KANDYCE
Habang naghihintay ay nilibot ko muna yung kwarto. Magsasabog lang ako ng mabahong amoy dito. Mwahaha. Walang magawa eh. Sa isang sulok, nakita ko ang isang naka-frame na mapa. Mapa ito ng kabuuan ng Royal University. Nasa kanluran ang Elementary Division. Matatagpuan ang kanilang dormitory sa hilagang kanluran. Nasa silangan naman ang High School Division. Yung dormitory nila ay nasa hilagang silangan. Nasa timog ang College Division at yung dormitory nila ay nasa timog kanluran naman. At yung main building ay nasa parte ng hilaga kung saan ako naroroon. Kamangha-mangha na talaga ang paaralang ito. (*o*)
"I-ikaw ba ang bagong estudyante rito?"
"Ay, kabayo!" halos mapalundag na lang ako sa kinatatayuan ko. Bigla na lang kasing may babaeng nagsalita sa likuran ko. Lumingon ako sa kanya. "I mean, oo, ako nga yung bagong estudyante."
"Ah, h-heto na pala yung uniform mo," iniabot niya sa akin ang isang naka-plastic na uniform. "Hihintayin muna kitang makapagbihis s-saka tayo sabay na pupunta sa na-assign na classroom mo."
"Okay."
Infairness, ang cute niya. She had soft dark eyes, an oval face, a slender body and a rich sun-kissed skin. Hanggang balikat ang kulay brown niyang buhok. And it looked smooth, thick and wavy. Mas maliit rin siya sa akin ng kaunti. Mga two inches siguro ang pagitan ng height namin. And it actually made her short. Average lang kasi ang height ko na five feet four inches. Pino siyang kumilos at mahinhin pang magsalita. Yung tipong hindi makabasag-pinggan.
Pagkakuha ko ng uniform mula sa kanya, naki-shower na ako sa banyo na naririto. Baka kasi makatulog ng hindi oras yung mga magiging bagong classmates ko dahil sa akin. Nagbihis na ako pagkatapos. Their uniform looked elegant and clearly made of premium material, exquisite and attractive. It consisted of a white formal blazer with black lining and embroidered school logo over a white short-sleeved blouse paired with a black necktie and a black skirt with two white stripes running crosswise at the hemline. Tinernohan ko ang mga ito ng black thigh-length socks at school shoes.
Pagkalabas ko sa comfort room ay sakto namang dumating si chairman Snow. Pero agad din siyang umalis matapos niyang ipapirma sa akin ang ilang mga dokumento at i-confirm sa akin ang official registration ko bilang ganap na estudyante ng Royal University. Matapos nito ay ibinigay na niya ang iskedyul ko maging ang ilang gamit na kakailanganin ko sa pag-aaral. Eight-thirty pa ang simula ng first class ko ayon sa iskedyul ko. Ibig sabihin may twenty minutes pa ako bago magsimula yung klase.
"Ako nga pala si Kandyce Robles. Ikaw?" tanong ko sa second year level representative habang naglalakad na kami papunta sa college division.
"A-ako naman si Bethany Rodriguez," mahinang sabi niya at inilagay niya sa likod ng kanyang tenga ang tumatabing na buhok sa mukha niya. She really looked like a shy type.
"Royal blood ka rin?"
"Ah, h-hindi. Working student lang ako. Nagtatrabaho ako sa Maid Café."
Na-excite ako bigla. "Talaga? Ako rin eh! Pareho tayo! Don't tell me second year college student ka rin?!"
"Uhm, oo. At ayon sa schedule na binigay sa'yo kanina magkaklase tayo ngayon sa first subject and sa other subjects pero every MWF lang."
Monday ngayon kaya ibig sabihin same schedule kami. Every TThS naman ng hapon ang shift ng work namin sa Maid Café ayon sa iskedyul ko. Hindi ko pa nakikita yung Maid Café pero medyo excited na akong magtrabaho rito. Nagtanong pa ako kay Bethany ukol sa trabaho namin. Ayon sa kanya, half-day lang daw ang mga working student kapag araw ng shift nila. Ito ay para hindi maapektuhan ang mga klase nila. Ibig sabihin, may klase ako ng buong umaga tuwing TThS at pagdating ng hapon ay sa Maid Café na ako magtatrabaho. Nalaman ko rin na tuwing hapon ng TThS ay may special class na yung royalties at nobilities. Royal classes at noble classes kung ito ay tawagin nila. Kaya naman wala nang pasok yung iba pang working students na nagtatrabaho sa Maid Café bukod sa amin sa hapong iyon.
BINABASA MO ANG
Royalties and Nobilities --- COMPLETED
RomansaHave you ever dreamed of what it would be like to be a princess? To be swept off your feet and wear a crown? Well, I did back then when I was still a young, daydreaming little girl and had a simple life. Pero sabi nga nila: "Be careful for what you...