Chapter 47: Why Can't It Be?

18 0 0
                                    

Pagkauwi  ni Jayvee, agad niyang tinawagan si Khei at sinagot naman nito ang tawag niya.

“Jayvee, what’s wrong? It’s already 12mn” sabi ni Khei, huminga ng malalim si Jayvee.

“What’s wrong agad? Hindi ko ba pwede tawagan ang girlfriend ko

dahil gusto ko lang marinig ang boses mo?” sabi ni Jayvee, napangiti si Khei sa sinabi ni Jayvee.

“G-I-R-L-F-R-I-E-N-D??? ” Sabi ni Khei, alam naman niya kasi ang totoo iniintay lang niya na magsabi itong si Jayvee tungkol sa problema niya.

“Ikaw talaga oh, girlfriend, as in kaibigang babae. Khei, kahit hindi tayo,

Kahit walang official label sa ating dalawa. No matter what happens.

Always remember this, I love you till the end of the world.” Sabi ni Jayvee, na seryosong seryoso.

“Ang drama mo! Alam mo naman ang rason

Kung bakit hindi pwede maging tayo diba?”  sabi ni Khei sabay tawa.

“I’m serious, we all know that the world will never end

So does my love for you” sabi ni Jayvee, kinilig si Khei sa sinabi niya pero napaisip siya.

“Really? No matter what?” tanong ni Khei na may halong lambing.

“Yes, my love for you will never end.

Di man tayo magkasama, patuloy pa din kitang mamahalin” sabi ni Jayvee, sabay biglang naputol ang linya.

Nagulat si Khei, sinubukan niyang i-call back si Jayvee pero hindi na niya ito maContact kaya naman nag-alala siya. Kinabukasan pagpasok ni Khei sa kaniyang eskwelahan, nagulat siya dahil nandoon si Jayvee. Kakapasok pa lang niya noon sa building kung saan ang klase niya ng makita niyang nakatayo si Jayvee sa gitna ng corridor na may dalang 3 ballons na color red at isang red rose na hawak nito sa kanang kamay niya. Unti-unti siya nilapitan nitong si Jayvee, at naguguluhan si Khei sa mga nangyayari, habang papalapit ito sa kaniya sinabi niya:

“Jayvee? Anong pakulo na naman ito?” tanong ni Khei.

Patuloy lang ang paglalakad ni Jayvee papalapit sa kaniya habang nakatitig sa kaniyang mga mata, unti-unti na dumadami ang taong napapatigil para panoorin kung anong mangyayari sa kanila. Pagkalapit ni Jayvee kay Khei agad niyang sinabi:

“Khei, you know that I love you. And I know that you love me too.

Why can’t it be the two of us?” tanong ni Jayvee, napalunok bigla si Khei.

“Jayvee, please stop this. Nakakahiya na, ang daming tao” sabi ni Khei, at bigla siyang inakap ni Jayvee.

Nabitawan na ni Jayvee ang mga lobo at lumipad ito at nahulog naman ang bulaklak na hawak niya, habang akap si Khei sinabi niya:

“Khei, hahayaan mo ba na mawala ako katulad ng lobo na iyon?

Kahit kailan hindi mo na pwedeng mapasakamay pa ulit dahil tuluyan na akong lumayo sayo?

At tatanawin mo na lang ako mula sa malayo?”

“Jayvee, ano na naman bang kaDramahan ito?

Nag-usap na tayo diba?”

Lalong humigpit ang pagkaka-akap ni Jayvee sa kaniya, at dahil nagsisimula ng mahirapan huminga si Khei sa higpit ng pagkaka-akap nito sa kaniya, unti-unti siyang kumawala dito.

“Jayvee, I don’t want to lose you in my life.

To be honest, I’d be the most happiest girl on earth

kapag naging tayo, kung pwede lang sana talaga eh”

Napaisip si Jayvee sa sinabi ni Khei, at nagtataka bakit ganoon ang sinabi nito.

“Pwede naman maging tayo ah? Ikaw lang naman itong ayaw.

Bakit ba Khei? Maliban dun sa ayaw mo ng pressure? Ano pa?

Meron pa bang ibang dahilan?” tanong ni Jayvee

“Oo pwede naman talaga maging tayo eh.

Pero sino ba namang tao ang makukuhang maging masaya

gayong alam niyang may nasasaktan dahil sa pagmamahalan nila ng taong mahal niya.” Sabi ni Khei.

“So you knew?” tanong ni Jayvee, at tumango si Khei na medyo naluluha na.

“Pero diba hindi naman ata tama na isakripisyo ang kaligayahan natin para sa kaligayahan ng isang taong obsessed” sabi ni Jayvee, sabay hawak sa kamay ni Khei

“Will I choose to be with you in the FUTURE and risk your FUTURE

Or I’ll choose to be all by myself in the future to ensure your future?”  sabi ni Khei.

“What are you talking about?” nagtatakang tanong ni Jayvee

“Jayvee, alam naman natin kung gaano kalakas ang impluwensya

ng pamilya ng ex-girlfriend mo. Hindi ka ba nag-aalala para sa sarili mo?

Pwede nilang sirain ang career mo? At ayoko mangyari yun, ayoko

masira ang lahat ng pinaghirapan mo para maabot kung nasan ka ngayon” sabi ni Khei

“Do you see me in your future?” tanong bigla Jayvee. Napapikit si Khei.

“Hmm, all I can see is you and me together forever” sabi ni Khei sa isip niya, pero hindi niya sinagot ang tanong ni Jayvee, at dinilat na niya ang kaniyang mga mata.

“I won’t let you na mawala ka sa buhay ko” sabi ni Jayvee, sabay ngisi, umiling lang si Khei.

Pagkatapos ng lahat ng nangyari lumabas silang dalawa, para naman mag unwhine. Kumain sila sa isang magarang restaurant at pumunta sa isang park at sumakay sa mga rides nito, nagpakasaya silang dalawa ng husto at nanuod ng fireworks display. So far, ito na ang pinakamasayang paglabas nila ni Jayvee at Khei. Kahit papano nakalimutan nila ang mga sitwasyong kinalalagyan nila, basta magkasama silang dalawa ay masaya na sila.

Ang hirap kapag mahal mo yung tao at mahal ka din ng tao, pero kahit anong mangyari ay hindi maaring maging kayo dahil may taong masasaktan dahil sa pagmamahalan niyo.  Ang sitwayon nina Khei at Jayvee ay napakahirap, parehas nilang mahal ang isa’t isa at halos parang magBoyfriend at magGirlfriend na nga sila kung magtratuhan label na lang ang kilang, pero hindi nila magawang gawing official ito dahil kay Selena, na sobrang obsessed.

-------------------------

Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23

Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com

Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart

Small WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon