CHAPTER 34: Their Couple Game!

2.2K 56 0
                                    

KANDYCE

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" XD

Tuloy pa rin sa paghalakhak si Stelian kahit na nakaalis na kami sa planetarium at kasalukuyan nang naglalakad sa sidewalk. Kung bakit naman kasi bigla na lang umeksena itong tiyan ko. So just imagine that supposed-to-be-sweet moment wherein your stomach would suddenly take the spotlight and growl like there's no tomorrow. Kasalanan ko ba kasing hindi ako nakakain ng agahan kanina? Tapos ito namang si Stelian hindi nakatulong. Wala pa ring tigil sa pagtawa. Bakulaw talaga. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit patuloy pa rin sa pagsulyap-sulyap sa kanya yung mga babaeng nakakasalubong namin kahit na halatang wala na sa katinuan yung pinag-iinteresan nila. Pinagmasdan ko si Stelian na kasalukuyang OA pa rin sa pagtawa.

Aside from looking good with his clothes, his very dark brown hair looked like it had been purposely styled to appear a little unkempt. At yung dark brown niyang mga mata ay singkit tingnan. Hindi naman yung sobrang singkit. Yung sakto lang. Maputi siya, matangkad at may katamtamang pangangatawan. Fair enough, he looked handsome even though he's laughing out loud like he was having an asthma attack.

Naramdaman ko na namang kumalam yung tiyan ko. Buti hindi na ito ganun kalakas tulad kanina. Luminga-linga ako sa paligid at nakakita ng isang maliit na entablado sa isang parke kung saan may nagkukumpulang mga tao. May karatula rito kung saan may nakalagay na:

EATING CONTEST

Sponsored by Never Bitter–Love Always Corporation

Join the game, have fun and get the chance to win the following prizes:

1st PRIZE -> a three-day couple vacation in Paris, France with all expenses already covered.

2nd PRIZE -> a real diamond couple necklace by Never Bitter – Love Always Jewelry Shop.

3rd PRIZE -> a one day stay at the Never Bitter – Love Always Resort with your special someone with all expenses already covered.

Agad na nagningning ang mga mata ko. Special someone raw. Pwede ring special friend. Ibig sabihin, pwede kong ayain si Beth na pumunta sa resort kapag napanalunan ko yung third prize!

Napahinto ako sa paglalakad at itinuro ang parke. "Sali tayo roon!"

Si Stelian, na kasalukuayng nagpupunas ng mga luha niya mula sa pagtawa, ay napahinto rin sa paglalakad. Sinundan niya ng tingin kung saan ako nakaturo. "Ano namang meron diyan?"

I looked at him, my eyes twinkling, "free food! Tapos yung prizes!"

"Hindi ka ba mananaba diyan?"

"Walang taba-taba kapag gutom ka," I said dismissively. "Basta sasali ako diyan!"

"Ano bang gusto mo sa mga prizes na 'yan? Very affordable lang naman 'yang mga 'yan. Sa mamahaling restaurant na lang tayo kumain. Kahit magpa-set up pa ako ng romantic dinner date at ipa-reserve ang buong lugar kung gusto mo," pagmamayabang niya.

Nagsalita ang mahal na prinsipe. (=__=)

"Ayaw ko. Mas masaya kung sasali tayo diyan sa contest. Pero kung ayaw mo, okay lang. Basta sasali pa rin ako," giit ko at naglakad na patungo sa parke.

"Bahala ka. Eating contest 'yan. Huwag kang magsisisi kapag naging lumba-lumba ka sa pagsali mo diyan," pang-aasar ni Stelian pero sumunod pa rin naman siya sa akin. Naikuyom ko ang mga kamay ko. Kapag ako hindi nakapagpigil, uumbagan ko na talaga itong taong 'to!

Pagkarating namin sa bandang gilid ng entablado ay agad kaming nilapitan ng isang babaeng nakasuot ng kulay pink na uniporme. Napansin ko na tadtad ng heart-shaped design ang kasuotan niya. Maging sa buhok niya ay may headband na may heart-shaped design. She smiled at us enthusiastically, "hello, sir. Hello, ma'am. Sasali po ba kayo sa palaro namin?"

Royalties and Nobilities --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon