CHAPTER 20: His First Present!

2.7K 76 0
                                    

KANDYCE

---CRIIIIIIING!!!---

---CRIIIIIIING!!!---

Hmmm... ang ingay ingay naman. Kaaga-aga eh.

---CRIII ---

---WHACK!---

Hinampas ko yung maingay na alarm clock at bumalik muli sa pagtulog. Sunday naman kasi ngayon kaya walang pasok. Pwede akong tanghaliin ng gising. I was about to drift off to my dreamland when I suddenly felt something. Naramdaman ko na lang na pinaglalaruan na ng kung sinong balasubas yung buhok ko. Di nagtagal ay yung pilik-mata ko naman ang napagtripan. Pagkatapos ay tinutusok-tusok pa nito yung pisngi ko. Hindi pa ito nakontento at dahan-dahan nitong hinila yung kumot ko. What a day to start naman oh?! (-_-)

"Oo na, Charlize. Gising na ako," tinatamad na sabi ko at bumangon. Half-closed pa rin ang mga mata ko. Hindi ko alam kung paano na naman nakapasok itong makulet na batang 'to sa kwarto. May lahi yatang ninja itong isang 'to.

"It's Charry! Not Charlize!" she demanded.

I sighed. "Oo na. Charry pala."

Muli siyang ngumiti. "GOOD MORNING, ATE KANDYCE!" \(*u*)/

"Anong kailangan mo? Akala ko ba mamaya pa magsisimula yung party?"

Umakyat siya sa dulo ng kama ko at naupo. "Eh kasi ngayong umaga, pupunta muna tayo sa mall para mag-shopping. Tapos magpapa-full body massage din tayo. Then, we are going to treat ourselves with hair and make-up. Magpapa-manicure at pedicure rin tayo!"

Muli na lamang akong bumagsak sa kama ko pagkasabi niya sa mga gagawin namin...

---***---***---***---

Katulad nga ng sinabi ni Charry ay pumunta kami sa mall. Ngunit bago ito ay nagpaalam muna kami kay Beth. She's doing some stuff related to the stage play when we left. On the other hand, Charry insisted that she would be the one to pay for all the expenses. Hindi ako pumayag noong una pero mapilit talaga siya kaya hinayaan ko na lang. Iba na talaga kasi kapag nasa highest level na ang kakulitan. Si Charry na rin ang pumili ng isusuot kong damit para sa party mamaya. Pagkatapos nito ay nagpa-full body massage na rin kami, nagpa-manicure at pedicure, at nagpa-hair and make-up na rin. They did a full hair and make-up on us. Nilagyan nila ng hair extension ang hanggang balikat na buhok ni Charry. On the other hand, they dressed my hair in an upswept hairdo, with a length of pearls held in place by pearl pins. Maging yung sugat ko sa noo na gumagaling na ay nagawa din nilang itago sa pamamagitan ng isang concealer para hindi ito mahalata.

"You look ravishing, ate Kandyce," puri ni Charry. I knew what she was seeing---I had seen it myself in the mirror earlier. I was clothed in a delicate ivory silk dress. It was lowcut, revealing a great deal of my bosom, with a silk ribbon at the collar to emphasize the shape of my throat. The sleeves were short, leaving my arms vulnerable to the night air. The skirt, with a waterfall train, belled out behind me from a laced, slender waist. Hindi na ako nagtangka pang magtanong kay Charry kung magkano itong dress. Baka mamaya atakehin pa 'ko sa puso kapag nalaman ko ang halaga ng suot ko.

Kasalukuyan na kaming papunta sa venue ng birthday ni Clive sakay ng isang white van. Kararating lang namin sa Kaharian ng Etherion kanina sakay ng isang private jet. Sosyalin, 'di ba? Ganito talaga ang buhay kapag may kasama kang prinsesa. Pero ngayon ay hindi ko na alam kung saan yung specific venue kaya nakiki-go-with-the-flow na lang ako. Katulad nga ng sinabi ni Charry, siya na daw ang bahala sa lahat basta pumunta lang ako sa birthday ng kumag na yun.

I smiled at her. "Thank you. You, too. You look stunning as well, Charry."

Totoo ito. Isang yellow dress ang suot niya na parehong-pareho sa suot ni Belle ng Beauty and the Beast. Infairness, Charry did pull it off. Ang ganda niya.

Royalties and Nobilities --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon