Chapter 23: Falling For You

41 0 0
                                    

“In a place, where no one could find.

There's this person who doesn't mind.

Estranged by love, ignorance is insignificant.

For what matters most is material kind.

Imbued by stoicism, a person in this creation could not exist in cosmos of affection.

Indigenously as a loving being.

Who knows someone might change this human being?

Desolated and unappreciated at times,

there's a man who came in time,

that changed the essence of existence of this human kind.

Destiny brought them together, to show the meaning of being alive.

Fate kept their paths crossing over and over again.

Until they unveil the veracity behind this circumstances

Why they are meant to be together eternally.

Thus, loving someone is destined to be.”

Status post ni Khei sa facebook, na nakita ni Jayvee dahil niLike ito ng mutual friend nila. Pagkatingin niya sa ‘See more’ nakita niya ang note doon ni Khei.

“Aww… I can’t believe that I did this! “Destiny” ang title niyan.

I’m so proud of my friend Ryan who recited this on his recital.

Kahit hindi alam ng mga tao dun sa school nila na ako talaga ang gumawa nito

masaya na akong malaman na napahanga sila pagkatapos itong i-Recite ng kaibigan ko.

How I wish, I was there to see their reactions in person…”

Napangiti si Jayvee, hindi niya kasi expected na si Khei ang sumulat noon mismo. Medyo humanga siya kay Khei, balak na sana niya i-add si Khei ng biglang nagRing ang cellphone niya.

“Jayvee, babe, can you come over here at my place?” sabi ni Selena, ng palamabing.

“Selena, anong oras na oh? It’s already past 12mn…

And yet, you want me to come over your place???” sabi ni Jayvee, na parang medyo naiinis.

Kung merong isang bagay na inaayawan si Jayvee kay Selena, ay ang pagiging demanding nito. Hindi naman niya kasi alam na ganoon kaDemanding itong si Selena ng una niya itong makilala.

(Flashback)

Intern pa lang noon si Jayvee sa hospital kung saan siya nagtratrabaho ngayon. Naglalakad siya noon sa hallway ng hospital ng may isang babaeng nagmamadali na nakabungguan niya, si Selena. Nang magkabungguan ang dalawa, nagkatinginan ito at agad namang umalis ang babae na nakasuot ng pulang fitted na leather jacket, black skinny jeans at high hills, at may hawak na pink pouch.

“Sorry ha?” sarcastic na pagkakasabi ni Jayvee, napalingon lang ang babae sa kanya at dumiretso na.

Kinagabihan, niyaya si Jayvee ng kasama niyang intern na magBar sila along Timog. Sumama naman itong si Jayvee, at doon nakita na naman niya ang babaeng nakabunguan niya, si Selena. Lingid sa kaalaman ni Jayvee, ipapakilala pala siya ng kaibigan niya kay Selena, kaya siya nito sinama. Highschool friends si Selena at ang kaibigan ni Jayvee, at madalas nakwekwento ng kaibigan ni Jayvee kay Selena si Jayvee na kaibigan niya at kasama sa hospital.

“Jayvee, I want you to meet Selena Montemayor.” Sabi ng Kaibigan ni Jayvee, at nagulat si Jayvee.

“HI there handsome!” sabi ni Selena, medyo malandi pagkakasabi niya noon.

“Hi miss? Ikaw yung…” Jayvee was trying to say na siya yung nakabungguan earlier.

“Yes, It’s me. Sorry, I was in a hurry.” Sabi ni Selena, sabay inom ng drinks.

Noong una, naiinis si Jayvee kay Selena pero noong nagtagal ng makilala niya ito unti-unti nahulog ang loob niya dito. Sino ba namang hindi magkakagusto kay Selena, napakaganda ng babaeng ito, sexy pa, IT GIRL talaga. Makalipas ang ilang buwan sinimulan na ni Jayvee ang pangliligaw kay Selena, pero hindi siya nito sinagot dahil gusto ni Selena na kapag naging sila na ay may ipagmamalaki na si Jayvee sa pamilya niya. Noong una, hindi alam ni Jayvee na anak pala ito ng isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa at ng isang sikat na university din sa bansa, pero nung nagtagal nagtapat din si Selena sa kanya, kaya naman naisip niya na tama si Selena, dapat talaga kapag naging sila ay may maipagmamalaki na siya.

After three years of waiting, nakatapos na si Jayvee sa pag-aaral, at nag-antay pa siya ng isang taon bago siya ulit nangligaw dito kay Selena, last year lang siya nito sinagot. Pero kahit naman hindi pa sila dati, parang sila na kung magtratuhan ang dalawa, kumbaga formality na lang na naging sila last year.

Medyo namimiss na ni Jayvee ang Selena na nakilala niya 4 years ago, ang laki na kasi ng pinagbago nito ni Selena, pakiramdam niya hindi na siya ang Selena na minahal niya four years ago. Para kasing may nagbago, pero hindi niya malaman kung ano.

Hindi naman matanggihan ni Jayvee itong si Selena, kaya kahit disoras na ng gabi pupuntahan pa din niya ito. Bago niya patayin ang laptop, nakita niya na nandoon pa din pala sa profile ni Khei sa facebook ito. At nakita niya ang education nito, nagulat siya kasi ang dami na palang colleges/universities na pinasukan itong si Khei, at nakita niya sa cover photo nito ang mga kaTeam ni Khei, isa pala itong varsity sa first college na pinasukan niya. Napangiti na lang si Jayvee, at pinatay na ang laptop niya at pinuntahan na si Selena.

(Ding Dong)

Bumangon si Selena sa kanyang higaan at lumabas ng kwarto para pagbuksan ang nasa pinto. Pagbukas niya ng pinto si Jayvee ang nakita niya na may dalang pagkain at flowers.

“Awww, Jayvee!” sabi ni Selena.

Touch na touch noon si Selena, dahil kahit madaling araw na pumunta pa din ito si Jayvee sa condo unit niya. Agad niyang pinapasok ito si Jayvee sa unit niya at tinulungan sa mga dala nito para ilagay si kitchen counter niya, at inamoy ang mga bulaklak na dala nito ni Jayvee.

“Until now di ka pa din nagbabago, you really love me don’t you?” sabi ni Selena, habang malagkit ang tingin kay Jayvee, sabay biglang halik sa kanang pisngi nito.

Napangiti lamang si Jayvee at lumakad papunta sa sofa para umupo. Noong hindi pa kasi sila ni Selena, sa tuwing nadalaw ito si Jayvee sa bahay nila madalas itong may dalang flowers at pagkain na paborito nitong ni Selena kaya naman parang nakasanayan na niya na kapag pupunta siya kay Selena ay nagdadala siya ng mga yun.

“So bakit mo ako pinapunta?” tanong ni Jayvee, sabay kuha ng remote ng TV para buksan ito.

“I just want to spend my night with my boyfriend…” sabi ni Selena, sabay tabi kay Jayvee at yinakap ito.

Noong yinakap ni Selena si Jayvee, parang nabigla ito at hindi maintindihan ang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung bakit parang hindi siya natutuwa sa mga ginagawa nito sa kaniya. Pero naisip niya baka siguro epekto lang iyon ng matagal nilang hindi pagkikita, 9 months din kasi silang hindi nagkita mula ng umalis ito papunta ng America.

--------------------

Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23

Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com

Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart

Follow on facebook:

http://www.facebook.com/bhiemhine23

Small WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon