CHAPTER 31: Her Determination!

2.5K 64 0
                                    

KANDYCE

Nang bumalik ako sa quadrangle ay patuloy pa rin sa pagsasaya ang mga estudyanteng naririto. Ang iba ay patuloy sa pagsasayaw samantalang ang iba naman ay kasalukuyang kumakain. Bukod sa tugtog ay maririnig din sa paligid ang kanilang mga halakhak. Nahagip ng mga mata ko sila Angelique at Beth. Nakikisaya sila habang nakikipagkwentuhan sa iba. They were really enjoying the night. Everyone looked very happy. Nakakatuwang panoorin.

"Kandyce?" napasulyap ako sa pinanggalingan ng tinig. Hindi ko na lang namalayan na nasa tabi ko na pala si Enver. He was wearing a white suit. And with his blond hair and light blue eyes? He looked dashing. "Kanina pa kita tinatawag. May problema ba?"

"Ah, pasensiya na. Mukhang hindi kita narinig," nakangiting saad ko. "Pero wala namang problema. Bakit mo naitanong?"

"I just thought you looked like you're about to cry in any minute."

I blinked. "T-talaga?" Bumaling ako sa quadrangle. "Baka tears of joy lang. Natutuwa kasi akong pinapanood yung mga kaibigan ko na nagsasaya. At saka halatang sobrang nag-eenjoy ang lahat ngayon."

Enver smiled. Bumaling din siya sa mga nagsasayang estudyante na tinutukoy ko. "Tama ka. Ang saya nga nilang panoorin."

Magkatabi lamang kaming pinanood ang mga nagsasayang estudyante. Somehow, Enver's presence was soothing. It made me feel comfortable. It was always like this whenever I was with him. Kaya sobrang thankful talaga ako na siya ang naging partner ko. At mas thankful ako dahil palagi siyang dumarating sa tuwing kinakailangan ko ng tulong. Para siyang may special power. Special power kung saan palagi niyang malalaman kung kailangan ko ng tulong o hindi. Masaya ako para rito. Pero minsan nakakatakot din. Paano kung maging over dependent ako sa kanya? Paano kung ma-spoil ako? What if I started taking advantage of him because of his kindness? What if...

Why are you so being negative, Kandyce? This is so not like you.

"Si Kandyce at Enver ba yun?"

"Huh? Saan? Ay, oo. Sila nga."

"Mag-partner sila, hindi ba? Sila na ba?"

"I don't know. But they certainly look good together."

"Nakita ko nga silang magkasama sa barn dati eh. Namamasyal ata sila ng silang dalawa lang."

"Talaga? Sinabi rin ni Veronica sa akin na nakita niya silang magkasamang bumibili sa grocery store mga two or three days ago."

"Baka sila na nga."

Pareho kaming namula ni Enver sa mga narinig namin. Nag-iwasan kami ng tingin at napakamot naman si Enver sa batok niya. Sinubukan naming magpanggap na wala kaming narinig. Walang nagtangkang magsalita sa amin ni isa. Our eyes met again, but the atmosphere around us suddenly seemed awkward. It's awkward... this is awkward... so awkward... really awkward... and it's... funny.

"Pfffft! Hahahahahahaha!" hindi ko alam kung bakit pero sabay na lang kaming napahalakhak ni Enver. Sabay pa kaming napahawak sa mga tiyan namin. This was maybe because we never thought of each other that way. And the idea seemed ridiculous for the both of us.

"And now, for the last dance," saktong saad ng announcer matapos kaming makabawi ni Enver mula sa pagtawa. "Those of you who have already found their partner, you may now take the dance floor."

Not long after, the song 'Just So You Know' by Jesse McCartney began to fill the surroundings as the students started to dance at the center of the quadrangle with their chosen partners.

~I shouldn't love you, but I want to

I just can't turn away

I shouldn't see you, but I can't move

Royalties and Nobilities --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon