CHAPTER 30: His Hurtful Words!

2.5K 68 1
                                    

KANDYCE

Huling araw na ng school festival at katulad nga ng nakasaad sa schedule ay magtatanghal ulit ngayon ang drama club. Unfortunately, hindi pa tuluyang gumaling si Jade kaya hindi pa siya pinayagang lumabas mula sa clinic slash mini hospital lalo na ang mag-perform. Kaya ako ulit ang gaganap ngayon bilang Cinderella.

Kasalukuyan nang abala ang drama club members sa pag-aayos sa mga magsisipag ganap sa drama play at sa mga props na kakailanganin sa stage. Nauna na nila akong inayusan kanina kaya kailangan ko na lang hintaying magsimula ang palabas. Sumilip ako mula sa backstage upang tingnan kung ano na ang nangyayari sa loob ng theater. Nalaglag ang panga ko nang makita kong domoble pa ang bilang ng mga estudyanteng manonood kumpara kahapon. Karamihan pa sa kanila ay nakatayo na lamang dahil wala na silang mauupuan. And to think na halos kasing laki ng dalawang auditorium ang theater na ito, halos himatayin ako sa kaba. Kahit kailan hindi ko pa nararanasan ang magtanghal sa harap ng ganito karaming tao.

Sa huli ay naging matagumpay din ang palabas. Wala ring ginawa ngayon yung kumag na kakaiba. Ibig sabihin, hindi niya ngayon hinila ang kwelyo ko para mahalikan ko siya kaya hinalikan ko lang siya ngayon sa gilid ng labi niya. Ganun pa man, hindi pa rin nawala ang biglaang pagyakap niya sa akin sa huli. Dumeretso rin ako sa Paradise Café pagkatapos kong magbihis bitbit ang hiniram kong costume. Pero pagdating ko rito ay nagkakagulo pa rin sila dahil dumami rin ang bilang ng kanilang mga customer. Last day na kasi siguro kaya nagsisidagsaan na ang mga estudyante. Nagboluntaryo na lang akong tumulong ulit sa kanila dahil wala naman na akong iba pang gagawin. All-in-all, naging maayos ang daloy ng mga pangyayari sa araw na ito. Walang sakit ng ulo at walang problema. Nang maibalik ko ang costume na hiniram ko sa Home Economics Club na siyang gumawa sa theme na Paradise Café ay dumeretso na ako sa dorm upang maghapunan at nang makapagpahinga na.

Bubuksan ko pa lang ang pinto papasok sa kwarto namin ni Beth nang bigla na lang itong bumukas mag-isa at iniluwa ang isang batang babae. She was wearing a dress so blue it almost appeared black, with glittering jewels across it. She looked like the night sky. Napakalawak din ng pagkakangiti niya sa kanyang mga labi na kulang na lang ay makita pati ang buong gilagid niya.

"WELCOME COME BACK, ATE KANDYCE!!!" (*u*)

---!WAPAK!---

"Aray!" daing ni Charry habang hawak ang ulo niya.

"Anong ginagawa mo dito, Charlize? May atraso ka pang malaki sa akin," I said as I glared at her.

"Hehe. Kaya nga ako pumunta dito eh," she stuck out her tongue while smiling.

*FLASHBACK*

"That's better," nakangiting saad ng ina nila Clive at Charry nang tawagin ko siyang tita. Their mother looked so serene and so beautiful that I couldn't stop admiring her. She had a shoulder-length black hair and beautiful sharp brown eyes that Clive had inherited. She's also tall and willowy. Moreover, she radiated power even though she's only a commoner when king Alastair, Clive and Charry's father, married her. She was now widely known as queen Ophelia, "my daughter is right, her brother's girlfriend is really pretty, right Charry?"

!(O_O)! E-eh?!

Nabato na lang ako sa kinalalagyan ko at hindi agad nakaimik dahil sa narinig ko. Girlfriend?! Ako?! Kailan pa ako naging girlfriend ng kumag na 'to?! I tried my best to maintain my smile and my composure. Malilintikan sa akin itong batang ito.

"O-opo naman, mama!" Charry stuttered.

"I'm proud of you son. Magaling kang pumili," natutuwang wika naman ni king Alastair habang tinatapik-tapik yung likod ni Clive na tila wala namang pakialam sa mga nangyayari. King Alastair was also tall and handsome in his own way as Clive. Bilang hari ay tila may kakaiba sa ama nila Clive. Whereas most kings would depict themselves as serious and cold, King Alastair had that sort of mischievous air surrounding him. Marahil ay nasa isang kasiyahan kami kaya hindi ito seryoso ngayon. Ganun pa man, kahit papaano ay alam ko na kung kanino namana ni Charry ang pagiging playful niya, ang paraan niya ng pagngiti at ang hugis ng mga mata, ilong at bibig niya.

Royalties and Nobilities --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon