Chapter 48: Changes

18 0 0
                                    

Isang umaga, pagkaCheck ni Khei ng e-mail niya nakita niya na may e-mail sa kaniya ang kaniyang  Daddy, agad niya itong binasa at pagkabasa niya nito ay agad na siyang nag-impake at dumiretso sa airport. Sakto pagkalis ni Khei saka naman dumating itong si Jayvee para sunduin siya pero dahil wala na nga itong si Khei, wala na siyang naabutan. Inantay ni Jayvee na pumasok ito sa ospital pero hindi din ito pumasok. Sinubukan niyang tawagan ito pero hindi din niya ito maContact, kinabukasan pinuntahan niya ito sa pinapasukang eskwelahan pero wala din ito doon.

 

Lumipas ang isang linggo hindi pa din niya ito maContact, naisip ni Jayvee na baka nagpapaMiss lang ito pero naisip niya saan naman kaya ito pupunta gayong wala naman sa bansa ang pamilya nitong si Khei. Nang ikalawang linggo ng hindi nagpapakita itong si Khei, nag-alala na si Jayvee dahil kung nagpapaMiss lang ito sa kaniya, dapat nagpakita na ito sa kaniya, kaya naman hindi maiwasang mag-isip ni Jayvee na baka may nangyari na dito. Sinubukan niyang kausapin ang mga kaibigan nitong si Khei pero walang nakakaalam kung nasaan ito, kaya naman nag-aalala na siya kung ano ba talaga ang nangyari kay Khei.

 

Halos isang buwan ng nawawala si Khei, naka-deactivate na ito sa facebook at sa lahat ng social media accounts nito, pati e-mail account ay hindi na available ang e-mail address nito, kaya naman hindi na alam ni Jayvee kung ano ang gagawin niya, bakit kasi bigla na lang nawala itong si Khei na parang bula.

 

Habang hinahanap ni Jayvee itong si Khei, si Selena naman ay umaasa pa din na babalikan na siya nitong si Jayvee, dahil iyon ang sabi sa kaniya ng Ama niya, babalik na ito sa kaniya basta wag lang siya gumawa ng kahit ano na ikapapahamak niya at sinunod naman ito ni Selena. Makalipas ang 3 buwan, sa di inaasahang pagkakataon nagkita ng di sinasadya sa mall itong si Selena at Jayvee. Kakagaling lang noon sa therapy ni Selena, dahil sa depression na dinanas niya kaya siya nagpaTherapy. Pagkakita ni Selena kay Jayvee agad niya itong inakap, at nagulat naman itong si Jayvee.

 

“I MISS YOU!!! Daddy’s right!” sabi ni Selena habang mahigpit na naka-akap kay Jayvee.

 

“Selena, please!” sabi ni Jayvee, sabay kalas sa pagkaka-akap nito sa kaniya, nalungkot si Selena.

 

“What do you mean na Daddy’s right?” tanong ni Jayvee, ngumiti si Selena.

 

“Daddy told me na pag hindi ako gumawa ng kahit ano

na ikapapahamak ko, babalik ka sa akin. And here you are!” sabi ni Selena, napailing si Jayvee.

 

“Selena, hindi ako babalik sayo.

Kahit kalian hindi na ako babalik sayo.

Siguro ikaw , kayo ng Daddy mo ang dahilan kung bakit

bigla na lang nawala si Khei ano?” sabi nI Jayvee, nagulat si Selena sa sinabi nito.

 

“Me? Dad? Wala kaming kinalaman sa pagkawala niya.

Siguro hindi ka lang niya talaga mahal kaya iniwan ka niya.

Jayvee, I’m here for you, I love you, I will never leave you” sabi ni Selena, sabay halik sa lips ni Jayvee.

 

Small WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon