Chapter 34: The Document

17 0 0
                                    

Papauwi na noon si Khei  ng bigla niyang nakasalubong si Johanne, sinabihan siya nito na kailangan pa niyang mag-stay para makuha ang isang document na kakailanganin nila ipasa sa kanilang mga paaralan. Nagmamadali siya noon kaya naman ayaw na niya itong antayin ngunit kailangan daw ito, nais na sana kausapin ni Khei ang taong magbibigay ng document na iyon sa kanila ng malaman nitong si Jayvee pala ang dapat niya kausapin dahil doon ito binilin ng head nila sa intern. Lalo tuloy ginusto ni Khei na umalis na lang, ng paalis na siya bigla niyang nakasalubong itong si Jayvee, at naisip niya na kausapin na lang ito upang matapos na ang lahat. Nang magkasalubong ang dalawa, tinawag ni Khei si Jayvee sa pangalan nito ngunit hindi siya nito pinansin ng makatatlong tawag si Khei saka lang siya nito pinansin. Medyo nainis si Khei noon dahil halata naman na ayaw lang siya nito pansinin ni Jayvee, nanadya talaga.

“Pwede na ba makuha yung document na iniwan sayo ng head?” tanong ni Khei.

“Uhm, mamaya na may ginagawa pa kasi ako ….” Sagot ni Jayvee

“Anong oras?”  tanong ni Khei.

“Mga 8” sagot ni Jayvee, bigla naman napasimangot si Khei dahil may lakad siya ng ganoong oras.

Natawa si Jayvee sa itsura ni Khei dahil halatang nadismaya ito sa oras na pwede niyang makuha ang document na kailangan niya.

“Wala eh, busy pa kasi ako. Antayin mo na lang, kesa naman ipagpabukas mo pa.

Bukas kasi mangagaling pa ako sa Med school ko kaya mas matatagalan.” Sabi ni Jayvee.

Tumango na lang si Khei, at medyo nagtaka kay Jayvee, mesyado kasi makapag-explain talagang complete details, pwede namang sabihin na antayin na lang niya ngayon dahil bukas hindi siya agad makakarating dito. Napilitan mag-antay si Khei hanggang sa oras na itinakda ni Jayvee, may lakad talaga noon si Khei pero dahil sa document na kailangan niya kunin, nag-intay na lang siya.

Pagkadating ng takdang oras agad na pumunta si Khei kay Jayvee, at agad naman siya nitong inasikaso.

Naunang pumasok sa loob ng office itong si Jayvee at sumunod itong si Khei, halata kay Jayvee na nagmamadali ito, habang si Khei naman ay tingin ng tingin sa orasan, dahil alam niyang hinihintay na siya ng mga kaibigan niya meeting place nila.

“Parati ka kasing nagmamadali eh…” sabi ni Jayvee, habang nakatingin kay Khei.

“Eh, kasi may lakad ako…” sagot ni Khei.

“Ano date? Date ba yan?” tanong ni Jayvee habang hinahanap ang mga kailangan na document.

Medyo nagtaka si Khei sa tanong nitong si Jayvee, doon niya naisip na baka iniisip nito na boyfriend nga niya talaga si Jaydee.

“Hindi, lakad ng barkada toh” sagot ni Khei

“Asus! Makikipagdate ka lang eh … Inuuna mo pa yan kaysa dito …

Ano ba kasi yang lakad mo?” pag-uusisa ni Jayvee.

Gusto na sanang sabihin ni Khei na, “Date? Eh wala ngang boyfriend.”

Saka grabe na itong si Jayvee, talagang pilit na inaalam kung saan siya pupunta.

“Minsan lang naman toh eh…” sagot ni Khei, umiling-iling si Jayvee.

“Sino ba ikakasal?” tanong ni Jayvee habang titig na titig kay Khei at nag-aayos ng damit niya saka ulit naghanap ng document.

Small WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon