Chapter 4: First Day of School

64 0 0
                                    

New semester, new classmates, meaning new friends and acquaintances. Diba masaya kapag first day of school? Kasi halos di mo pa kilala lahat ng classmates mo. Pwede ka gumawa ng bagong image mo at syempre pwede ka makahanap ng bagong inspirasyon mo para sa mga susunod na buwan para sa semester na iyon. Habang ang iba ay natatakot sa unang araw ng klase dahil sa wala silang kakilala at pakiramdam nila OP (Out of Place) sila sa klase lalo na kung wala man lang silang makausap.

Unang araw iyon ng klase, usapan nina Cheche at Khei na sabay sila papasok sa una nilang subject para sa araw na iyon dahil classmates sila. Maagang dumating ng school si Cheche, at dumeretso agad siya sa room nila. Pagkadating niya doon halos wala pang tao at 2 lalake pa lamang ang nandoon. Medyo nag-alangan si Cheche pumasok kaya naisip niya na manatili na lamang sa labas ng room at sa hallway mag-antay.

15 minuto na ang lumipas, wala pa ding ibang pumapasok sa room. Medyo napapagod na si Cheche tumayo sa labas kaya tinawagan na niya si Khei. Sakto naman na nasa school na si Khei ng tinawagan niya ito. Naglalakad na si Khei sa gitna ng quadrangle ng campus ng tumawag si Cheche, nakita ni Khei si Cheche na nasa hallway ng second floor ng building kung saan ang classroom nila. Natatawa si Khei kay Cheche dahil makikita sa mukha nito na aborido na at medyo naiinis. Sa likod dumaan si Khei para hindi siya makita ni Cheche at dahan dahan siyang lumapit dito para gulatin. Napamura si Cheche sa gulat, at tawa naman ng tawa si Khei sa naging reaction ni Cheche.

“Walang hiya ka! Kanina pa ako nag-aantay dito sa labas ng room eh.”  Sabi ni Cheche kay Khei ng may tonong naiinis.

Tawa ng tawa si Khei sabay sabi ng “Bakit kasi hindi ka pumasok? May prof na ba? Late ba ako?” tanong niya.

“Wala pa. Konti nga lang estudyante eh. Natatakot kasi ako eh, puro lalake mahirap na.” sagot ni Cheche.

Napataas ng kilay si Khei at sabay sabi ng “Ah, FEELING KA NAMAN?!”sabay tawa, biglang minura ni Cheche si Khei at dinig na dinig ito sa hallway.

“Oi! Mahiya ka naman, eskandalosa ito. Wala pa yung prof? Mamaya dadating na iyon, dumating na ako eh.” Sabi ni Khei habang medyo natatawa dahil sa itsura ni Cheche.

“Sira ulo ka kasi eh! Aba talagang ikaw ang inantay bago dumating?” sabi ni Cheche.

Maya maya pa ay dumating na nga ang professor nila para sa class na iyon. Halos lahat ng classmates nila ay lalake.

Hindi nila kaklase ngayon ang mga kaparehas nila ng course dahil sinadya nila na magpaOpen section para iba’t iba ang kanilang magiging classmates sa pagbabakasakali na maging classmate nila si Kuyang Buko.

Sa subject nilang iyon, sila Cheche at Khei lang ang babae. Halos lahat tinatanong sila bakit sila napasama sa class na iyon, bakit hindi sila kasama doon sa mga kaparehas nila ng kurso. Parang celebrity tuloy ang dalawa dahil lahat ng atensyon ay nasa kanila.

“Ano ba naman iyong mga iyon? Parang mga reporter ah, daming tanong” wika ni Cheche, natawa si Khei sa isip-isip niya, ganoon naman talaga parati ang reaksyon ng mga kaklase nila. Parating pinagkakaguluhan si Cheche dahil sa may itsura naman talaga ito, at mahilig pa maglagay ng kolorete sa mukha.

“What’s new? Diba dati pag sit in ka sa math class ko eh ganyan din? Yung mga classmates kong lalake nagkakagulo sayo. Akala mo first time makakita ng babae eh” sabi ni Khei, natawa na lamang si Cheche.

Dumating na ang oras para ikalawang class nina Cheche at Khei para sa araw na iyon. Sa pagkakataong iyon hindi sila magkaklase dahil naubusan ng slots si Cheche sa class na iyon kaya hindi sila magkaklase ni Khei. Naghiwalay na ang dalawa upang pumunta sa kanilang mga klase.

Pumasok na si Khei sa kanyang classroom, sa dulo siya agad umupo. Maya-maya pa nagdatingnan na ang mga iba pang estudyante at pati ang professor nila. Nagpapakilala na ang bawat isa ng may biglang isang lalake na humabol sa klase. Pagkapasok nito agad itong tinanong ng prof kung sino siya at bakit siya nahuli. Nagtetext noon si Khei ng bigla siyang mapatingin sa harap niya at nakita niya ang bagong dating na estudyante.

Medyo cute ang bagong dating na estudyante, may kataasan at matangos ang ilong. Na-attract si Khei sa bagong dating na estudyante medyo hawig din kasi ito ng sikat na teenage actor kaya naman parang naging crush ito ni Khei.

Pagkatapos ng klase niya, nagkita ulit sila ni Cheche. Nakwento ni Khei kay Cheche ang tungkol sa bago niyang kaklase. Medyo naintriga si Cheche dito, kaya medyo inasar niya si Khei doon sa lalakeng iyon.

Lumipas ang ilang araw, may nakita si Cheche na kahawig ng sikat na teenage actor sa kanilang campus. Kwenento niya ito kay Khei, at medyo naintriga si Khei sa tinutukoy ni Cheche dahil parang iyon ang kanyang kaklase.

“Ano alam mo na ba ang pangalan nung classmate mo?” tanong ni Cheche kay Khei.

“Oo naman, ako pa!” sagot ni Khei na may kasamang pagyayabang.

“Paano mo naman nalaman?” tanong ni Cheche na may kasamang pagdududa.

“Kasi may seat plan kami diba? Eh nakalagay dun yung mga names namen, ayon habang nagsusulat ako sa attendance sheet tiningnan ko na din.” Sagot ni Khei, sabay tawa.

“Naku! Ikaw talaga! Ano pangalan?” tanong ni Cheche na may kasamang pananabik.

“Mickey!” sagot ni Khei.

“Ano Mickey Mouse?” sabi ni Cheche na may halong pang-aasar.

“Hindi! Yun talaga name niya Mickey Alcantara, bakit hahanapin mo sa facebook nuh? Ikaw ah! Kanina ka pa eh, parang excited na excited ka malaman pangalan niya” sagot ni Khei

Natawa na lamang si Cheche sa sinabi ni Khei. Hinanap nga ni Cheche si Mickey si facebook pero hindi naman niya ito inAdd dahil gusto niya si Mickey ang magAdd sa kanya, lingid sa kaalaman ni Cheche, hinanap din pala ito ni Khei sa facebook pero hindi din niya ito inAdd dahil unang una di naman sila nagpapansinan sa classroom kahit magClassmates pa sila, baka kasi kung ano pa ang isipin nito sa kanya.

----------------

Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23

Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com

Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart

Small WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon