CLIVE
"Let's revamp the public school systems," suhestiyon ko sa mga taong naririto sa working room matapos nilang ipakita sa isang screen ang larawan ng mga paaralan sa mga probinsya ng Etherion. Looking at the pictures, it was plain to see the exhaustion on the teacher's faces, and in one picture it showed a room where four children were sitting on the floor since there weren't enough chairs.
And as expected, not only the king and queen piped up with dozens of questions, but also the advisors. Mabilis at madali kong nasagot ang mga katanungan nila. Kung tutuusin, madali lang naman talagang masosolusyonan ang problemang ito kung pag-aaralan naming mabuti ang old reports ukol sa financial issues na nabasa ko. Just by studying this for a short while, I'd found a place where we could borrow the money to start the work and had ideas on how to continue the funding. Ito ang mga ideyang ibinahagi ko sa kanila. The queen gave me a smile and a nod. This idea relating to education was already near and dear to her heart. Hindi na nakapagtatakang sasang-ayon talaga siya sa ideya kong ito. The king and the advisors, on the other hand, gave a satisfied nod.
Sunod nilang pinag-usapan kung kailan masisimulan ang proyekto kung saan siguradong tatagal na naman ang pagpupulong. Ito ang madalas na nangyayari kaya kung minsan ay paikot-ikot lang kami sa usapan kahit pa tungkol ito sa mga budget, sa edukasyon, sa rezoning o sa health care. Pasimple akong sumilip sa orasan. Tsk. Kanina pa ako inip na inip dito. Kulang na lang ay sunugin ko itong silid para lang matapos na ang pagpupulong. Ilang minuto pa ang pinalipas ko hanggang sa napagpasyahan kong lumabas na lang.
"Clive, saan ka pupunta?" tanong ng hari nang buksan ko ang pinto habang patuloy pa rin ang pag-uusap ng mga advisor ukol sa proyektong gagawin.
"Sa labas," tugon ko nang hindi lumilingon. Bago pa man siya makapagbitiw ng ano mang karagdagang salita ay tuluyan na akong lumabas at isinara ang pinto.
Hindi tulad sa loob ng working room ay tahimik lamang sa labas. At mula sa bintanang malapit sa kinaroroonan ko ay matatanaw mula rito ang kalahating buwan na nasa madilim na kalangitan. Gabi na. Tsk. Kainis. Hindi ko akalaing magtatagal ng ganito ang pagpupulong. Kung kanina lang ay naglalakad ako habang nakapamulsa, ngayon ay tumatakbo na ako pataas ng hagdan papunta sa kwarto ko.
Panaginip. Parang panaginip lang ang mga nangyari kanina. Talaga bang narito siya ngayon sa palasyo? Nagpatuloy ako sa pagtakbo upang malaman ang kasagutan sa tanong ko. Second floor. Hallway. Third floor. Pagkahinto ko sa tapat ng pinto ng silid ko ay dahan-dahan ko itong binuksan. And then quietly, I walked in and shut the door behind me. Binuksan ko ang ilaw at kinilatis ng mabuti ang kabuuan ng kwarto. Wala namang nangyaring kakaiba rito. Walang nabago. Maliban na lang sa babaeng kasalukuyang tulog na tulog sa kama ko. I sighed, quite relieved to know that I wasn't really dreaming as I watched her sleeping face.
I'm going to stay with you no matter what, like your guardian angel! I remembered her saying on the last night of the school festival. It was just somehow funny right now because she really looked like an angel when she was being quiet like that. Just like a real guardian angel. Lalapit na sana ako papunta sa kanya nang mahagip na lamang ng paningin ko ang isang larawan na nasa ibabaw ng cabinet ko. Sa pagkakaalala ko, pinahiga at binaligtad ko ito nang huli ko itong tingnan. Lumapit ako sa cabinet at kinuha ang nakakuwadrong larawan. Pinagmasdan ko ito. It had only been three to four years since this image was taken. Pero para sa akin ay parang milyon-milyong taon na ang nagdaan. It was just a part of my past now. Natigilan na lamang ako nang namalayan kong nakangiti na pala ako. Had I truly moved on? Somehow, I felt so damn guilty. Tinitigan ko ng mataman ang nakakuwadrong larawan namin ni Mackie at kinapa ang damdamin ko. Hindi ko na mahanap dito ang pamilyar na sakit na nadarama ko tuwing naaalala ko si Mackie. Nang mapasulyap ako sa higaan at sa babaeng nagising na mula sa kanyang pagkakahimbing ay nakadama ako ng isang bagong emosyon. Isang emosyon na ngayon ko pa lang naramdaman.
BINABASA MO ANG
Royalties and Nobilities --- COMPLETED
RomanceHave you ever dreamed of what it would be like to be a princess? To be swept off your feet and wear a crown? Well, I did back then when I was still a young, daydreaming little girl and had a simple life. Pero sabi nga nila: "Be careful for what you...