KANDYCE
Hindi na kami suspended ni Clive kaya pagkatapos ng klase namin ay dumeretso na agad kami sa drama club upang mag-practice. Siyempre, hindi ako kasama sa practice, si Clive lang. Propsmaker lang naman kasi ako pero ayos na rin ito para mabantayan ko yung alaga ko. Kung meron mang pinagbago si Clive, yun ay hindi na siya umaalis sa practice. Sinusunod na niya kung ano ang sinasabi sa kanya. Yun nga lang, kapag tinopak siya, magbabasa na lang siya ng libro sa isang tabi na para bang may sarili siyang mundo. Kinakailangan ko pang i-confiscate yung binabasa niya para lang magtino siya. Nang tingnan ko kung ano yung laman ng libro ay tadtad lang naman ito ng iginuhit na mga larawan ng nagpapatayang mga nilalang. Yung brutal talaga na patayan. Minsan talaga hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng kumag na 'to.
"Psssst!"
Maganda yung babaeng gumanap bilang si Cinderella. Hindi lang pala maganda, as in ubod ng ganda. Maalon ang light brown at mahaba niyang buhok. Flawless ang maputi niyang kutis at mamula-mula rin ang mga pisngi niya. Matangos ang ilong niya at mapula ang mga labi niya. Dahil na rin sa height niya na five feet eight inches, hindi na talaga ako magtataka kung bakit modelo rin siya katulad ni Angelique. Bukod pa sa mga ito ay magaling din siyang umakting. Kahit na anong sitwasyon o emosyon kayang-kaya niyang i-act kaya naman pati ako namamangha sa kanya. Jadagrace de Frances ang buong pangalan niya, at isa siyang nobility. Nung minsang kinausap niya ako, sinabi niyang Jade na lang daw ang itawag ko sa kanya. Masasabi kong likas talaga siyang mabait. Natural ang lahat ng kilos niya. Hindi siya plastik at totoo siyang tao sa mga kapwa niya at sa mga katrabaho niya. That's why I admired her.
"Pssssssst! Ate Kandyce!"
Magmumuni-muni pa sana ako tungkol sa mga masasayang karanasan ko dito sa drama club nang makita ko na lang ang isang batang babae sa tabi ng pinto. At the moment, she somewhat reminded me of Clive. Pero kung titingnang mabuti ay agad ring mahahalata ang pinagkaiba nila sa itsura nila. Pareho silang may itim na buhok at brown na mga mata pero medyo may pinagkaiba pa rin ang features ng mga mukha nila. Maliban na lang ngayon. She was having the same annoyed expression as Clive and that made her look so much like him. Halatang hindi siya natutuwa sa mga nakikita niya. Bakit kaya? Malapitan nga. Nagpaalam ako sa mga kasamahan kong propsmaker na lalabas lang ako saglit. Hindi na ako nagpaalam kay Beth sapagkat abala siyang pinapanood ang acting nila Jade at Clive. Somehow, I felt some sort of envy whenever I saw how good they looked together. Sana ako na lang yung gumanap na beast. Gusto ko ring umakting kasama si Jade. Ang daya! (=3=)
Nang makalabas ako ay agad na namewang si Charry sa harapan ko. "Bakit hindi ikaw ang partner ni kuya Clive?! Di-hamak kaya na mas maganda ka doon sa partner ni---"
Mabilis kong tinakpan yung bibig niya at luminga-linga sa paligid. Buti na lang walang tao sa corridor. Sumilip rin ako sa loob ng drama club room, mabuti na lang at lahat sila abala sa ginagawa nila. Psh! Madaldal na bata. Buti na lang walang nakarinig sa mga pinagsasasabi niya.
"Shh! Ang lakas ng boses mo," wika ko sa mahinang tinig pero sapat lang para marinig ni Charry. "Ayos na ako sa pagiging props maker. At saka isa pa, huwag kang magsalita ng ganyan tungkol kay Jade. Ang ganda kaya niya at ang galing pa niyang umakting."
Tinanggal niya ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya. Galit niya akong pinagmasdan. Mas nagiging kamukha talaga niya si Clive kapag ginagawa niya 'yan. "Ate Kandyce, nakita mo na ba 'yang sarili mo sa salamin? Mas matangkad lang siya sa'yo pero mas maganda ka kesa sa kanya. Basta hindi ako matatahimik hangga't hindi ikaw ang gumaganap na Cinderella!"
Flattered na sana ako sa sinabi niya kung hindi lang sana siya nagtangkang magmartsa papasok sa club room para manggulo. Bago pa siya makatapak sa loob ng silid ay agad kong hinila ang damit niya kaya naman napaatras siya.
BINABASA MO ANG
Royalties and Nobilities --- COMPLETED
RomanceHave you ever dreamed of what it would be like to be a princess? To be swept off your feet and wear a crown? Well, I did back then when I was still a young, daydreaming little girl and had a simple life. Pero sabi nga nila: "Be careful for what you...