naman yung kulay ng apron na may pink na ribbon maging yung headband at yung hanggang hita ang taas na pares ng medyas. Sinuot ko rin yung kapares ng outfit na pink na pares ng sapatos. May two inches itong heels kaya naging five feet six inches ang height ko.

Lumabas na ako mula sa locker room at nag-observe sa kanila. Sinimulan ko na ring basahin at i-memorize yung nilalaman ng hinayupak sa kapal na libro. Si Zadie ang nasa counter. Obviously, siya ang cashier. Si Vivienne naman ang nagbebe-bake at gumagawa ng foods at desserts. Nakakagutom nga eh lalo na at amoy na amoy sa buong Café yung bango ng mga naluluto at nabe-bake niya. Sina Willow at Beth naman ang kumukuha ng orders at sila na rin ang nagse-serve. Ang ganda nilang panuorin. Nakangiti lang kasi sila habang ginagawa nila yun. Parang ang saya nila sa ginagawa nila. Gusto ko na rin tuloy mag-start mag-work. Nag-isip din ako ng pwede kong gawin. Yung madali lang gawin para sa unang araw ko pero kahit papaano pwedeng makatulong.

Royalties and Nobilities --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon