KANDYCE
Siraulo talagang blackmailer yun! Ginawa ba naman akong ninja. Ang hirap kayang magbalik ng susi sa faculty room nang hindi ka nahuhuli! Nasa kalagitnaan ako nang pagsasabit ng susi sa tamang lalagyan nito nang bigla na lang pumasok si professor Burns. Agad akong nanigas sa kinatatayuan ko at natigil pa sa paghinga habang yung isang kamay ko ay nakataas pa rin sa ere. Dumeretso si professor Burns sa table niya, may kinuhang papel at mabilis ding lumabas. Halos maiyak ako sa tuwa nang hindi niya ako napansin.
Dumeretso na ako sa canteen nang makaramdam ako ng gutom. Baka mamaya dumagundong na naman itong tiyan ko sa pagtunog. Mahirap na. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa canteen ay namataan ko agad si Angelique na kumakain dito kasama si Beth. Angelique really stood out everywhere she went. Marahil ay dahil sa golden hair niya, sa kaputian niya at sa aura niya. Kaya sa halip na dumeretso sa bilihan ng pagkain ay sa kinaroroonan nila ako pumunta.
"Hi, guys!" masiglang bati ko at umupo sa tabi ni Beth upang tapatan si Angelique na may sandamakmak na mga pagkain. Pwede nang pang-imbak ng dalawang araw. "Kumusta ang exam?"
"Great," walang emosyong saad ni Angelique. She even sounded bored. Nadalian siguro sa exam. Para ano pa nga ba at consistent top dean's lister siya ng batch nila?
"Okay lang naman," Beth hollered softly as she tucked a lock of her hair behind her ear.
---!!!PAK!!!---
Sinampal ako bigla ni Angelique! Hindi ko alam kung bakit. Joke lang. Tinapik lang naman niya yung kamay ko na nagtangkang dumapo sa mga kinakain niya. Ang dami kaya ng mga 'to! Bukod sa kinakain niyang apat na putahe ng ulam at limang extra rice, may ice cream at sandamakmak pa siyang french fries sa tapat niya. Hindi pa kasama rito yung juice na binili niya.
"Ouch ha! Tinutulungan lang naman kitang ubusin 'yang kinakain mo eh," I pouted.
"I don't need help, so go buy your own food, dummy."
"Titikim lang ako ng pagkain mo."
"No way."
"Yes way."
"I said, no."
"And I said, yes."
"No."
"Arabong batok queen na madamot!"
She tried to hit me but I dodged her attack. Wahahaha! Mabilis na talaga ang reflexes ko ngayon. Binelatan ko siya. She glared at me in return.
"U-um, Kandyce. Heto oh," singit ni Beth sa kabadong tinig at inabot sa akin ang isang burger na naka-wrap pa. "Hindi ko pa nagagalaw 'yan. Busog na kasi ako."
Agad kaming tumigil ni Angelique sa ginagawa namin na parang wala lang nangyari. Nagpatuloy lang siya sa pagkain at ako naman ay tumingin sa burger na inaalok ni Beth. "Sure ka? Bibili pa naman ako ng kakainin ko. Pinagtitripan ko lang si Angelique."
"Hindi. Busog na talaga ako. Sayang din naman kasi kung walang kakain nito."
"Thank you, Beth!" sabi ko sabay yakap sa kanya. (^_^)
"Y-you're welcome." (0#0)
Bago ko kainin yung burger ay bumili na muna ako ng dagdag na makakain ko. Hindi tulad ni Angelique ay dalawang potahe lang ng ulam ang in-order ko at tatlong extra rice. Nagdagdag na rin ako ng isang hiwa ng cake bilang dessert. Lastly, I bought a large-sized mango fruit shake.
"Did someone ask you out on a date?" rinig ko na lamang na tanong ni Angelique saktong pagkaupo ko sa pwesto ko kanina. Na-intriga naman ako kung ano ang pinag-uusapan nila kaya agad kong sinimulan ang pagkain habang pinapanood ang usapang nagaganap sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Royalties and Nobilities --- COMPLETED
RomanceHave you ever dreamed of what it would be like to be a princess? To be swept off your feet and wear a crown? Well, I did back then when I was still a young, daydreaming little girl and had a simple life. Pero sabi nga nila: "Be careful for what you...