“I just realized that I’m starting to need you more and more each day.”
Nabasa ni Khei sa public status ni Jayvee sa facebook, naisip niya na mukhang mahal na mahal ni Jayvee ang girlfriend niya na si Selena. Sino ba naman kasing hindi magmamahal kay Selena, bukod sa maganda, anak mayaman pa at bali-balita na matalino din ito. Kung iisipin perfect match sila ni Jayvee, parehas matalino at parehas may kaya sa buhay. Nakita ni Khei kung saan nag-aral itong si Jayvee, at sa kanyang pagre-research nalaman niya na ang may-ari ng school na pinag-aralan ni Jayvee noong high school ito ay kaapelido ni Jayvee, si Juanito Santillan-Lorenzo , naisip ni Khei na baka Lolo ito ni Jayvee. Kung nagkataong apo nga si Jayvee ng may-ari ng school na pinag-aralan niya tunay na bagay ang dalawa, parehas anak ng mga may-ari ng mga school.
Doon naRealize ni Khei na si Jayvee isa lang siguro ito sa mga taong dadaan lang sa buhay niya. Maaring medyo kakaiba ang istorya nilang dalawa, mula sa mutual friends, hanggang sa naging magkatrabaho at napag-alamang siya din ang lalake na madalas niya nakakasabay kumain sa isang fast food chain. Naisip niya na baka nagkataon lang ang lahat, noong una naman talaga kaya lang hindi mawala sa isip niya si Jayvee ay dahil sa nalaman niya na ito yung lalakeng gusto niya i-add, hanggang sa nagtagal humanga na din siya dito. Nahirapan man siyang aminin sa sarili niya na crush niya ito si Jayvee, pero yun talaga ang totoo, crush na niya ito. Pero sa kabila noon, pilit pa din niyang kinukumbinse ang sarili niya na ang nararamdaman niya sa kanya ay crush na paghanga lamang at hindi yung crush na pwedeng mauwi sa love.
Kung iisipin nga naman kasi, bakit mo hahayaan mahulog ang sarili mo sa taong alam mo namang kahit kalian hindi maaring maging sayo. Sasaktan mo lang ang sarili mo kapag hinayaan mo na mahulog ka sa taong hindi mapapasayo, kaya mabuti na sa una pa lang ay lagyan mo na ng hangganan ang maari mong maramdaman para sa isang taong hinding hindi mapapasayo kailanman para hindi ka na masaktan pa.
(RING RING)
Tumunog ang cellphone ni Khei, nakatingin siya noon sa profile ni Jayvee, agad niyang sinagot ang cellhone niya.
“Khei, I need you to do me a favor…” sabi ni Ryan.
Si Ryan Bartolome, ang childhood friend ni Khei. Ever since noong mga bata pa sila ay classmates na sila mula noong elementary hanggang sa magHigh school sila. Si Khei ang tagapagtanggol ni Ryan, medyo duwag kasi itong si Ryan at madalas inaasar na bakla kahit hindi naman totoo, sadyang hindi lang palaaway ito si Ryan. Madalas pinagtatanggol siya ni Khei, dahil hindi ito nagpapa-api at madalas siya pa nga ang nang-aapi, may pagka-maldita kasi itong si Khei noong kabataan niya, kaya naman walang nagtatangkang umaway sa kanya.
“What is it? Tell me quick, I’m busy”sabi ni Khei, sabay scroll sa FB page ni Jayvee.
“Gawan mo ako ng i-recite ko sa recital namin
this coming week… Magaling ka diyan eh kaya sana tulungan mo ako.” Sabi ni Ryan.
Isa si Khei sa mga kilalang contributors ng school magazine nila noong highschool pa ito, madalas siyang may article sa magazine nila at column sa literature part ng Mag nila. Kadalasan nga lang ang mga gawa ni Khei, ay pang Broken hearted, may pagka emo kasi itong si Khei. Noong mga panahong iyon kasi may pinagdadaanan siya, kaya naman puro pangmalulungkot ang gawa niya.
“Okay, ano ba ang kailangan mo?
Love, friendship? Sabihin mo lahat ng pwede at hindi pwede.” Sabi ni Khei.
“Free verse naman ito, kaya bahala ka na, basta gawan mo ako.
May mai-Recite lang ako yun ang mahalaga.
BINABASA MO ANG
Small World
ChickLitIt's about two persons who already met. And had a chance to meet each other again for a second time. Destiny? Fate? Find out!. Written by: Kristine Mae B. All rights reserved. 2013. This story was inspired by a true story, pero syempre some parts of...