CHAPTER 43: Her Happy Evening!

2K 46 0
                                    

KANDYCE

Nang maalala kong Saturday pala ngayon ay dumeretso ako sa Chairman's Office para sa monthly report ko tungkol kay Clive pagkatapos ng trabaho ko sa Maid Café. Siyempre, hindi nangangahulugan na porke kami na ay ititigil ko na rin ang pagmomonitor ko sa mga ginagawa niya. Kailangan ko pa ring siguruhin na nag-aaral siya ng mabuti.

Pagkapasok ko sa opisina ay masigla akong binati ni chairman Snow na nakaupo sa kanyang swivelling chair, "good evening, Kandyce! How's your day?"

Wow. He's in a very good mood today. Ano kayang nakain ng isang 'to?

"Ayos lang naman po as usual," nakangiting sagot ko pagkalapit ko sa tapat ng working table niya.

"Oh, of course," natatawang sagot niya. Hindi ko tuloy alam kung ano ang dapat kong isipin sa ikinikilos niya. "So, how's Clive? Nagbubulakbol pa rin ba?"

"Hindi na po niya ginagawa yun," matapat na sagot ko. "Mukhang seryoso na rin po siya sa pag-aaral niya at hindi na rin po niya binabastos o sinasagot ang mga prof niya. Minsan din naman po, siya pa mismo ang magtututor sa mga kaklase namin kung magkakaroon kami ng quiz."

Iyon nga lang hindi pa rin siya nagrereview. Minsan medyo nakakainggit. Hindi siya nagrereview pero napeperfect niya yung quizzes namin. Swerte na lang niya at gifted siya sa katalinuhan.

"I see. Ang laki na nga talaga ng pinagbago niya. Kumusta naman ang pakikitungo niya sa'yo?" I smelled something fishy behind his toothy grin.

I blushed a little. "Okay lang din naman po."

Muli siyang tumawa nang may bahagyang panunudyo. Kung hindi lang chairman ang isang 'to, kanina ko pa ito sinapak. "Yeah, of course, of course."

'Yeah, of course, of course' talaga dahil kalat na kalat na sa buong school na kami na ni Clive. Makita raw ba naman kasi sa tv yung ginawa niyang paghalik sa pisngi ko sa harap ng maraming tao. Mabuti na nga lang at strikto ang Royal University pagdating sa pagpapapasok ng reporters o interviewers. Dahil kung hindi ay siguradong pagpepyestahan daw kami ni Clive ayon kay Angelique. Honestly, hindi ko akalaing magiging kilala rin ako nang dahil lang sa naging boyfriend ko ang prinsipe ng Kaharian ng Etherion. Kung minsan nga, nakakapagod ang maging sikat. Ang dami nilang pinupuna sa'yo at ang dami rin nilang expectations sa'yo. Pero dahil hindi naman importante sa akin ang kasikatan, wala akong pakialam sa sinasabi ng iba. I'd stay true to myself no matter what. Isa pa, hindi yung kasikatan ang mahalaga sa akin kundi si Clive.

Pagkatapos kong magreport ay umalis na agad ako sa opisina ni chairman Snow. May pakiramdam kasi akong manunudyo pa ulit yun maya't maya sa akin tungkol kay Clive kapag nagtagal pa ako. For some reason, that old man was still a child in mind and sometimes, it's actually creeping me out. Naglalakad na ako sa lobby nang mamataan ko sa 'di kalayuan ang isang pamilyar na nilalang. Mukhang agad niya akong nakilala dahil kinawayan niya ako. Di nagtagal ay nakilala kong si Enver ito. Napangiti ako ng abot-tenga at kinawayan din siya.

"Padilim na, bakit nandito ka pa?" masiglang tanong ko pagkalapit ko.

Katulad ng dati ay bahagya siyang namula. Hindi pa rin siya nagbabago. Medyo mahiyain pa rin. "Wala lang. Naisipan ko lang maglakad-lakad saglit bago sana ako bumalik sa dorm. Isa pa, maganda na ring naglakad-lakad ako at nakita kita," paliwanag niya. "Gusto mo bang mag kape saglit? Libre ko."

"May nagpapakape pa sa school natin sa ganitong oras?" manghang tanong ko.

Lumawak ang pagkakangiti niya. "Oo naman. Tara," wika niya saka niya hinila ang kamay ko.

"Saan?"

"Basta," excited na sagot niya kaya hinayaan ko na lang siya.

"Ta-da!" banggit ni Enver nang may pagwasiwas pa ng mga kamay dahilan upang matawa ako. Huminto kami sa isang stand kung saan may nakalagay na pangalang: BUTLER COFFEE STAND. Sa tapat nito ay may mga mesa at mga upuan na pwedeng pagtambayan ng mga may balak magkape. Nagkataon namang kaming dalawa lang ni Enver ang customer sa mga oras na 'to.

Royalties and Nobilities --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon