KANDYCE
Maliwanag na sa labas. Tapos na rin akong magbihis at mag-ayos. Handa na akong pumasok para sa first class ko pero may kailangan pa akong daanan. Hindi ko na ginising si Beth para magpaalam. May pagka tulog mantika rin siya paminsan-minsan eh.
Since nakahiwalay and dorm ng mga babae sa dorm ng mga lalaki, sinadya kong agahan ang paggising para dumaan sa gentlemen's dormitory. Pagkarating ko rito ay hindi agad ako pinapasok ng butler slash gwardiya dahil hindi raw pwedeng pumasok ang mga babae rito maliban na lang kung bibigyan ako ng permiso ng dorm leader. Tinanong ko kung saan naroroon ang kwarto ng dorm leader at agad itong pinuntahan. Noong una ay hindi rin ako pinagbigyan ng dorm leader subalit matapos ang patuloy na pagkatok ko sa pintuan ng kwarto niya at ang patuloy na pagtawag sa pangalan niya ay pinayagan din niya ako sa huli. Effective talaga ang pambubulabog ng tulog sa madaling araw. Binigyan na ako ng dorm leader ng permit matapos kong tanungin sa kanya kung saan ko makikita ang kwartong hinahanap ko.
Pagkarating ko sa third floor ay dumeretso ako sa pinakadulong kwarto. Ang isolated talaga ng taong yun kahit kailan. Pati ba naman kwarto niya nasa pinaka suluk-sulukan. Kumatok muna ako ng tatlong beses sa pintuan. Pero walang sumagot. Tulog pa siguro siya. Binuksan ko yung pintuan at himalang hindi ito naka lock. Sumilip ako sa loob. Malawak yung kwarto at maaliwalas tingnan. Naengganyo ako kaya tumuloy na ako sa loob. Manghihimasok lang ng kwarto ng iba. >:D
Parang hindi kwarto ng lalaki yung kwartong pinasukan ko. Ang linis kasi tapos nasa ayos ang lahat ng kagamitan. Kung sabagay, okay na rin yun kaysa naman sa ako pa ang maglinis kung nagkataon. Maid nga, 'di ba? Naglakbay ang tingin ko papunta sa kama. Maayos nang nakatiklop ang kumot. All-in-all, napakaayos ng lahat. Ang tanong, nasaan na yung hinahanap ko?
"What are you doing here?" (=_=)
I smelled him before I turned and saw him. It was a fresh, manly scent. It was very addicting. Halatang bagong ligo. Nang makita ko siya ay napansin ko agad na wala siyang suot na pang-itaas. My eyes darted toward his four pack abs and broad chest. My jaw immediately dropped. He was wet and glistening from the shower. Akala ko patpatin siya pero, oh well, he's muscular. Yung katamtamang katawan. Ang puti niya at ang ganda ng kutis niya. May nakasabit na puting twalya sa kanang balikat niya. Yung buhok niya naman ay basa pa rin at magulo. My eyes travelled down his sexy body. Nakapants siya sa pang-ibaba. Pero hindi ito nakasara o nakabutones man lang. It hung off his hips in a very appealing way. Ganun pa man, nakasuot siya ng boxer shorts sa loob nito. Kulay black.
Isinara ko na ang bibig ko at napalunok. He was so gorgeous and so darn sexy. Pakshet! Ang nakakahiya lang dito ay alam kong nakita niya ang reaksyon ko nang makita ko siya. Pilit kong inalis ang mga mata ko sa katawan niya at pinunta ito sa mukha niya. He's staring at me, brown eyes dark, and as usual, I had no idea what he's thinking. Kung hindi kasi galit ay poker face naman siya. Naramdaman ko na parang uminit yung buong paligid. O baka ako lang. Para kasi akong lalagnatin dahil sa init na nararamdaman ko.
Tumalikod na lang ako para hindi na ako ma-distract pa sa kanya... sa katawan niya. "S-s-sinusundo na kita p-para sa unang klase natin. B-baka kasi magbulakbol ka na naman," I stuttered in an uneven tone of voice. Then I whispered to myself, "lalo na at kulang ang turnilyo mo sa utak."
"What?"
I cleared my voice. "Ang sabi ko, sinusundo na kita para sa unang klase natin. Baka kasi magbulakbol ka na naman."
"Ano yung huling sinabi mo?"
"Huh?" pa-inosenteng tanong ko. Narinig kaya niya? "Anong pinagsasasabi mo? Maglinis ka nga ng tenga mo. Kung anu-ano na naman 'yang naririnig mo."
Natagalan ng ilang segundo bago ulit ako nakarinig ng salita mula sa kanya.
"Oi."
"Oh?" hindi ko siya nilingon. Baka mamaya mag-init na naman yung pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
Royalties and Nobilities --- COMPLETED
RomansHave you ever dreamed of what it would be like to be a princess? To be swept off your feet and wear a crown? Well, I did back then when I was still a young, daydreaming little girl and had a simple life. Pero sabi nga nila: "Be careful for what you...