Chapter 26: Crazy For You

51 0 0
                                    

Matutulog na sana si Khei noon, pero hindi mawala sa isip niya ang nangyari kanina sa restobar. Parang hindi mawala sa isipan niya ang ala-ala ng boses ni Jayvee habang nakanta kaya naman hindi siya makatulog. Makalipas ang isang oras, bumangon na si Khei sa higaan niya at binuksan ang kanyang laptop. Pagkabukas niya dito, agad siyang nagOnline sa facebook at pumunta sa profile nitong si Jayvee.

Pagkaload ng page, agad niyang nakita ang bagong public post sa page nito at nakita niya ang isang tagged video. Agad niya itong pinanuod at ang video na iyon ay yung performance ni Jayvee sa restobar kanina lang. Habang pinapanood niya ang video, bigla siyang napaisip.

“Shit… Nakaka-inlove nga yung boses niya…

Parang ….” Hindi matuloy ni Khei ang gusto niyang sabihin.

Medyo napapangiti si Khei, habang pinapanood niya ang video. Wala kasi sa itsura nitong si Jayvee na marunong kumakanta. Bigla niya tuloy naalala nung minsang nag-uusap sila nina Nate at Emmet tungkol sa pagkanta.

(Flashback)

Papauwi na sila noon sa duty, at nag-aayos na lamang ng mga gamit bago umuwi.

“Ano na kalian tayo magRecording?” tanong ni Khei, habang nag-aayos ng mga gamit niya.

“Wala pang kakanta eh…” sabi ni Nate, sabay tingin kay Emmet.

“Alangan naman ako? Ayoko nga nuh….

Di kagandahan ang boses ko eh.” Sabi ni Emmet, sabay tingin kay Khei.

“Ikaw na lang Khei, para naman toh sa birthday ni Johanne eh…

Kaw na lang singer…” sabi ni  Nate, sabay napalunok si Khei.

“Ako? Wala akong future sa ganyan nuh.

Musician lang ako, hindi ako singer…

I don’t know how to sing…” sabi ni Khei, habang umiiling-iling.

Nasa isang sulok noon si Jayvee, at may sinusulat nang biglang napaangat ang ulo at napatingin kay Khei ng magsabi itong musician lang siya, mapapansin mo sa facial expression ng mukha ni Jayvee na parang nagulat ito sa nadinig niya. Napansin ni Khei na nakatingin itong si Jayvee sa kaniya, at parang gustong magsalita pero hindi na tinuloy at nagsulat na lamang ulit.

(Back to present)

Doon naisip ni Khei na baka kaya napatingin itong si Jayvee noong mga panahong iyon dahil sa marunong itong kumanta at maaari sila nitong matulungan. Nagtataka nga lang itong si Khei kay Jayvee,  dahil madalas napapansin niya na may gusto itong sabihin pero madalas din hindi ito nagsasalita. Hanggang ngayon palaisipan kay Khei kung bakit kaya.

“Khei! Ang aga natin ngayon ah?” sabi ni Telay, habang papalapit kay Khei.

“Ganoon talaga.. Ano tambay ulit sa canteen?” tanong ni Khei, na napakaganda ng mood.

Habang nasa canteen, at inaantay sina Pau, napansin nitong si Telay na parang ang saya-saya nitong si Khei, kaya naman hindi na niya napigilang magtanong.

“Bakit parang napakasaya mo ngayon? Ano nangyare?” maintrigang tanong ni Telay kay Khei.

Napangiti lamang itong si Khei, at tinanggal ang headset niya at ipinasuot kay Telay.

“Pakinggan mo…” sabi ni Khei, at pinakinggan ni Telay.

“Maganda yung song, live performance ng anong banda ito?” tanong ni Telay.

“May tanong ako..” sabi ni Khei.

“Ano?” tanong ni Telay, sabay lapag ng headset ni Khei sa lamesa.

“Naranasan mo na bang kiligin, habang nakanta yung singer?

Yung kinikilig ka hindi dahil sa kanta? Kundi dahil sa boses ng nakanta?” seryosong tanong ni Khei

“oo, minsan..” sagot ni Telay.

“Kapag ganun ba ibig sabihin crush mo yun?” tanong ni Khei.

“Ano ito highschool? Oo, nahanga ka dun sa singer…” sabi ni Telay.

“Eh paano kung hindi ka naman talaga kinikilig sa mga nakanta eh.

Paano kung ikaw yung tipo ng tao na bihira kiligin…

Never ka pang kinilig dahil sa boses nung nakanta…

Pero nung narinig mo yung boses na iyon kinilig ka…” tanong ni Khei.

“I can’t answer that, alam mo ikaw lang makakasagot niyan.” Sabi ni Telay.

Ilang oras na ang lumipas, at wala pa din sina Pau sa canteen. Napansin nitong ni Telay, na nakarepeat pala yung songs sa iPhone nitong si Khei. At kanina pa niya naririnig mula sa headset nito, malakas kasi yung volume ng patugtog ni Khei, na iisa lang yung kantang pinapakinggan nito.

“Unli lang? Hindi ka ba nagsasawa pakinggan yan?” tanong ni Telay, ngumiti lamang si Khei.

Yung paulit-ulit na kantang pinapakinggan ni Khei ay yung performance ni Jayvee doon sa restobar last week. Nang makita niya itong nakaUpload, dinownload niya agad ito at nilagay sa phone niya para mapakinggan, at mula ng nilagay niya ito doon ay paulit-ulit na niya itong pinapakinggan at hindi siya nagsasawang pakinggan ito.

“Pau!” agad na sabi ni Telay pagkakita kay Pau na papasok na sa canteen.

Ngumiti agad itong si Pau at kumaway kina Telay pagkakita at umupo sa tabi nito ni Telay at sabay sabay silang kumain. Medyo napansin ni Khei ang kakaibang closeness ng dalawa habang nakain sila, pero hindi na lamang siya nagsalita at kumain na lamang habang pinapakinggan ang kanta ni Jayvee.

-----------------------------------

Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23

Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com

Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart

Follow on facebook:

http://www.facebook.com/bhiemhine23

Small WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon