KANDYCE
DECEMBER NA! Siyempre excited na si... ako. Hahaha! I watched as the school was transformed almost overnight. Ganito ka-excited ang mga estudyante. Katatapos lang ng final exam pero ang pagdedecorate na agad ang inatupag. Isang linggo na lang kasi ang natitira at pasko na. Lush Christmas trees lined the hallways of all floors of the college buiding, garlands were strung down the stairways, and all floral arrangements were changed to include holly or mistletoe.
Hindi lang ang pagdating ng araw ng pasko ang dahilan kung bakit excited ang lahat. May gaganapin din kasing Christmas party kung saan magtitipon-tipon ang lahat sa paligid ng isang bonfire sa may quadrangle. Dagdag pa rito ay may paghahandaan din kaming New Year's Eve Ball na gaganapin sa bulwagan ng main building. At para mas pabonggahin pa ang New Year's Eve Ball na ito, napagpasyahan ng mga year level representative ng college division maging ng high school at elementary division na gawin itong costume party. Ang hilig talaga nila sa social gatherings. Pero kung sabagay, sa mga ganitong bagay naman hinuhubog ang kakayahan ng royalties at nobilities; tungkol sa pagpaplano sa iba't ibang mga okasyon at kung paano tumanggap at magpasaya ng mga bisita.
Basically, hindi na nakapagtataka kung bakit ramdam na ramdam na ang pasko sa buong paligid habang nag-iikot-ikot ako sa college campus. Wala kasing magawa eh. Break time ko at may biglaan namang inasikaso yung ibang mga kasama ko sa royal class at nobility class nila. Si Beth, sa kabilang banda, ay bumisita ulit sa kaharian nila kasama si Tiberius. Ehem! Oo, kasama si Tiberius. As in si prince Tiberius Nikolaus Rosenthal. Yung blackmailer na yun!
Oo nga pala, speaking of Beth. Princess Bethany Rodriguez Lockhart ang buong pangalan niya. Ngunit mangilan-ngilan pa lang kaming nakakaalam sa katotohanang ito. Ako, si Clive, si Angelique, si Vance, si Enver, si Tiberius, at si chairman Snow. Ayon na rin kasi sa request ni Beth, sa second semester na lang daw siya magpapakilala bilang isang prinsesa total ay patapos na rin lang naman ang first semester. Reasonable naman ang sinabi niya kaya pinayagan siya ni chairman Snow. Kaya ako...
Napabuntong-hininga ako habang naglalakad. ...kaya ako, kailangan ko na ring maghanda para sa paglipat ng roommate ko slash bestfriend ko sa ibang kwarto.
Hindi naman sa tuluyan kaming magkakahiwalay pero maiiwan na kasi akong mag-isa sa kwarto ko. Hindi lang yun. Hihinto na rin siya sa pagtatrabaho sa Maid Café sa susunod na pasukan dahil kailangan na niyang um-attend sa royal classes niya. Nakakalungkot. Ganun pa man, sa kabila ng kalungkutan na nadarama ko ay mas nanaig pa rin ang kasiyahan ko para kay Beth. Masaya ako para sa kanya at nagkita na sila ng lolo niya. Masaya rin ako dahil ang bestfriend kong namulat sa kahirapan ay isa palang prinsesa ng Ravaryn Kingdom. At higit sa lahat, masaya rin ako dahil halatang masaya na rin siya. Hindi lang masaya, blooming pa. Kung minsan ay gustong-gusto ko siyang tanungin pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Hihintayin ko na lang na siya ang magsabi mismo kapag handa na siya. Subalit may hinala na ako kung sino ang dahilan ng pagbabago niya, siyempre. Dahil bukod sa kanya ay may napapansin din akong ilang pagbabago kay Tiberius. He tended to soften around Beth and I think he didn't even know that himself. And sometimes, when he think no one was looking, he would watch her. As in watched her---the way guys would watch a girl when they were so into this girl they were fascinated by every move she made. So, yeah. Hindi pa confirmed pero alam kong may something sa kanila.
---BOOOGSH!---
Dahil masyadong napalalim ang pagmumuni-muni ko, hindi ko na lang napansin yung taong paparating noong lumiko ako ng daan. Napaatras ako ng isang hakbang dahil sa impact. Subalit tila hindi naman natinag sa kinatatayuan niya yung lalaki.
"Sorry!" pagpapaumanhin ko at natigilan nang mamukhaan ko siya. "Stelian, ikaw pala. Pasensiya na."
"Uy! Yung amazona!" pansin ni Coby na nasa tabi ni Stelian habang nakasulyap sa akin.
BINABASA MO ANG
Royalties and Nobilities --- COMPLETED
RomanceHave you ever dreamed of what it would be like to be a princess? To be swept off your feet and wear a crown? Well, I did back then when I was still a young, daydreaming little girl and had a simple life. Pero sabi nga nila: "Be careful for what you...