CHAPTER 49: Her Gift!

2.2K 47 0
                                    

KANDYCE

Nagising ako na may matinding sakit ng ulo. Pagmulat ko ay napagtanto kong nakahiga ako sa kama at narito ako sa pamilyar na silid. Sa kwarto ni Clive. Napabalikwas ako ng bangon. Nahagip ng paningin ko ang isang pigurang nakahiga sa sahig sa tabi ng kamang kinahihigaan ko. My eyebrows shot up. Si Clive. Natutulog siya sa ibabaw ng isang makapal na kumot. Bakit diyan siya natulog at hindi sa tabi ko? Hindi naman ako ganun kalikot matulog ah. Pinagmasdan ko siya. Wala siyang suot na pang-itaas. Tanging puting pajamas lang ang suot niya. Hindi ko napigilang maglakbay ang tingin ko sa hubad na dibdib niya. He really had a very nice trunk. He had nicely sculpted broad chest. His abs were prominent. He was a very beautiful piece of art. And there was that thing jutting the front of his pants.

Nahigit ko ang hininga ko. Noong huli ko siyang nakitang topless ay noong minsang sinundo ko siya sa dorm room niya para lang siguruhin na hindi siya mahuhuli o magbubulakbol sa klase niya. That experience was mindblowing especially that he looked so hot. Even now. Ni hindi ko mapigilan ang sarili ko na masiyahan sa ginagawa kong pagtitig sa katawan niya. Gusto kong maiyak. Ang manyak ko. Magkakaroon ako ng kasalanan dahil sa lalaking ito. Speaking of kasalalan, inangat ko yung kumot na nakatakip sa akin. Bra at panty na lang ang suot ko. Nanlaki ang mga mata ko. !(O____O)!

WATDAPAK! Don't tell me...

Sinapo ko ang noo ko. Pilit kong inalala kung paano ako nakapunta sa kama ni Clive. Ang naaalala ko lang ay napasarap yung pakikipagkwentuhan ko kila Bianca at Nicola habang umiinom kami ng champagne. Panay ang tawanan namin noon. At pagkatapos... ah teka. I had a strange dream last night. In my dream I was kissing Clive very, very hotly. Sa tingin ko may parte pa yata kung saan tinanggal ko yung pang-itaas niya. Oo, parang may naaalala akong may tinatanggal akong blazer at polo. But everything was so blurry it was quite hard to remember every detail of what had really happened. Baka naman hindi lang yun basta panaginip? Nalaglag ang panga ko. Did I really just do that to him last night? Kung ganun, tuluyan ngang may nangyari sa amin? Pero bakit hindi ko katabi si Clive? Pinakiramdaman ko yung buong katawan ko. Wala naman akong nararamdaman na weird o masakit sa kahit na anong parte ng katawan ko maliban na lang sa nararamdaman kong sakit ng ulo. Psh. Hungover.

Bigla akong napahiga nang makita kong kumilos si Clive. Mukhang nagising siya sa paggalaw niya kaya bumalikwas siya. Pumikit ako at nagkunwaring tulog pa. Nakakahiya kaya! Paano ko siya haharapin pagkatapos nung kagabi? Ako yung babae tapos ako pa yung... ah basta! Magtutulog-tulugan na lang muna ako. Hindi ko man nakikita ay ramdam ko na nakatingin siya sa akin. Saka ko lang napansin. Pakshet! Yung kumot ko nakalimutan kong ayusin! I was fully aware that my almost naked upper body was on full view right now. WAAAH!!! Ano ba 'yan?! Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Clive at ang tuluyan niyang pagbangon. Mayamaya ay naramdaman ko na umangat ang kumot ko hanggang sa leeg ko. Inayos niya ang kumot ko!

My ears perked up as I heard a knock on the door. Narinig ko rin ang paghakbang palayo ni Clive at tila may ginawa saglit. I took a risk and took a peek at him. Nagsuot na siya ng shirt. Lumapit siya sa pintuan upang buksan ito. Mayamaya ay pumasok doon ang dalawang maids. May bitbit silang tray, damit at saka sapatos. Muli akong nagtulug-tulugan bago pa may makapansin sa akin. Hindi sila nagtagal sa kwarto ni Clive at umalis din agad. Narinig ko ang pagsara ng pinto. May ginawa saglit si Clive saka ko narinig ang muling pagbukas ng pintuan. Kasunod nito ang tunog ng shower. Dumilat na uli ako at sinulyapan ang bedside table. Nakalagay sa tray ang isang baso ng orange juice at dalawang tablets. Binasa ko ang pangalan ng gamot. Advil. Ininom ko na ang mga gamot maging ang orange juice. Namataan ko naman yung mga damit at sapatos sa ibabaw ng isang upuan. Isang skinny jeans, purple shirt, black na converse at mga underwear. Whoa! he knew my style.

Clive emerged from the bathroom wet and glistening from the shower with just a towel around his waist. His intoxicating fresh masculine scent suddenly filled the room. Lihim akong napalunok. Ngumiti naman siya nang makita ako. "Good morning."

Royalties and Nobilities --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon