Chapter 11: The issue

45 0 0
                                    

Ilang buwan na din si Rye at ang kaniyang di inaasahang girlfriend na si Mye. Hindi alam ni Rye kung ano ba ang dapat niya iregalo sa monthsary nila kaya naman naisipan niya tawagan si Khei para magtanong ng magandang regalo.

“Regalo? Sino may birthday?” tanong ni Khei

“Wala, para sa monthsary namin toh…” sabi ni Rye.

“Monthsary? May Boyfriend ka ba?” tanong ni Khei.

“Ano ka ba?! Nakalimutan mo na ba?” sabi ni Rye

“Kayo pa rin? Akala ko ba hihiwalayan mo?

Tapos ngayon may paMonthsary pa kayong nalalaman??

Kelan ba?” tanong ni Khei, sabay tawa.

“sa 15 … Wala eh, di ko kaya eh..” sabi ni Rye.

“Di mo kaya? O ayaw mo na pakawalan kasi SAYANG?

15? Naks.. eh di sa birthday ng ex mo, monthsary nyo?!” sabi ni Khei na may halong pang-aasar.

“Haha! Sayang ka diyan! Pero oo …

15? Ay oo nga nuh … Birthday niya nun …

Alam na alam ah …. Ano di pa din nakaka move on?” sabi ni Rye.

“Ex mo nga diba? Tapos ako di makaMove on???!

Baka ikaw ang di maka move on kaya

ginamit mo yang assuming mong classmate para makalimot ka…” sabi ni Khei, natahimik bigla si Rye.

“Heh! Omar ka lang diyan …” pang-aasar ni Rye, Omar ang pangalan ng dati nilang crush ni Khei nung high school pa lamang sila.

“Maiba lang ako. Alam na ba nila Tita yan?”  tanong ni Khei na may halong pag-aalala.

“Syempre …

HINDI! Eh di nabugbog ako ng tatay ko…” sabi ni Rye, sabay tawa.

“Walang sekretong di nabubunyag….

Di ka ba natatakot, na baka malaman nila yan?

Kung di man, paano sa school niyo? Lagot kayo pag nalaman yang relasyon niyo…

Issue yan sigurado…” sabi ni Khei.

“Natatakot, pero ayaw ko na isipin.

Ang mahalaga kami, yun lang ….

Eh di malaman nila, wala akong paki. Pero syempre

nakakatakot kapag kumalat yung tungkol samin sa school,

pag-uusapan kami at pwede pang mapatawan kami ng disciplinary action….” Sabi ni Rye, ng may halong pag-aalala.

“Sabi na kasi sayo eh. Tapusin nyo na yang kalokohan nyo….

Kasi matatapos din naman yan. Ikaw na mismo nagsabi dati….

Small WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon