CHAPTER 45: Their Dance in the Rain!

2.1K 48 0
                                    

KANDYCE

---STARE (=__=) ---

"Are you going to come with us or what?"

"Naririnig pa ba niya tayo?"

"Sa tingin ko, hindi."

"Tell her that we're going first. We don't want to be late."

---STAAAARE (=____=) ---

"Oi."

"Teddy bear."

---STAAAAAAAAAAAAAARE (==____==) ----

Someone sighed and then grabbed me by my chest from behind, pulling me to him. WATDAPAK?! Agad na naputol ang ginagawa kong pagtitig sa labas at napasulyap kay Clive.

"Anong ginagawa mo?!" asik ko.

"Stop staring at them and let them talk privately."

"Eh bakit kailangan mong hawakan yung dibdib ko?!"

"Hn. Umalis na sila."

Sinundan ko ng tingin yung tinutukoy niya. Nakalabas na nga sila Angelique, Vance at Enver sa canteen na kinaroroonan namin ni Clive. Mukhang nasobrahan nga yung ginagawa kong pagtitig kila Beth at Tiberius dahil hindi ko na namalayan ang pag-alis ng iba pang mga kasama namin. Nang patapos na kasi kaming mag-lunch kanina ay bigla na lang lumapit si Tiberius sa kinaroroonan namin at tinawag si Beth para kausapin. Siyempre nagkaroon agad kami ni Angelique ng masamang hinala sa pakay ni Tiberius at sinubukang pigilan si Beth.

Oo, wala talaga akong tiwala kay Tiberius. Binlackmail na ako nun eh at hanggang ngayon pwedeng-pwede pa rin niya itong gawin sa akin. Isa pa, hindi ba't in love yun kay Angelique? Bakit niya nilalapitan ngayon si Beth? Alam kong cute si Beth pero imposible namang naka move on na si Tiberius agad-agad.

Kinwento na sa akin ni Beth ang lahat ng pinlano niya tungkol sa naging date nila ni Tiberius at kung bakit niya ito ginawa. Ganun pa man, may napansin akong tila may nagbago sa kanya pagkatapos ng date nilang iyon. Nakakapanibago pero may napapansin na akong kakaiba kay Beth nitong mga nakaraang araw. Parang palagi siyang blooming. Ewan ba. Nang sabihin ni Beth sa amin ni Angelique kanina na magiging okay lang siya at halatang wala na talaga kaming magagawa pa para pigilan siya ay hinayaan na namin siyang sumunod kay Tiberius. Iyon nga lang ay nakasunod pa rin yung mga mata namin ni Angelique sa kanila hanggang sa tuluyan silang makalabas ng canteen.

Sinulyapan ko ulit sila Beth at Tiberius na nag-uusap sa labas ng building. Nasa second floor kasi kami at mula sa glass window ay tanaw na tanaw ko ang ginagawang pag-uusap ng dalawa sa ilalim ng isang puno. Napasimangot ako. Nang i-kwento na sa akin ni Beth ang lahat tungkol sa naging date nila ni Tiberius noong nakaraang araw ay napagkasunduan pa rin naming huwag na lang sabihin sa iba ang dahilan ng pakikipag-date niya lalo na kay Angelique. Ang kaso, hindi pa rin ako mapakali sa inaasal ni Tiberius kay Beth. Wala naman siyang masamang ginagawa sa kaibigan ko pero hindi ko maialis itong masamang pakiramdam ko na may ibang pakay si Tiberius kay Beth. Marahil ay nagiging judgmental ako pero sa palagay ko ay si Tiberius yung tipong hindi papatulan ang isang pakulo maliban na lang kung may mapapala siya rito.

Napabuntong-hininga ako. Tama si Clive. Hayaan ko na lang muna na mag-usap yung dalawa. Kailangan ko na lang magtiwala kay Beth na kaya niyang alagaan ang sarili niya. Hinarap ko si Clive na matiyagang naghihintay sa tabi ko kahit na halatang medyo nababanas na siya. Umiral na naman kasi itong pagka overprotective ko kay Beth. Hayan tuloy.

Ipinulupot ko ang kamay ko sa kamay niya. "Tara na."

Umalis na kami sa canteen upang sumunod kila Angelique. Sa royal class ang deretso nila. Samantalang sa Maid Café naman ako. Ganito na ang naging routine naming magkakaibigan sa araw-araw. Palagi kaming magkakasama na nagla-lunch. Tuwing TThS ay sa Maid Café ang tambayan nila sa tuwing break time nila sa royal class. At ngayong palapit na ulit ang midterm exam ay napagkasunduan naming magkaroon ulit ng group review tulad ng dati. Siyempre, hindi dapat pinapalampas ang ganitong mga pagkakataon lalo na at si Angelique ang palaging in-charge sa pagpoprovide ng mga makakain namin. Para-paraan lang din para naman makabawi ako sa mga sinisingil niya sa akin. Mwahahahahaha! >:)

Royalties and Nobilities --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon