CHAPTER 13: Her Wonderful Story!

2.9K 77 1
                                    

KANDYCE

---!CRIIIIING!---

---!CRIIIIIING!---

Awtomatikong napalingon ako sa bandang likuran kung saan nakaupo si Clive. Tumunog na kasi ang last bell bilang hudyat na magsisimula na ang susunod naming klase. Nakahinga ako ng maluwag nang masulyapan ko siyang tahimik na nakaupo sa upuan niya habang nakahalukipkip. He looked very gloomy. Akala mo naman katapusan na ng mundo. But infairness, hindi tulog ang kumag. (^_^)v

Humarap na muli ako. Pumasok na sa klase namin si professor Lothaire Tresvalles, ang aming History teacher.

"We will not have our lesson for today class." Agad na naghiyawan ang aking mga kaklase dahil sa anunsyong ito ni professor Tresvalles. Ang buhay estudyante nga naman. Akala mo may napanalunang isang bilyon kapag in-announce na hindi kami magle-lesson. Nang bahagya silang tumahimik ay muling itinuloy ni professor Tresvalles ang sinasabi niya. "I just dropped by here to inform you that all the college year level representatives are here to discuss their plans for the school festival with you. And let me remind you that all your subject teachers require you to cooperate in this activity because this will be considered as a big part of your extra curricular points. I repeat, this activity will have a great impact on your grades so please participate."

Pagkasabi nito ay lumabas na si professor Tresvalles. Pumasok naman sa loob ng klase ang apat na year level representatives. Tatlong babae at isang lalaki. Yung dalawang babae ay si Angelique na representative ng mga third year at si Beth na representative ng mga second year. While the other, a petite girl and a daughter of a Baron, is Yennifer Campbell. She's the representative of the fourth year students. Yung lalaki naman na hindi katangkaran at may suot na eyeglasses ay si Zadkiel Augustine. Anak siya ng isang viscount at siya ring representative ng mga first year. Nagtaka na lang ako nang mapa 'whoa' at 'kyaa' ang karamihan sa mga kaklase ko. Para namang mga celebrity ang pumasok sa klase.

"Anong meron?" tanong ko sa katabi kong babae. Nesryn ang pangalan. Maputi siya, malusog tingnan, may maiksing unat na buhok, at cute. Gulat siyang napatingin sa akin. Kulang na lang ay lumabas eyeballs niya sa socket ng mga mata niya.

"Ano ka ba?! Sila ang mga college year level representatives ng Royal University! Ibig sabihin, kasama sila sa mga sikat na personalities dito sa school natin! Lalo na si Angelique. Hindi mo ba kilala si Angelique?!" bulalas niya. Ano ba ang meron kay Angelique aside from the fact na may topak siya?

"Kilala ko siya. Hindi ba't Angelique Morrigan Silverstein ang buong pangalan niya? Isa siyang prinsesa sa kaharian ng Ellesmere. Siya rin ang third year representative at balita ko consistent top dean's lister din siya," sagot ko.

"Oo, oo at oo," very enthusiastic na sang-ayon ni Nesryn. Nagti-twinkle pa yung mga mata niya. Pustahan tayo, fan na fan siya ni Angelique. "Pero hindi lang yun. Alam mo rin bang isa siya sa mga pinaka sikat na model ng Royal Magazine?! Bukod kasi sa prinsesa na siya, matalino, maganda, at sexy pa siya! Kaya nga sikat na sikat siya sa buong university natin eh! Tapos isa pa, siya rin ang head ng mga year level representative. Ibig sabihin, parang siya yung pinaka leader nila. Oh hindi ba ang cool niya?!"

Bahagyang bumuka ang bibig ko. Wow! Ang galing! Ganun pala kasikat si Angelique. Isa pa pala siyang model?! Yung baliw na prinsesa, model?! Sabagay, curly blonde hair, beautiful deep blue eyes, high cheek bones, matangos na ilong, red lips, fair skin, sexy, matangkad, matalino... nasa kanya na yata lahat pati katopakan. Saan ka pa? (*o*)

"Teka, hindi ba't sabay kayong nagla-lunch these days? Akala ko ba magkaibigan kayo? Bakit hindi mo pa alam yung mga yun tungkol sa kanya?" tanong ni Nesryn.

Pakiramdam ko tuloy para akong binuhusan ng malamig na tubig. Magkaibigan nga ba kami? Paano ko ba malalaman kung magkaibigan kami? At hangga't maaari hindi ako masyadong nagtatanong kay Angelique lalo na yung mga bagay na tungkol mismo sa kanya. Baka mamaya mamulubi ako ng tuluyan. Isa pa, palagi rin kaya siyang nambabatok. (=3=)

Royalties and Nobilities --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon