Chapter 43: Sira Na!

23 0 0
                                    

Mula nung gabi na nagtapat si Jayvee kay Khei, hindi na pumasok itong si Khei sa duty niya sa ospital. Mag-iisang linggo na din itong hindi pumapasok, kaya naman nag-aalala na si Jayvee. He tried to contact her through facebook pero ni hindi ito nagrereply sa messages niya, sa phone naman parating can not be reached. Naisip ni Jayvee, na iniiwasan na siya ni Khei, at mukhang hindi ata nito nagustuhan ang ginawa niya. All this time, akala niya pag nagtapat siya kay Khei magiging mas okay sila. Doon niya naisip na baka hindi siya gusto ni Khei, siya lang ang nag-assume na gusto din siya nito. Mas lalo niyang napagtigbay iyong mga hinala niya ng marinig niya sina Nate na nag-uusap na nakita daw nila si Khei na may kasamang lalake noong nakaraan sa isang restaurant at masaya ito habang kasama nitong nakain ang lalake.

“Sayang naman yung efforts na ginawa ni Jayvee ano?” sabi nI Nate, at tumango si Emmet.

“Akala pa nga ni Jayvee may gusto din ako kay Khei eh, kaibigan ko lang naman yun” sabi ni Daniel.

Dahil sa mga narinig ni Jayvee, lalo siyang nawalan ng pag-asa kay Khei. Pakiramdam niya kasi sinira niya yung natitira na maayos sa kanilang dalawa. Mula kasi nung nag-inuman sila kasama sina Nate, nagsimula na itong umiwas sa kaniya, at dahil sa nangyari mas lalo pa itong umiwas sa kaniya. At ngayon, napapabayaan na ni Khei yung internship niya dahil sa mga nangyari. Pakiramdam niya, hindi na maibabalik pa ang samahang nawala sa kanilang dalawa.

“You make me happy, you are my happiness.

You are the reason why I keep on smiling

even though I’m not the reason of your happiness.

I’m still happy for you, for your happiness is also mine”

Status post ni Jayvee sa facebook, nang mabasa ito ni Khei napaisip siya bigla.

“Is he referring to me? Why does he think na I’m happy na with someone else?

If he only knew, he’s my happiness.”

Halos mag-iisang linggo na hindi napasok sa duty niya sa ospital itong si Khei, gayon din sa kanyang class sa school, kaya naman nag-aalala na yung mga kaibigan niya sa kaniya dahil hindi din siya maContact. Kaya sa pagbukas ni Khei ng cellphone niya at ng facebook account niya, nagulat siya sa dami ng messages sa kaniya at pinaghahanap na siya ng mga ito, kaya naman naisp niya na mabuting pumasok na siya. Wala naman kasing mangyayari kung magtatago lang siya sa lahat pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Jayvee. Ang totoo natatakot siya, dahil hindi niya alam kung paano niya haharapin itong si Jayvee pagkatapos ng lahat, pagkatapos niyang bigla na lang itong iwan.

Pagkapasok ni Khei sa ospital ng makita siya ng mga kasamahan niya, agad siyang binati ng mga ito, nginitian lang niya silang lahat at pumunta agad sa tapat ng locker niya. Tahimik lang si Khei at hindi nagsasalita di tulad ng dati, medyo nanibago tuloy sa kaniya ang mga kasamahan niya. Sina Nate, Emmet at iba pa nilang mga kasamahan na nakakaalam ng nangyari sa kanila ni Jayvee nung valentines ay hindi na nagtataka sa biglang pagbabago nitong ni Khei, pero yung iba na walang alam, nagtataka sila sa mga kilos nitong si Khei.

Naglalakad noon si Khei papunta sa hospital canteen dahil break time na nila kakain sila doon ng mga kasama niya, ng bigla siyang napatingin sa bukas na pinto, ito ang pinto ng stock room. Pagkatingin niya doon may lalake na papalabas sa stock room, sa tingin niya kilala niya ito kaya naman habang naglalakad siya nakatingin lang siya doon sa lalake na palabas, pagharap ng lalake, sinara niya ang pinto at napatingin sa direksyon ni Khei, pagkakita ni Khei na nakatingin sa kanya ang lalake na parang gulat na gulat, nabigla din siya dahil si Jayvee ito. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ni Jayvee ng makita siya, siguro hindi nito inaasahan na papasok na siya kaya naman parang gulat na gulat ito ng makita siya.

Small WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon