KANDYCE
"U-um... Kandyce?"
"... Kandyce?"
Hinila ko ang kumot ko at tinakpan ang ulo ko nang marinig kong may tumatawag sa pangalan ko. Tumagilid ako ng pagkakahiga at namaluktot. Antok na antok pa ako at wala pa akong sapat na lakas upang imulat ang mga mata ko.
"Um... Kandyce?"
May marahang tumatapik-tapik sa balikat ko. Napakunot-noo ako. "Hmm... Kung may pupuntahan ka, sige lang. Go. Ingat. At good mor-night," saad ko kay Beth sa nanlalatang tono.
Hindi kasi ako makatulog kagabi at magdamag lang na nagmuni-muni. Madaling araw na nang tuluyang bumigay ang mga mata ko dahil sa sobrang antok. Kaya kahit na pagmulat lang ng mga mata ko ngayon ay hindi ko magawa. Isa pa, wala namang pasok ngayon dahil araw ng pamamahinga. Sunday was equal to free day. At dahil free day ngayon, walang problema kahit tanghaliin ako ng gising o kahit buong araw pa akong matulog.
"Ayos lang, Bethany. Ako na ang bahala sa kanya," wika ng isang pamilyar na boses. Tinamad na akong kilalanin pa kung sino ito at bumalik na lamang sa pagtulog.
Nagising lang ulit ako nang makaramdam ako ng mainit na bagay na pumulupot sa katawan ko. Infairness, nakakagaan sa pakiramdam. Mas lalo talaga akong tatamarin sa paggising nito. Medyo maginaw kasi tuwing madaling araw kaya naman napaka komportable sa pakiramdam nung bagay na nagbibigay init sa bewang ko. Gusto ko pang mainitan kaya hinarap ko ang pinanggagalingan ng init. Napabuntong-hininga ako. Ang bango rin nito. Medyo sweet ang amoy pero bahagyang may tapang din. Dahil nababanguhan ako, inamoy-amoy ko pa ito lalo. Inalis ko ang nakatakip na kumot sa ulo ko. Bakit parang medyo pamilyar yata yung amoy? Inamoy-amoy ko pa ito saka bahagyang kinapa. Kung ano man ang kinakapa ko ay mainit din ito, malapad at parang may kumakabog.
Teka nga!
Nagmulat ako ng mga mata ko. I saw something very close to me that resembled like a human's face. My eyes almost fell from its socket when my vision finally cleared. Stelian's dark brown eyes were staring at me. Then it dawned on me that the reason for his toothed grin was because my hands were on his chest.
"AAAAAHH!"
Naitulak ko na lamang siya papalayo sa akin. Ganun pa man, kabaligtaran ang nangyari. Dahil sa halip na siya ang malaglag ay ako ang umurong paatras. Malalaglag na sana ako kung hindi lang hinapit ni Stelian lalo ang bewang ko.
"Maaga pa. Matulog muna tayo," nakangising saad niya.
Sinimangutan ko siya at tinanggal ang kamay niya sa bewang ko saka tumayo mula sa kama ko. "Paano ka nakapasok dito?! At anong ginagawa mo rito?!" bulyaw ko habang nakapamewang sa harapan niya.
Kailan pa nakalabas sa clinic slash hospital itong bakulaw na 'to?
Nanatili siyang nakahiga sa kama ko. He propped himself up on his elbow gazing up at me, amused. Wala akong ganang sakyan ang mga kalokohan niya. Pinapainit lang niya ang ulo ko. Ika nga, magbiro ka na sa lasing huwag lang sa bagong gising.
"Maparaan yata 'to kaya ako nakapasok sa kwarto niyo. At saka kaya ako pumunta rito ay para sunduin ka," paliwanag niya. Napakunot-noo na lamang ako nang may maalala ako.
*FLASHBACK*
"Kailan?" tanong ko.
"Kailan ang alin?"
Kailan kita bibitayin?
"Kailan yung... yung... d-d-date?" Pakshet! Nakakahiya 'to. Sobrang nakakahiya na nakaka-ewan.
"Bakit? Pumapayag ka na bang makipag-date sa akin?" he smiled teasingly.
I rolled my eyes. "Kailan nga?!"
BINABASA MO ANG
Royalties and Nobilities --- COMPLETED
RomanceHave you ever dreamed of what it would be like to be a princess? To be swept off your feet and wear a crown? Well, I did back then when I was still a young, daydreaming little girl and had a simple life. Pero sabi nga nila: "Be careful for what you...