KANDYCE
Brrr! Tirik na tirik yung araw sa labas pero nakakaramdam pa rin ako ng ginaw. Napayakap na lang ako sa sarili ko at napahaplos-haplos sa mga braso ko. Hindi ko talaga maiwasan ang hindi kilabutan. Nagpapalit ng girlfriend every two weeks? Hindi gumamit ng proteksyon? Goodness! Did that mean marami na siyang... er, nagalaw? Ano bang klaseng lalaki yun? Masyadong... uh, malibog. Tapos, sasabihin sa akin ni Coby na malakas tama sa akin nung bakulaw?! Just what the heck did that mean?!
Naglakad ako papunta sa rooftop. Tinahak ko yung hagdan pataas papunta rito saka sinubukang buksan yung pinto. Mabuti na lang at hindi ito naka-lock. Pagkabukas ko sa pinto ay agad akong sinalubong ng presko at sariwang hangin. Kaya naman naglakad pa ako ng kaunti palabas at ninamnam ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. It felt so good. Nakakawala ng stress.
This is life!
"Miss, pwede bang magtanong ng daan?" kinilabutan na lamang ako nang hindi ko naramdaman ang paglapit sa akin ni Stelian. Napamulat ako ng mga mata ko at napalingon sa kanya. "Kung tatahakin ko ba itong daan na ito, tutuloy ba ito diretso sa puso mo?"
Paano ba nakakaisip itong isang 'to ng mga punch line niya sa ganitong sitwasyon? Mas lalo tuloy niya akong tinatakot. Humakbang ako palayo sa kanya. "Anong ginagawa mo dito? Paano mo ako nasundan?"
He shrugged casually. "May nakita kasi akong kulay pulang lubid kaya sinundan ko ito. Hindi ko naman akalain na sa'yo pala nakakonekta ang red string of fate ko."
I stared at him.
Ngumisi siya. "Nakita kasi kitang lumabas mula sa café kaya kita sinundan dito."
Naglakad siya papalapit sa akin. Humakbang ako paatras. I just suddenly felt uncomfortable---really uncomfortable---now that he's here with me again. I became cautious of his every action. Mas kinilabutan pa ako sa kanya ngayon kaysa sa dati. I couldn't even stand the mere presence of him! After hearing those... just right after hearing those about him, how could I ever trust him?! And the way he acted toward me... the way his eyes flickered with interest and desire as he looked at me... the way that annoying mouth of his curled up into a devious smile... it's totally creeping the hell out of me! Really, what the heck was his problem? Gwapo naman siya kaya bakit hindi siya maghanap ng ibang babae na type siya at pwede niyang biktimahin? Sigurado naman akong marami ang nagkakagusto sa kanya diyan sa tabi-tabi.
"Anong kailangan mo sa akin?" I asked firmly, trying to hide the fact that I was shaking.
Patuloy siya sa paglapit sa akin, habang patuloy naman ako sa paglayo sa kanya. He cocked his head on one side. "Ano sa tingin mo?"
Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero kung ano man ito, ayaw ko nang alamin pa. Nagpatuloy ako sa pag-atras hanggang sa maramdaman ko na lang na napasandal na ako sa bakod ng rooftop. Sa isang iglap ay mabilis niyang itinaas ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko at humawak sa bakod upang kulungin ako. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin nang hindi inaalis ang pagkakatitig niya sa mga mata ko. I was drowning... drowning with the intensity of his dark brown eyes.
"You already know it, right? Sinabi sa'yo ni Ulrika ang tungkol sa akin. But, do you believe her?" tanong niya sa mapanghamon na tono.
I didn't answer.
Lumapit pa ulit siya ng kaunti. "Naniniwala ka ba sa lahat ng mga sinabi niya tungkol sa akin?"
"I don't know!" I snapped. "I don't know if I should believe her or not! Noong una iniisip ko na tsismis lang ang mga yun na hindi dapat paniwalaan! Pero sa ginagawa mo sa akin ngayon parang gusto ko nang paniwalaan ang lahat ng mga sinabi niya!"
BINABASA MO ANG
Royalties and Nobilities --- COMPLETED
RomantizmHave you ever dreamed of what it would be like to be a princess? To be swept off your feet and wear a crown? Well, I did back then when I was still a young, daydreaming little girl and had a simple life. Pero sabi nga nila: "Be careful for what you...