TIBERIUS
Naisa-isa ko na ang mga papeles at mga dokumento ng college students dito sa guidance office pero wala pa rin akong nahahanap na matinong impormasyon tungkol sa taong hinahanap ko. Ilang araw na akong pumupuslit sa faculty room at sa guidance office para mangalkal ng mga dokumento pero wala pa rin akong clue kung saan ko mahahanap sa paaralang ito yung taong yun. Basta ang alam kong impormasyon tungkol sa kanya ay babae siya, seventeen years old, second year college student at Adela Lockhart ang pangalan ng nanay niya.
Nagtataka siguro kayo kung sino ang taong hinahanap ko noh? Kung nagtataka man kayo o hindi, huwag kayong mag-alala. Sasabihin ko pa rin naman kung sino siya. Ang taong ito ay ang nawawalang prinsesa ng kaharian ng Ravaryn. Kung tutuusin, hindi ko naman kaano-ano ang nawawalang prinsesa na ito. Nagkataon lang kasi na malapit ang kaharian namin sa kaharian ng Ravaryn. Isang araw, nagising na lang ako na may tungkulin na akong hanapin ang nawawalang prinsesa. Pinakiusapan kasi ako ni lolo o kilala bilang hari ng Ravaryn na tulungan ko raw siyang hanapin ang apo niyang matagal nang nawawala. Bakit sa akin niya pinapahanap? Bukod kasi sa malapit na rin ang pamilya namin sa isa't isa, nakakuha sila ng impormasyon na dito raw sa Royal University kasalukuyang nag-aaral ang babaeng hinahanap nila. Hayun nga at nagbigay sila sa akin ng ilang impormasyon na makakatulong para mahanap ko ang taong ito. Pero hindi naman nila alam ang pangalan ng taong ito tapos wala pang picture na ibinigay kaya maging sila ay walang clue kung anong itsura nung nawawalang prinsesa. Hindi ko tuloy alam kung mukhang tao ba yung hinahanap ko o mukhang orangutan.
Lumabas na ako mula sa guidance office. Mabuti na lang at walang tao dito ngayon. Nang ligtas akong nakalabas ng building ay nakasalubong ko naman sa daan yung dalawang tukmol na kaibigan ko. They both grinned when they saw me. Akala mo mga holdaper lang na nakasalubong mo sa isang iskinita at binabalak kang holdapin.
"Uy, Tib! Kumusta? May nahanap ka na bang impormasyon tungkol sa babaeng hinahanap mo?" tanong ni Stelian.
"Wala pa. Hindi ko nga alam kung dito ba talaga nag-aaral yun o hindi."
"Sabi ko naman sa'yo na gamitin mo na lang yung announcer para itanong sa buong university natin kung sino yung may nanay na ang pangalan ay Rodela Luckyfart," saad naman ni Coby. Bigla siyang binatukan ni Stelian.
---!WAPAK!---
"Adela Lockhart! Ulol na tanga 'to! At saka sinabi na nga ni Tib na hindi pwedeng ipaalam sa iba yung tungkol sa nawawalang prinsesa ng Ravaryn, 'di ba? Maglinis ka nga ng tenga mo!"
"Makapagsalita ka naman. Ulol na nga, tanga pa?" reklamo ni Coby. Pero bumaling ulit siya sa akin ng may seryosong ekspresyon. "Hindi kaya patay na yung hinahanap mo?"
Ako -> (=_=)
---!WAPAK!---
Ako na ang bumatok sa kanya sa pagkakataong ito. Siraulo eh. "Anong patay?! Utak manok ka talaga! Noong isang taon lang nilang nabalitaan na dito na raw siya nag-aaral tapos biglang patay na?! Yung nanay niya ang patay na pero hindi yung prinsesa!"
"Makabatok ka naman. Malay mo naman. Sa loob ng isang taon na yun marami naman ang pwedeng mangyari ah," wika ni Coby habang hinihimas ang ulo niya. "Maaalog utak ko sa inyo eh."
"Huwag kang mag-alala, wala ka namang utak eh," wika ni Stelian.
Wagas lang talaga kaming makapang-insulto sa isa't isa. Yung tipong tagos sa kaluluwa yung mga salita. Tapos ang bu-brutal pa. Pero masanay na kayo. Ganyan kami maglambingan na tatlo. Pinaka madalas ngang nalalambing sa amin si Coby eh. Halata naman, 'di ba? Kung tungkol naman sa nawawalang prinsesa ang pag-uusapan, hindi iyon pwedeng ipaalam sa iba dahil magkakagulo lang. Bakit? Maraming mga balasubas na nilalang sa tabi-tabi. Yung iba magpapanggap pa na sila ang nawawalang prinsesa kahit hindi naman talaga sila ang taong yun. Kaya para maiwasan ang ganung mga pangyayari, binalaan ako ng hari ng Ravaryn na ilihim ko na lang muna ang tungkol sa usaping ito. Pero siyempre, sinabi ko pa rin ang tungkol dito sa mga kaibigan ko. Mga tsismoso 'yang mga 'yan eh. Malalaman at malalaman din lang nila ang hidden agenda ko maliban na lang ang tungkol sa ibang mga kalokohan ko. >:)
BINABASA MO ANG
Royalties and Nobilities --- COMPLETED
RomanceHave you ever dreamed of what it would be like to be a princess? To be swept off your feet and wear a crown? Well, I did back then when I was still a young, daydreaming little girl and had a simple life. Pero sabi nga nila: "Be careful for what you...