CLIVE
Damn! Sa sobrang inis ko ay lumabas na lang ako sa nakakabanas na klaseng yun. Sino ba kasi ang may gustong sumali sa pipitsuging school festival na pinag-uusapan nila? Napaka nonsense naman ng pinagkakaabalahan nilang yun. Tsk. What's so fun about this festival anyway? And why was everyone making such a stupid fuss about this stupid play? Gumagastos lang sila para sa mga walang kwentang bagay. Sinasayang nila oras nila.
"Clive," banggit ng taong nakasalubong ko sa labas ng college building.
Huminto ako sa paglalakad. "What?"
"Nabalitaan kong kasali ka pala roon sa stage play ng drama club," nakangiting saad ni Enver. Lintik! Ang bilis naman. Kalalabas ko pa lang galing sa classroom namin ah. Paano agad yun nakarating sa ibang section? Tsk. What a pain?! Ang dami na talagang mga tsismoso at tsismosa sa mundo.
"Hn," itinuloy ko na ang paglalakad ko. Napansin kong dumilim ang mukha niya. Wala akong ganang makipag-usap sa kahit na kanino. Hindi ako interesado. Hindi na rin naman nagsalita si Enver pero nang malagpasan ko na siya ay saka lang siya ulit nagtanong.
"Hanggang ngayon ba... umaasa ka pa ring babalik siya? May balak ka pa rin bang hanapin siya kahit na umalis na siya?"
Napahinto ako sa paghakbang at naikuyom ang mga palad ko na nasa bulsa ko. May ideya na ako kung saan na naman papunta ang usapang 'to. Nakakabanas talaga. "Ano bang sinasabi mo?"
"I'm talking about her. Alam kong nabago ka niya noong dumating siya sa buhay mo... sa buhay natin. Pero simula nang mawala siya, itinulak mo na rin ang lahat palayo sa'yo. Mas naging malala ka pa ngayon kesa sa noong hindi mo pa siya nakila---"
I turned and glared at him. "Ilang beses ko bang sasabihin na huwag mo na akong kakausapin?! I don't need your bitching! I don't need you nor anyone, so get lost!"
Pagkasabi ko nun ay tuluyan na akong umalis. I didn't need anyone! I was better off by myself. I was better off alone. Hindi na kailangang madamay pa ng kahit na sino sa mga problema ko. Mas maganda na 'to, yung nag-iisa lang ako. Wala akong dapat alalahanin. Walang sakit sa ulo.
Dumeretso ako sa ilalim ng malaking puno na nagsisilbing tambayan ko na rin. Madalas akong natutulog sa ilalim ng punong ito. Presko kasi dito at tahimik kaya walang aabala sa pagtulog ko. Bihira lang kasing dumaan ang mga estudyante sa lugar na ito. Isa pa, wala na rin lang naman akong balak bumalik sa klase namin. At mas lalong wala akong balak na maki-isa roon sa stupid play na yun. Naupo ako at sumandal sa puno. Inunan ko ang mga kamay ko sa likod ng ulo ko at ipinikit ang mga mata ko. Gusto ko na munang matahimik kahit sandali. Yung walang gulo, walang ingay, at walang dapat isipin.
AFTER 30 SECONDS...
Naramdaman ko na lang na tila may kumaluskos malapit sa kinaroroonan ko. Tsk. Hindi pa nakakatulog may istorbo na naman. Agad kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa harap ko ang isang nakakairitang babae. Pati ba naman dito nasundan pa rin ako ng baliw na 'to?!
"Sabi ko na nga ba at nandito ka eh!" natutuwang sabi niya. Tsk. Ang ingay!
I glared at her. Hindi na ba talaga ako titigilan ng babaeng 'to? I'd threatened her a hundred times already. Pati nga dibdib niya hinawakan ko na pero hindi pa rin siya lumalayo sa akin. Hindi ko alam kung desperada lang ba ang babaeng ito o talagang tanga lang.
"Bakit, hindi ba ako pwede rito?" banas na tanong ko.
She smiled. Tsk. That annoying smile. "Feeling ko kasi dito kita mahahanap eh."
"Ano bang kailangan mo?" iritadong tanong ko. Ilang araw nang sunod nang sunod ang babaeng ito sa akin. Katulad na lang noong huling sinundan niya ako para pabalikin sa klase namin. Ibato ba naman yung lubid sa akin para hindi ko siya matakasan? I think she was imagining herself as a stupid cowgirl that time. Kung minsan hindi talaga ako makapaniwala sa mga bagay-bagay na tumatakbo sa utak ng babaeng ito. This girl was absolutely, extremely, and seriously out of her mind! Siya lang ang taong kahit na anong gawin ko hindi ko matakot para layuan ako.
BINABASA MO ANG
Royalties and Nobilities --- COMPLETED
RomanceHave you ever dreamed of what it would be like to be a princess? To be swept off your feet and wear a crown? Well, I did back then when I was still a young, daydreaming little girl and had a simple life. Pero sabi nga nila: "Be careful for what you...