CHAPTER 16: His Kindness!

2.7K 59 1
                                    

ENVER

Katatapos lang ng panghuling klase ko para sa araw na ito. Sa katunayan, wala na rin kaming gaanong ginagawa dahil pinaghahandaan na ng mga estudyante ang kanilang mga gagawin para sa school festival. Kaya maaaring simula bukas ay wala na kaming regular classes hanggang sa matapos ito. Kasama ako sa home economics club at café ang theme na naisip naming gawin. Sakto lang ito lalo na at dahil magsasara rin ang Maid Café sa dalawang araw na pagdidiwang ng school festival.

Pagkalabas ko sa college building ay napagpasyahan kong pumasyal saglit sa barn upang bisitahin si Mak-Mak. Umikot muna ako patungo sa likurang bahagi ng gusali para marating ang barn. Subalit hindi pa ako nakakarating dito nang makarinig na lamang ako ng tila nag-aaway na grupo.

"MAGBABAYAD KA! MAGBABAYAD KA!"

Pamilyar sa akin ang boses na iyon kaya tumakbo ako patungo sa lugar kung saan iyon nagmula. Naabutan kong nakahandusay sa lupa ang siyam na lalaki. Habang nakita ko naman si Clive na pinagsususuntok ang mukha ng pinakamalaking lalaki habang nakapatong sa ibabaw nito. Agad akong lumapit para awatin siya.

"Clive, tama na 'yan!"

Nagpumiglas siya nang hilain ko siya palayo sa lalaking halos hindi ko na makilala ang mukha. Kinabahan akong baka natuluyan na niya yung lalaki pero napansin kong humihinga pa naman ito.

"Bitiwan mo ako!" sigaw ni Clive. Alam kong hindi siya magpapaawat kaya binitiwan ko siya. Mabuti na lang at hindi na niya naisipan pang tuluyan yung kawawang lalaki.

Tinangka kong magtanong. "Ano bang---"

"Enver, wala akong oras para sa kung ano man ang sasabihin mo," putol niya at agad akong natahimik. May kakaiba sa ekspresyon niya. Bukod sa galit ay may takot at pag-aalala din dito. "Just bring her to the clinic, NOW!"

"S-sino?"

Subalit hindi na niya kailangan pang sagutin ang tanong ko dahil nang sundan ko ang direksyon kung saan siya nakatingin ay agad kong namataan ang isang babaeng nakahandusay sa tabi ng isang malaking bato. Parang tumigil ang mundo ko nang makilala ko kung sino siya. Si Kandyce. She was covered with her own blood and she was so still like she wasn't breathing. Nanghina ang buong katawan ko at tila nanlata ang mga tuhod ko. Ganun pa man, nagawa ko pa ring tumakbo agad papunta sa kinaroroonan niya. Tiningnan ko ang kanyang pulso. Wala akong naramdaman. Hindi pwede 'to. Pinakiramdaman ko pa ng mabuti ang pulso niya. Sa pagkakataong ito ay nakahinga ako ng maluwag. Mahina lang ang pulso niya pero sapat na ito upang malaman kong buhay pa siya.

Lumingon ako. "Clive, paano ka?"

"Don't mind me. Basta dalhin mo na siya sa clinic," wika ni Clive. His voice was sorrowful.

"Hindi man ganun kalala ang kondisyon mo na tulad ng kay Kandyce pero kailangan mo pa ring pumunta sa clinic," sabi ko na lang kay Clive at binuhat si Kandyce upang dalhin siya agad sa pagamutan.

Nagulat ang nurse na nasa receiving section sa pagdating ko buhat ang isang babaeng duguan. Ganun pa man, nagtawag siya ng mga kasama niya at agad na inasikaso si Kandyce. Mabuti na lang at hindi lang basta-bastang mga nurse at doktor ang nasa unibersidad namin kaya alam agad nila kung ano ang dapat nilang gawin kahit gaano pa kaseryoso ang kondisyon ng isang tao. Isa pa ay kompleto rin sa mga kagamitan at mga kasangkapan ang clinic kaya hindi na namin kakailanganin pang pumunta sa hospital.

Naghintay ako sa labas ng operating room. Kinabahan ako nang dito nila ipinasok si Kandyce pero sinabi nilang kailangan nilang suriin ng mabuti ang natamo niyang sugat sa ulo niya upang siguruhing walang naapektuhan sa utak niya o na-damage na kung ano man. Nakalipas pa ang ilang oras at dinala na nila si Kandyce sa isang kwarto kung saan hihintayin na lang namin siyang magising. Nakasuot na siya ng hospital dress at may nakalagay nang benda sa ulo niya. Napansin ko rin ang dextrose at isang bag ng dugo na nakatarak sa kanya. Lumabas na muna ako sa silid upang dumaan sa dorm at upang palitan ang damit kong namantsahan ng dugo. Kumain na rin ako ng tanghalian nang maramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko saka ako bumalik dala ang mga pagkaing binili ko sa canteen para kay Kandyce. Hindi pa rin siya nagigising nang dumating ako kaya naupo na lamang ako sa tabi ng kamang hinihigaan niya. Sinabihan ako ng doktor na wala naman daw seryosong nangyari sa kanya. Iyon nga lang ay nawalan siya ng maraming dugo. Wala naman na raw akong dapat ipag-alala rito dahil maaari na rin lang naman daw siyang magising ano mang oras.

Royalties and Nobilities --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon