CHAPTER 18: Their Suspension!

2.7K 71 0
                                    

KANDYCE

Nang magising ako ay natagpuan ko ang sarili ko sa silid namin ni Beth sa dorm. Nasilayan ko si Beth sa tabi ko na para bang nakakita siya ng multo habang nakatitig sa akin. Tinanong ko kung sino ang nagdala sa akin sa dorm. Ang sabi niya ay hindi raw niya alam. Basta nadatnan na lang daw niya akong nakahiga sa kama ko at may benda na sa ulo na siyang pinag-aala niya ng sobra. Dahil kaibigan ko naman siya, isinalaysay ko sa kanya ang buong tunay na nangyari sa akin. Nakinig naman siya sa bawat detalye ng kwento ko kahit na gabing-gabi na nang matapos ang pagsasalaysay ko. Ganun pa man, napansin kong labis siyang nakahinga ng maluwag nang kompirmahin kong hindi naman ganun kaseryoso ang natamo kong sugat. Sa huli ay sinabi niyang masaya siya at wala nang nangyari pang mas malala sa akin.

Kinabukasan ay pinatawag kaming dalawa ni Clive sa Chairman's Office. Sinabi sa amin ni chairman Snow na may ilang estudyante raw na nakasaksi sa mga pangyayari sa bugbugan peg namin. Dahil sa ginawang pag-ambush sa amin nung mga hindi naliligong drug adik, na-expelled sila sa university at nasampahan na din ng kaso lalo na at nasa legal age na sila. Kahit papaano, nakaramdam din ako ng awa para sa kanila. Pero hindi ba't sinabi naman nilang wala silang pakialam kahit ma-expell sila basta makabawi lang sila kay Clive? Well, kahit papaano nakabawi rin naman sila. Ewan na lang kung nakahanda rin silang makulong sa ginawa nila.

Pero siyempre, kami rin ni Clive may parusa. Isang nakapapanindig balahibong parusa. Isang kasumpa-sumpang parusa. Clive and I were suspended for three days. Take note: THREE DAYS!!! Hindi lang kami suspended dahil sa loob ng tatlong araw na ito ay magtatrabaho kami sa Maid Café ng walang sahod. Letse lang. Badtrip. At para mas patindihin pa ang parusa namin, kaming dalawa lang ni Clive ang magiging tagalinis ng buong Maid Café samantalang yung working students naman na may shift sa oras at araw na iyon ang taga serve ng mga pagkain sa customers.

Pero kahit na kaunti ay hindi man lang gumaan ang trabaho ko. Oo, tama. Trabaho ko. Dahil sa kinamalas-malasan ko, ako lang ang gumagawa ng lahat ng trabaho sa paglilinis. Pagwawalis, pagfo-floorwax, pag-iiscrub ng floor, paghuhugas ng mga pinggan, paglilinis sa bawat naiiwang makalat na mesa, pakshet, ako na lahat! Samantalang si Clive, sitting pretty lang sa isang customer's table habang nagbabasa ng libro na ewan. Arrrgh! He's so damn lazy! At yung kasama naman naming working students na may shift ay hinahayaan lang siya. Para ngang tuwang-tuwa pa silang nakikita lang siyang nakaupo sa isang tabi. Nakakainis! >:(

"Hoy! Ang ganda ng upo natin diyan ah! Baka gusto mong ikaw naman ang gumawa ng table set up para sa afternoon tea at nang magkaroon ka rin naman ng silbi?!" naiinis na saad ko. Gusto ko pa sanang ibato sa kanya yung pamunas na hawak ko pero mabuti na lang at napigilan ko pa ang sarili ko.

Nagsalita siya nang hindi inaalis ang tingin niya sa libro. "Why would I do that? That's not my job."

'Yan! Basahin niyo 'yang sagot niyang 'yan! Ang kapal ng mukha!

"Anong 'it's not your job, it's not your job' ka diyan?! Pangatlong araw mo na rito pero hindi mo pa rin ginagawa ang trabaho mo bilang butler ng café!"

"Whatever. I'm not going to do that stupid job," he said as he turned the page of the book he's reading.

Naihilamos ko sa mukha ko yung palad ko na agad ko ring inalis nang maalala kong pinanghawak ko pala ito ng basahan. "Argh! Bahala ka sa buhay mo!"

Napapagod na akong makipagtalo sa kanya kaya hinayaan ko na lang. Third day na namin sa trabaho at sa nakaraang dalawang araw ay naubos na talaga ang pasensiya ko sa kanya. Dibale, last day na 'to. Konting tiis na lang Kandyce. Naghugas na muna ako ng mga kamay ko saka ko inihanda yung mga kakailanganin para sa afternoon tea. Yun daw kasi ang sinabi ni Vivienne na set up namin dito sa café para mamaya. Naihanda na ng working students na may shift kanina ang lahat ng kakailanganin namin bago sila umalis. Kaso may problema. Paano ko aayusin yung set up ng afternoon tea kung hindi ko naman alam kung paano gawin yun? Waaah! Buhay! (T3T)

Royalties and Nobilities --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon