KANDYCE
TWO DAYS NA LANG! Two days na lang ang natitira bago ang opisyal na pagsisimula ng school festival. That was why most of the students in the Royal University, if not all, were busy cramming for the upcoming big event. Kaya hindi na rin nakapagtataka kung bakit may mga nag-aala Spiderman at Batman na sa amin. Batuhan sila ng gamit tapos yung iba taga salo. Mayroon ding Roadrunner. Yun yung taong takbo rito, takbo roon. Parang palaging nagmamarathon. Yung iba naman Super Sonic. Akala mo nasa kabilang bundok yung mga kausap. Hahanapin lang nila yung kasama nila isisigaw pa talaga nila sa buong silid yung pangalan ng taong yun. Yun naman pala, katabi lang nila yung taong hinahanap nila. Yung iba naman sisigaw din at magagalit pa kapag hindi nila mahanap yung gamit na hinahanap nila, yun naman pala hawak-hawak lang nila. Oh, 'di ba? Mga abnormal. (=__=)
Ganun pa man, naiintindihan ko rin naman yung pressure at stress na nararamdaman nila lalo na at karamihan sa kanila ay halos wala pang tulog at pahinga. Kaya heto ako, pakalat-kalat sa tabi-tabi. Yep, ako yung nilalang na kung saan-saan napapadpad sa loob ng club room. Kandyce, the Wanderer. Hehe. Bagay!
"Kandyce, hindi ka ba magbe-break?"
Nagtataka akong napatingin sa kumakausap sa akin. Isang lalaking hindi katangkaran na propsmaker din tulad ko. Isang nobility na nagngangalang Giampaolo. "Huh? Bakit break na ba?"
"Oo, kaa-announce lang. Hindi mo ba narinig?" medyo nakaka-ewan na tanong niya.
Rinig na rinig ko nga eh kaya ako nagtatanong, sagot ko sa isipan ko pero ngumiti lang ako at sinabing, "sige lang, tapusin ko lang 'tong ginagawa ko."
"Wow, ang sipag ah," saad naman ng babaeng may kulot na buhok na kalalapit lang sa amin. Si Jo Anne. Isa ring nobility. "Mag-break ka kaya muna. Ituloy mo na lang 'yan mamaya at siguradong marami pa ulit tayong gagawin."
"Okay lang. Malapit ko naman na 'tong matapos."
Nagkibit-balikat si Giampaolo. "Ikaw ang bahala."
"Punta lang kami sa cafeteria para kumain," paalam naman ni Jo Anne. "Sabay ka na lang mamaya kay Clive kapag break time na rin nila."
Napakunot-noo na lang ako nang nanatili lang siyang nakasulyap sa akin ng may makahulugang tingin at ngiti. Anong meron sa isang ito? "Bakit?"
"Wala," she said dismissively, then added as she followed Giampaolo out of the room, "ang ganda mo kasi."
Pinagtitripan ba ako ng isang yun? Weird. Nagkibit-balikat na lang ako at itutuloy na sana ang ginagawa kong pagtatahi sa costume na hawak ko nang marinig ko na lamang ang tinig ni Beth.
"Kandyce, hindi ka ba magbe-break?" gulat na tanong niya. Natusok ko tuloy ng karayom yung daliri ko. Mabuti na lang at hindi ito kalaliman.
"Magbe-break ako. Tatapusin ko lang 'to saglit," medyo natarantang sagot ko. Yung reaksyon kasi ni Beth akala mo naman may ginagawa kang kahindik-hindik na krimen.
"Hala, sorry. Ang dami mo na tuloy ginagawa," she said, lowering her head apologetically.
I smiled cheerfully. "Okay lang. Kayang-kaya ko pa naman eh! Ikaw? Hindi ka ba magbe-break? Mas marami ka kayang ginagawa kesa sa akin."
"Mamaya na lang. B-busog pa naman ako. Saka marami rin akong kinain kaninang agahan," iwas-tinging saad niya. That, of course, was a complete lie. Dahil hindi ko talaga siya nakitang nag-agahan kanina sa sobrang pagiging abala niya. Nakalimutan ata niyang roommate niya ako.
"Wait lang." Binitiwan ko ang tinatahi ko at pumunta sa isang sulok kung nasaan ang bag ko. Heto ang dahilan kung bakit 'Kandyce, the Wanderer' ako. Iiwanan ko yung trabaho ko para may gawin saglit saka ko ito babalikan para tapusin. Pagkatapos ng trabaho ko ay maghahanap na naman ako ng ibang gagawin. See? Kandyce, the Wanderer.
BINABASA MO ANG
Royalties and Nobilities --- COMPLETED
RomansHave you ever dreamed of what it would be like to be a princess? To be swept off your feet and wear a crown? Well, I did back then when I was still a young, daydreaming little girl and had a simple life. Pero sabi nga nila: "Be careful for what you...