KANDYCE
Ito yung linggo na kahit hindi naging maganda ang simula ay naging worth it pa rin sa dulo. Masasabi ko ring ito yung linggong naging sobrang saya ko dahil sa wakas at sa kauna-unahang pagkakataon ay naka-bonding ko nang magkakasama ang itinuturing kong malalapit na mga kaibigan ko. Kaya naman napagpasyahan kong gumawa ng isang diary para lamang sa linggong ito. Pinamagatan ko itong 'Kandyce's One Week Diary'! (^_^)
~KANDYCE'S ONE WEEK DIARY BEGINS~
ENTRY #1: MONDAY...
Bangag... bangag... bangag... bangag... bangag... bangag... bangag...
Ito lang yung salitang paulit-ulit na salitang pumapasok sa isipan ko habang nakatitig lamang sa kisame pagkagising ko. Isa ang mga araw na ito na hindi ko kinailangan ang alarm clock para lang magising ng maaga. At sa totoo lang, matapos ang dalawang oras na tulog ay hindi na ulit ako inantok. Kaya kahit na alas kwatro pa lang ng madaling araw ay bumangon na ako, nagligpit ng higaan, nagmumog at nagtimpla ng kape.
Madilim pa rin nang dumungaw ako sa labas ng bintana ng silid namin ni Beth. Maging ang crescent moon ay natatanaw pa rin sa kalangitan. Gusto kong hintayin ang pagsikat ng araw kaya tumambay lang ako sa tabi ng bintana. Baka kasi mapatunayan ko na isa nga akong kaakit-akit na bampira kapag napaso ako sa sikat ng araw. Charot! It was just nice watching the sun rise from the horizon before starting the day. Habang naghihintay ay humigop muna ako ng kape mula sa tasang hawak ko.
"Whoa, ang aga mo namang nagising," tanong ni Beth na kagigising lang.
Nilingon ko siya at nginitian, "good morning, Beth."
"Good morning."
"May kape dyan sa mesa para sa'yo. Alam ko kasing sa ganitong oras ka nagigising kaya tinimplahan na rin kita."
"S-salamat," she blushed.
"Kumusta?" tanong sa akin ni Beth nang tabihan niya ako sa tapat ng bintana. Hawak niya sa parehong kamay ang mug na tinimplahan ko ng kape. Napansin ko na pinapainit niya ang mga kamay niya sa pamamagitan nito.
"Hinihintay ko lang na sumikat yung araw saka na ako maghahanda para sa eskwela."
"Um, ang ibig kong sabihin, kumusta yung date niyo ni Stelian kahapon?"
Halos masamid ako sa iniinom kong kape at bahagya pa akong napaubo-ubo. Hinimas-himas naman ni Beth ang likuran ko. I was suddenly aware of the necklace around my neck because of her question. "O-okay lang naman. Masaya rin naman siyang kasama. Pero hindi naman date yun. Well, date nga siguro pero hindi romantic date, friendly date lang."
"I see," usal niya at humigop ng kape. Nakatingin lang siya sa malayo. Halatang may iniisip. "Anong ginawa niyo sa date niyo?"
"Namasyal lang," I managed to holler casually. "Pumunta sa planetarium. Nagkwentuhan tungkol sa constellations. And then, sumali sa eating contest at nanalo ng couple necklace. Although, hindi nga lang kami couple."
Walang naging response si Beth at humigop lang muli ng kape. May iniisip talaga siya. I smiled at her teasingly. "Bakit? May nag-aya ba sayong makipag-date?"
Yung reaksyon niya? Naibuga lang naman niya lahat yung iniinom niya. Mabuti na lang at sa labas siya ng bintana nakaharap. She turned to me sheepishly, "w-w-w-wala! N-nacu-curious lang ako kung ano ang ginagawa kapag n-nakikipag-date. Um, m-mauuna na akong maligo."
And with that, she walked away. Nagkibit-balikat lang ako at muling humigop ng kape habang nakatanaw pa rin sa labas. Nagsisimula nang sumikat ang haring araw. Napangiti ako. This is the start of a new day.
BINABASA MO ANG
Royalties and Nobilities --- COMPLETED
RomanceHave you ever dreamed of what it would be like to be a princess? To be swept off your feet and wear a crown? Well, I did back then when I was still a young, daydreaming little girl and had a simple life. Pero sabi nga nila: "Be careful for what you...